Chapter 22

10 1 0
                                    


Kiel did great for the past few days. Lumalapit na lang siya sa akin kapag may hindi siya naiitindihan sa mga subjects. Umangat rin siya lalo na sa AP. Na-impress nga sa kanya si Ma'am Jadg kasi halos perfect siya sa mga quizzes.

Yung monthly test one namin na 30 items ay naka-perfect siya. Ako naka 28 lang. To think na nataasan niya pa ako!

Periodical test na namin bukas kaya kailangan ko dalhin lahat ng libro. Dala ko rin yung mga notebook ko na nasa loob ng bag.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Tumayo kaagad ako pero dahil sa bigat ng bag ko, medyo na-out balance pa ako pero hindi naman ako totally na nadapa.

Hand carry lahat ng books ko kaya medyo nahihirapan talaga ako maglakad. May pagka-maliit rin ako kaya hindi ko masyado Makita yung nilalakaran ko.

Kinilabutan ako nung may nagtanggal ng strap ng backpack ko sa aking balikat. Lumingon and I saw none other than Kiel Olimberio smiling. Jusko! Akala ko magnanakaw na!

"Ako na magdadala." Offer ni Kiel sa akin.

"Ako na nakakahiya naman."

Nagtaas siya ng kilay. "Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin Summer?"

Nagkibit balikat ako at hinayaan na lang siya na tanggalin sa likod ko yung bag. Medyo gumaan na yung pakiramdam ko kahit papaano. Naglakad siya at pumuwesto siya sa aking harap.

"Nasaan yung bag mo?" curious kong tanong.

"Nasa room. May study session kami mamaya nila Seth. Nagpapatulong sila. Syempre sasabihin ko yung mga tinuro mo sa akin."

Wow. Just Wow! Kiel Olimberio is having a study session?

"Since when do you do study sessions?" sarkastiko kong tanong.

"Since you influenced me with your knowledge?"

Tumawa ako ng onti. Sinubukan kong maglakad kahit one step lang pero hinawakan ni Kiel ang mga libro ko at kinuha niya sa akin iyon.

Sakto may bumaba na mga grade 9 students sa hagdanan at napatingin sa amin.

Ugh. I forgot. I was with Kiel. 'The' Kiel Olimberio. Panigurado may mapagtsi-tsimisan na sila bukas!

"Uyy. Sila na ni Kiel?" sabi ng isang dumaan malapit sa amin.

"Ugh. As if she deserves Kiel. Mas bagay pa sila nung Arianne Ramos. Sayang nga nag-break sila."

"Sayang sana magustuhan rin ako ni Kiel."

WTF?! Okay I get it naman na hindi ko talaga kayang pantayan si Arianne pero mas maayos naman ako kesa kay Arianne! Tsaka grade 8 pa lang si Kiel! Tapos gusto niyo na maging gf kayo ni Kiel? Like that would happen? I just rolled my eyes at them.

Hinawakan ni Kiel ang aking kamay at hinila na ako pababa ng hagdanan.

"Don't worry about them. They're just jealous because they can't be with me." Sabi ni Kiel.

"Alam ko."

Nung nasa baba na kami, naglakad kami papunta sa may compound ng school kung saan naka-park yung kotse ko.

"Do you want to come with us then? We need a nerd girl to help us you know?" Tanong ni Kiel

Tinignan ko siya ng masama.

"Just Kidding! But we need someone to teach us."

Nagkibit balikat ako at binuksan ang backseat ng kotse. Nilagay niya ang aking bag at mga libro doon.

"No thanks. I prefer studying alone. Nadi-distract ako kapag maraming nakapaligid sa akin."

"Akala ko nadi-distract ka sa akin."

Hinampas ko ang kanyang balikat. "Asa!"

Umikot ako sa kabilang side ng kotse para maka-upo na at maka-uwi.

Sinundan ako ni Kiel at binuksan niya ang isang pinto ng backseat ng kotse. I rolled my eyes at him at pumasok na lang. Sinarado din niya ang pinto at nakita kong naka-smile siya. Ngumiti ako. Buti na lang at tinted ang sasakyan kaya hindi niya sana Makita ang ekspresyon ko.

The driver started the engine. Narinig iyon ni Kiel kaya kinatok niya ang aking bintana. Binuksan ko ito.

"Wala man lang thank you?" pang-aasar niya.

I pretended that I was on maldita mode. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Thank you for what exactly?"

"Uh,Sa pagbuhat ng gamit mo?"

Hayss oo nga pala nakalimutan kong magpasalamat!

"Okay fine. Thank you. Pay attention to your so-called study session. Wag puro si Arianne ang nasa isip mo."

Biglang nagseryoso ang kanyang expression. "Who says I'm thinking about Arianne? Pwede naman na ikaw yung iniisip ko."

Blanko lang ang aking expresyon. "Wag ka mag-joke Kiel. It's not funny."

Personally, I really think that he's joking. Or ayoko lang mag-assume?

"Who says I'm joking? Seryoso ako Ms. Monteverde."

Bumuntong hininga ako. Gusto ko na umuwi!

"Okay then. Study hard. See you tomorrow Mr. Olimberio."

Ngumiti siya. "Okay. I'll see you tomorrow. I'll be thinking about you okay?"

Naglakad na siya sa paalis. Napangiti na lang ako.

"Manong alis na po tayo." Sabi ko at sinarado ko na ang bintana.

Tumango si Manong at nagsimula ng umalis ang kotse.

***

I tried to focus. Oh my God Summer hindi pwedeng ganito! Periodical test na bukas! Kailangan kong magseryoso! Grabe talaga yung epekto sa akin nung mga sinabi ni Kiel! Argh! Baka bumaba pa ako dahil sa kabaliwan kong ito.

Bumuntong hininga ako at nagsimula ng magbasa at mag-research ng masinsinan. I need to ace! I need to keep in mind na hindi si Kiel ang magpapa-bagsak sa akin. Kahit ang feelings ko para kay Kiel ay hindi.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now