Chapter 18

10 1 0
                                    

"Sa highschool building niyo na lang po ako ibaba." Sabi ko sa driver.

Nung naipasok niya na yung kotse sa loob ng building namin, bumaba kaagad ako. "Salamat po manong!"

Dumiretso kaagad ako sa bulletin board. Doon kasi nakalagay ang listahan ng mga section.

Marami ng nakatingin doon. I saw some familiar faces pero marami rin namang bago at hindi ko kakilala, some transferees.

Nilibot ko yung paningin ko. Wala pa siya. Good thing.

Nung turn ko na para tignan kung anong section ko, tumingin kaagad ako sa papel na may nakalagay na Grade 8. Dalawa iyon kasi dalawa pa rin ang sections.

Ini-scan ko yung papel na may nakalagay na 8-Jade. Wala ang pangalan ko doon sa girls. Tinignan ko naman ang papel ng 8-Topaz. Right now, wala muna akong pakialam sa mga magiging classmates ko. Ang importante ay mahanap ko ang aking pangalan at room.

There!

10. Monteverde,Summer Anne D.

So 8-topaz ako? Cool, new section. Sana lang ay wala akong classmates na basagulero.

Umakyat kaagad ako sa third floor.

Nahanap ko kaagad ang room dahil sa template. Bukas lahat ang ilaw. Nung pinihit ko ang doorknob, naramdaman ko kaagad ang lamig. Bukas na kaagad ang aircon.

Ngayon ko lang napansin na room ito ng 7-topaz dati. Pinalaki lang. Ginala ko ang paningin ko sa buong room. Everything changed. Nadagdagan ang bookshelves.

Then tumigil ang paningin ko sa lalaking nakaupo malapit sa may aircon.

What's he doing here?

Nakatingin lang siya sa akin habang hinahawakan niya ang kanyang labi.

Nanlaki ang mga mata ko. The fuck? Don't tell me classmate ko siya?

Umatras ako ng onti at bumuntong-hininga. Dapat pala'y tinignan ko muna kung sino yung mga classmates ko! Stupid! Wala na akong magagawa dahil teachers ang naglagay sa akin sa section na ito.

Sinarado ko ang pintuan at naglakad papunta sa second row ng mga upuan. I need to avoid him as much as possible! Binaba ko ang aking bag sa sahig at naupo na lang.

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng aking palda at in-on ang aking data.

Binuksan ko kaagad ang messenger. May isang nag-add sa akin sa messenger.

Nanlaki agad ang mga mata ko nung nakita kong si Arianne ang nag-message sa akin. Nilingon ko kaagad si Kiel na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.

Okay,deep breaths Summer! Ano kaya ang sadya ni Arianne?Binuksan ko kaagad ang message niya at ina-accept siya sa messenger. Luckily she was online kaya mare-replyan ko ang kanyang message.

Arianne:

Summer, sorry kung biglaan ngayon pa talagang first day of school,can we talk?

Ako:

Ahh oo naman pwede. Hindi ka na ba dito sa CLS mag-aaral?

Arianne:

Hindi na. Nag-transfer na ako sa La Trinidad. Mamaya sa may Kubo after class mo mga 3pm.

Hindi na ako nagreply. Siguro importante at confidential kaya sa kubo niya gustong makipag-usap. Nasa likod kasi ito ng school namin. May nagbabantay doon para maiwasan ang mga initiation at mga iba pang bagay.

Tinago ko na lang ang cellphone ko at kinuha ang libro na Goblet of Fire. Makapag-basa na nga lang muna.

Naka-ilang basa na ako sa isang paragraph pero hindi ko pa rin maintindihan. Masyadong pre-occupied ang utak ko.

Nagda-dalawang isip ako kung lalapitan ko ba si Kiel or hindi. Syempre kasi gusto ko nga magpasalamat!

Bumuntong hininga ako. Ito lang ang natatanging paraan para matahimik tong konsensya ko! Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Hindi niya tinanggal ang tingin niya sa akin habang papunta ako sa kanya. He wasn't even surprised when he saw me walking to him! The nerve of this guy!

Nung nasa tapat na niya ako. Inangat niya ang kanyang tingin sa akin at umayos ng upo.

"Uhm,ano,Salamat sa watermelon shake tsaka sa note." Nahihiyang kong sabi sa kanya.

Blanko lang ang kanyang expresyon. Parang yung pinakita ko sa kanya nung nag-usap kami sa canteen.

Tumango siya. "Walang anuman. Did you had a safe trip?"

Lumunok ako at ngumiti. "Oo. Musta na kayo ni Arianne?"

Nagtaasa siya ng kilay at umiwas ng tingin. "Wala ayos naman. Well that's what I think. Medyo malamig na si Arianne sa akin eh."

Di nga? Parang last week lang nung nakita ko sila na magka-holding hands.

Tumango na lang ako. "Ahh sige. Salamat ulit ha?"

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko at nagpatuloy sa pagbabasa. May mga tao na sa loob ng room kahit papaano.

At dahil first day of class ngayon, manghu-hunting ako ng mga gwapo para kahit papaano ay makamove-on kay Kiel kahit alam kong imposible. Pero it's worth a try! Kahit maalis ko lang sa isipan ko si Kiel.

May tumabi sa akin kaya napalingon agad ako kung sino yun.

At nagsisi akong lumingon ako!

Nanlaki agad ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti siya sa akin. "Gusto kitang makatabi!"

"Go Kiel!" sigaw ni Seth. Classmate ito ni Kiel dati at ngayon classmate ko na rin. Mapang-asar ang isang ito eh!

Nilingon siya ni Kiel at tumawa. "Gago ka Seth!"

Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya. Ngayon,tumingin siya sa akin.

"What? Ayaw kong may katabi kang iba!" depensa ni Kiel.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Ayan na naman Summer wag ka papadala. In the end, ikaw na naman ang luhaan, ikaw na naman ang masasaktan!

Umirap na lang ako at tinago na lang ang libro ko. Kahit basa ako ng basa, wala na rin naman akong maiintindihan dahil sa mga sinabi ni Kiel sa akin.

***

Dumating na yung adviser naming. Graduate siya sa Cavite State University at bago lang siya na teacher dito sa CLS.

"My name is Fernando Magdato. You can call me Sir Fhern."

Madali naming siyang nagustuhan dahil mukhang Masaya siyang kasama. Nag-aasaran na rin sila ng ibang boys. Nandito kasi si LJ kaya makulit ngayon ang boys na classmates ko.

Wala na akong nagawa. Si Kiel kasi ay talagang doon na naupo sa tabi ko. Tinatawag siya ng iba pa niyang kaibigan para doon tumabi sa kanya pero umaayaw siya. Ang lagi niyang sinasabi ay "Kailangan kong batayan!" at tumawa na lang.

Iba rin ang way ng introduce yourself ni Sir Fhern. Aniya masyado daw matatagalan kapag isa-isa kaya by partner ang introduction.

"Yung partner niyo ay yung katabi niyo! No excuses!" sabi ni Sir Fhern.

KUNG SINUSWERTE NGA NAMAN! 

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now