Chapter 35

12 1 0
                                    


February na at one week na lang at Prom na namin. Black and white and theme ngayon kaya lahat ganong kulay ang suot na damit. Kaya andito kami ni Guiah at Jane sa Imus para kunin ang pinatahi kong black long sleeves gown last 2 weeks. Medyo may pagka-lobo ito pero hindi naman ganon kalaki.

"Bagay sayo." Sabi ni Jane. "You should put your hair up. Messy bun should do the trick. Long-sleeves kasi yan eh."

Napag-isipan namin na hindi na kami magpapa-ayos sa salon kasi marunong naman sa hair and make-up si Jane at kumpleto rin siya sa gamit.

"Ano ba design nung sayo?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

"Off-shoulder yung akin. Black din na medyo lobo din." Ani Jane

"Yung akin isang diretso lang tapos may slit and yung tali niya sa neck pabilog lang." singit ni Guiah

"Mukhang sexy toh next week." Tawa ko.

Inayos ni Jane ang gown ko sa likod at hinarap niya ako. Tinignan nila ako ni Guiah na parang may gusto silang sabihin.

"Bakit? Hindi ba maganda?" Nanghihinayang kong tanong.

"It's not that." Sabi ni Guiah.

Bumuntong Hininga si Jane. "Aatend ba si Kiel?"

Sumimangot ako. I felt jealous. Jane's going with Kian and Guiah is going with Zyron. Sa aming tatlo ako lang ang walang prom date.

Umiling ako bilang sagot... I know they feel sad for me. Kasi napag-iwanan na naman daw ako.

"Bakit daw?" mahinahong tanong ni Jane.

Nagkibit-balikat ako. "Ayaw daw niya. Sayang daw pera. Tsaka mas gugustuhin daw niyang mag-laro ng Fortnite buong gabi kesa makipag-sayaw."

"Ano?!" Medyo napalakas ang tono ni Guiah. Buti na lang at kami lang ang tao dito. "Gusto niya bang ipasok ko siya doon sa Fortnite na yun? Tsaka ang yaman kaya niya! Mga kaibigan niya pupunta tapos siya lang hindi? He's got to be kidding me! Patay siya sa akin sa Monday!"

Umiling si Jane sa akin. "Guiah's right be. Dapat kung may gusto siya sayo, kinonsider man lang niya sana na pumunta para masayaw ka. To have your night completed because naka-sayaw ka niya. Hindi yung ganito."

"Eh? Di naman umaamin si Kiel sa akin. Ayaw ko mag-assume."

"Jusko naman. Sa mga galawan niya sayo? Imposibleng walang siyang gusto sayo!" Iritadong sagot ni Guiah.

Umiling ako. "Still... He never said he liked me."

***

"Kiel Jose Olimberio!" Sigaw ni Guiah pagdating namin sa school. Sabay kaming pumasok nila Jane ngayon.

Kumunot ang noo ni Kiel sa lakas ng sigaw ni Guiah. "Ano?"

Sinipa ni Guiah yung tuhod ni Kiel dahilan para ma-out of balance si Kiel.

"Be, maybe that's a little too much." Pagpipigil ko.

Tinignan ako ni Kiel. "Ano na namang problema niyong tatlo sa akin?"

Tinuro ni Jane si Kiel na ngayon ay napa-upo dahil sa lakas ng sipa sa kanya ni Guiah.

"Ano? Di ka aatend ng Prom dahil wala kang pera? Mayaman ka diba? Kasi mas gugustuhin mong mag-laro kesa samahan si Summer sa prom?!"

Nilapitan ko silang dalawa. "Di ko kailangan ng kasama. I have you guys. Prom date lang yan,it's not a big deal. Let's just go. Wag na natin siyang pilitin." Tinignan ko si Kiel na ngayon ay namumula dahil sa galit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now