Chapter 2

34 1 0
                                    

Months passed at kahit papaano naging masaya naman ako sa 7-Jade. I made friends too actually. Ivan, Caryl,at Nicolas. But I stand by what I said weeks ago. Na hindi kumpleto ang school year ko kapag hindi kasama si Kiel. Lalo na ngayon na hindi na siya nagpaparamdam.

Tuwing Araling Panlipunan time ko lang siya nakikita kasi dinadalhan niya ng pinipig ice cream si sir Cruz, Teacher namin sa A.P. At kapag pumasok siya sa room namin,ako kaagad ang titignan niya. Ang upuan ko kasi Ay Malapit sa pintuan,kaya pag mag nagbukas or kumatok,di ko maiwasan tumingin,Lalo na kapag A.P time.

Tuesday ngayon at gagawa kami ng notes sa lahat ng subjects. Yung iba kong classmates sinusumpa ang araw ng Tuesday kasi napapagod daw kaagad sila at sobrang sakit sa kamay.

Ako naman,mas gusto ko ang magsulat ng magsulat na lang buong maghapon. Para magi-iscan lang ng pages ng libro or magbabasa ka. Mas tahimik at less communication. Pero maya't-maya mo maririnig ang Mga reklamo ng classmates ko na

"Sana hindi na lang ako pumasok" or

"Ang sakit sakit na ng kamay ko!" Or

"Ma'am wala po ako ballpen!" Or

"Ma'am wala po tinta ballpen ko"

I mean,hindi naman sila pwede umabsent every Tuesday. Tsaka may ballpen naman talaga sila. Ayaw lang nila magsulat. Science pa naman ngayon ang period namin.

Tahimik lang akong nagsusulat at nae-enjoy ko ito. Biglang may tumapik sa likod ko at nang lumingon ako,nakita ko ang pagmamaka-awang mukha ni JP. Playboy ito at feeling gwapo. Pero marami nga nagsasabi na gwapo daw siya. Ako na lang ata hindi. It's because my eyes are fixed on Kiel.

"Pwede bang pakopya ng notes pag Tapos ka na?" Bulong ni JP.

I saw this coming. Laging ganito ang hiling ng Mga classmates ko sa akin. Inismiran ko lang si JP at umiling. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat. Lagi akong hinihiraman kapag ganito.

Hinarap ko si JP. Nakangiti siya. Buong akala niya siguro pahihiramin ko siya.

"Sila Ivan nga hindi ko pinapahiram ikaw pa kaya?" Its true. Wala akong pinapahiram ng notebook. Dapat maghirap naman sila,hindi yung basta-basta sila kokopya. Malapit na ako matapos at sakto nagsalita na si ma'am Sajulga ng "pass your notebook."

Tumayo ako kaagad at nilapag sa teacher's table. Sari-saring reklamo ang naririnig ko sa Mga classmates ko. Merong

"Ma'am! Hindi pa po Tapos!" Or

"Ma'am pwedeng bukas?" Or

"Ma'am maawa po kayo sa amin!"

Bumalik ako sa upuan ko na mat ngisi sa labi. Another note done! Daldalan kasi kayo ng daldalan kaya wala kayo natatapos!

So far ako pa lang ang nagpasa at bago umalis si ma'am, tatlong notebook lang ang nakita ko. Yung akin,kay Monica, at yung kay Franzine. Halatang disappointed na naman si ma'am.

After ng Science Ay recess. Kaya lahat sila nagbaba-baan sa canteen. And of course,mag-isa lang ako dito sa too. Hindi ako kakain. Tuwing lunch ako pumupunta ng canteen,pero kapag recess,dito lang ako sa room, nagbabasa.

Every week or every two weeks,iba-iba ang librong binabasa ko. Minsan kapag busy, umaabot ng 1 to 3 months bago ako makapagbasa ng ibang libro. Pero ngayon kasi Simula pa lang ng 3rd grading kaya wala muna quizzes,next week pa.

Nung ako na lang talaga mag-isa sa room, tumayo ako at pinatay ang Mga ilaw. Ang tanging ilaw lang na nakabukas Ay yung Malapit sa inuupuan ko.

Book 2 pa lang ako ng Harry Potter series which is Chamber of Secrets. Magsisimula pa lang sana ako sa chapter 5 nang may biglang kumatok sa bintana! Napatalon ako kaya agad akong pumunta Doon. Wala namang Tao pero may nakadikit na sticky note.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now