Chapter 25

10 1 0
                                    



"Hirap ng test sa math noh?" ani Kiel

"Para sayo lang mahirap. Di naman masyado." Sabi ko.

"Psh. Palibahasa magaling ka sa math eh."

Tumawa ako. Saturday ngayon at pumunta kami ni Kiel sa school para mag-training ng table tennis. Last day ng periodical exams kahapon at pinayagan kami ng Coahes namin na mag-train for intrams. May mga volleyball players rin sa compound para mag-train. Ang mga basketball players naman ay nasa court ng subdivision.

Binaba ang bag ko sa sahig. Yung table nilipat sa isang room kaya napilitan kami ni Kiel na dito mag-train. Dapat daw talaga ay nasa may Gym ito. Pero may gumagamit daw.

Kinuha ko ang aking paddle sa bag. Bumuntong hininga ako tinignan ang paddle. This isn't my first time to play this sport pero first time ko mag-training para sa isang contest.

Pumwesto na ako sa isang side ng table. Nasa tabi ko si Kiel.

"So he's how you serve." Sabi ni Kiel.

Ipinakita niya sa akin kung paano ang galaw ng kamay para matamaan ang bola.

"Ang paghagis ng bola ay above the table lang Wag masyado mataas. Bawal sa ilalim. Mafo-foul ka kapag ganon."

Sinubukan ko ang sinasabi niyang paghagis ng bola.

"Yan! Good!" sabi ni Kiel

Nginitian ko siya. This is kinda fun!

"Ngayon kapag magse-serve ka,wag masyadong malakas. Dapat tumama muna sa table mo bago sa table ng opponent mo."

Nagtaas ako ng kilay. "Paano kapag nag-serve ako, yung bola sa table ng kalaban unang tumama?"

"Edi puntos ng kalaban yon." Sabi ni Kiel. "It should be like this."

Sinubukan i-serve ni Kiel yung bola. Tinignan ko siya. Yung kamay niya na may hawak na bola ay kasing-level lang ng table. Hinagis niya yung bola. Unang tumama sa table ni Kiel then over the net then doon sa table ng kalaban.

Pumunta ako sa kabilang side para kuhanin yung bola na tinira ni Kiel.

Binigay ko iyon kay Kiel. "Got it!"

Tumango siya. "Now you try."

Pumuwesto ako ng maayos. Pumuwesto si Kiel sa kabilang side ng table. Bumuntong hininga ako at sinerve ang bola. Tumama ito sa table ko. Tapos sa net then sa table ni Kiel.

Tinira kaagad ni Kiel yung bola. Bumalik ito sa akin kaya tinira ko pabalik sa kanya. Ilang minuto kaming naglaro ng ganon pero tumigil rin ng pagtira ni Kiel ay hindi pumasok sa table ko.

Ngumiti ako. "Is it your score?"

Umiling siya. "No. Ituturo ko sayo kung paano ang scoring."

"Sige pero pwede umupo muna?" hinihingal kong sagot.

Tumawa si Kiel at tumango. Pero,isang upuan lang ang nasa loob ng room. Iminuwestra ni Kiel iyon sa akin. Umiling ako.

"Ikaw na ang maupo Kiel. Panigurado napagod ka sa akin kaka-turo."

Umiling siya. "No,pagod ka at halata sa mukha mo iyon. Kaya ko pa tumayo. Ilang years na rin ako naglalaro ng ganito kaya sanay na ako. At isa pa, I don't let a girl stand by herself."

Tumawa ako at umupo na lang sa upuan. "Go. Explain mo na yung scoring."

"Okay ganito yan Sums. Kapag nag-serve ka tapos hindi pumasok sa table ng kalaban,score yun ng opponent mo. Kapag yung bola habang naglalaro kayo ay tumama sa side ng table mo at hind ni mo nasalo,score yun ng kalaban. Kapag naman nag-out yung bola,tulad ng nangyari sa atin kanina,score mo yun, kasi nalabas ko yung bola sa table. Kung sinong unang maka twelve,halimbawa sa 1st set,siya ang panalo."

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now