Chapter 7

15 0 0
                                    


Maaga ako nagising kanina para sa flight ngayon. At dahil everytime na pumupunta ako sa isang beach, nagsusulat ako ng letter kung ano yung ganap sa buhay ko or kung anong itsura ng buhay sa 21st Century. Binabaon ko ang sinusulat kong letter sa sand para kung may makabasa man, alam nila ang buhay ko. Parang time capsule.

At dahil first time kong magmahal at masaktan dahil lamang sa pag-ibig, nandito ako ngayon sa eroplano nagsusulat ng letter tungkol sa nangyari sa amin ni Kiel, at ang feeling ng masaktan dahil lamang nagmahal ka.

Ang upuan ko ay malapit sa window kaya Malaya kong nakikita sunrise. Maaga pa kasi at may nakikita pa akong stars.

Nang tapos ko na ang letter ko na halos dalawang piraso ng Long bond paper, tinupi ko ito sa apat at nilagay sa aking shoulder bag na dala ko.

Sana yung makakabasa ng sulat ko, matutunan niya na she shouldn't love too deeply. Because the depth of her love today is the depth of her wound tomorrow.

***

Pagkababa naming ng shuttle galling sa airport papunta dito sa hotel na tutuluyan namin, isang maliit na bar ang sumalubong sa amin. May mga kubo rin na nakapaligid doon. Sa likod ng bar,hilera ng mga modern rooms. Isa siguro dito ang room naming?

Tinulungan kami ng aming tour guide sa mga dalahin naming. Hinayaan ko siyang kunin ang aking maleta. Palawan has a nice setting for moving on. Not bad. Pero ang tanong, makaka move on ba ako?

Pagka pasok naming sa aming room, inexplain kaagad ng tour guide na 3 oras ang byahe papuntang underground river. Natigilan ako.

"Ah so hindi po siya beach? No swimming?" taka kong tanong.

"Meron naman po." Paliwanag ng tour guide. "Dagat po yung daanan papuntang underground river pero hindi pwede liguan."

Like shit? Yun lang ba ang dagat dito sa Puerto Prinsesa?

"Ahh bakit hindi po pwede liguan yung dagat na papuntang underground river?"

"Kasi po sa sobrang dami ng bats sa loob ng cave,yung urine po nila mismo ay nasa dagat na." nakangiting paliwanag ng tour guide. "Okay. So wala pong beach na pwede liguan dito?" Bigo kong tanong.

"Meron naman po sa Honda Bay. Pupunta po kayo doon mamaya." Sabi ng tour guide. "Labas na lang po kayo kapag ready na kayo umalis."

Tumango ako at umalis na rin ang tour guide. Tumayo na rin ako para makapagbihis. Napansin kong bihis na sila mommy. Nagkibitbalikat na lang ako at pumasok na sa CR.

***

Pagkalabas ko ng CR. Natuwa ako sa aking nakita. Si mom na naglalagay ng sunblock. Nakakatuwa kasi mukha kaming magkapatid! Were both wearing a crop top rashguard with the same design ,light pink shorts and our hair is tied in pigtails!

Kinuha ko ang aking sunglasses,phone, at yung sinulat ko na letter sa aking bag. Kinuha ko rin ang skater skirt at sinuoot iyon. Yan! Mas bagay!

Pagka –sakay naming ng shuttle service, I saw a familiar face na bumaba sa isa sa mga shuttle service ng Casa Fuerte. No. It can't be. Baka namamalik-mata lang ako. I should just ignore it, I'm here to relax.

Tinignan ko ang aking relos. 8:30 am pa lang. Sa Honda Bay ko na lang ibabaon yung letter ko. Mas makatotohanan na beach iyon.

***

Madilim sa loob kaya ang suot naming hard hats ay may flashlights. At tulad ng sabi ng tour guide, marami ngang bats. Hindi matanggal sa akin ang feeling na baka lapitan ako ng isa sa mga bats na ito. Or more! So I sit still, natatakot rin na baka anytime mahulog ako.

Pero kahit ganon, hindi ko pa rin mapagkakaila na maganda ang rock formations sa loob ng cave. May hugis birhen, hugis ham, may hugis korona din doon.

Hmmm, Mother Nature is at its finest.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now