Chapter 6

18 1 1
                                    

Dahil top student ako ng Cachapero for grade 7,hindi ko na kailangan magbayad ng tuition fee. Sagot na lahat ng CLS ang mga bayarin. I also earned a vaction trip with mommy and daddy sa Puerto Prinsesa Palawan!

Hindi nagparamdam si Kiel during Summer Vacation. No texts,No chat,No Kiel. May facebook siya pero no recent posts. Mas okay na rin siguro yun. Para naman pansamtalang matahimik yung puso ko na siya pa rin ang tinitibok. 

I'll admit na nasasaktan pa rin ako,pero wala,hindi ako pinili.

Tinapos ko kaagad ang pag-aayos ng mga damit na dadalhin ko bukas para sa Palawan para makapag-research ako at mag-advance study. This is my escape from summer kasi sa totoo lang ayaw ko talaga magbakasyon kasi nakakaboring at wala kang friends na pwede mong makausap araw araw.

Buti na lang at nakuha ko na ang mga libro ko para sa next school year. Mag-aaral na ako ngayon pa lang para hindi ako mahirapan kapag grade 8 na ako. Kinuha ko yung libro ko sa Araling Panlipunan. For grade 8 students,pag-aaralan namin ang kasaysayan ng Daigdig. Not bad.

Umupo na ako sa study table ko at binuksan ang aking laptop. Nilagpasan ko na ang topic tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig pero binasa ko pa rin iyon. Nagpatuloy ako sa pag-flip ng pages. Tumigil ako ng nakakita ako ng magandang topic

It was about Humanism and Renaissance period. Sounds interesting.

Nagsimula na akong mag-surf sa net at inuna ko ang pag-research tungkol kay Elizabeth the first at James the first. Nabasa ko rin sa libro ang tungkol kay Francesco Petrarch

I was jotting down notes when I heard a knock from my door. "Come in." 

Bumukas ang pintuan at nakita kong si mommy iyon na may hawak na mug at nakapajamas. Gabi na pala? Anong oras ba ako nagsimula? I must be so engrossed with the topic!

"I thought you might want some." nilapag ni mommy ang mug sa lamesa ko. Bumalik ako sa  pagsusulat. Kinuha ni mommy ang libro ko at sinuri niya ito. 

"Humanism and Renaissance?" Tanong ni mommy.

Nilingon ko yung page na binabasa ni mommy at nakita kong tungkol iyon sa counter-reformation ni Martin Luther. 

"Opo." 

Nakapitong  piraso na ako ng yellow paper. Sa gilid ng paningin ko,nakita kong flinip ulit ni mommy yung pages.

"Summer look oh! World War One! You like this diba?"

Dinungaw ko yung binabasa ni mommy. Nabasa ko kaagad ang tungkol kay Archduke Francis Ferdinand.

"Tsaka na po mom,nae-enjoy pa po ako dito sa 95 thesis ni Luther."

Bumalik ako sa pagre-research. Binaba na ni mom ang libro ko sa table. "Bakit Araling Panlipunan lang ang nirereview mo?"

"Kasi po nacurious ako doon sa title ng libro. Kasaysayan ng Daigdig. And I think it might be a great help someday. Reportings,projects,quizzes, and things such as that." 

Nagkibit-balikat na lang si mommy at hinalikan ako sa pisngi. "I'll go now. Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas. There's lot of time to that. Mahaba ang bakasyon.

Tumango na lamang ako at bumuntong hininga. Shinut-down ko ang aking laptop at ni-lock ang pintuan nung naka-alis na si mom. Dumiretso ako sa CR para mag shower.

Nung tapos na ako magbihis, pumasok ako sa loob ng walk-in closet ko para mamili ng pwede suotin para bukas sa flight. Marami pa akong gustong suotin pero I set up my mind on some high waist shorts, long sleeves na crop top at gladiator shoes.

Binuksan ko na ang lampshade ko at tumingin lang ako sa kisame. 

Maybe I just need to accept that fact that the person I love will never love me back.

I simply need to accept what God has planned for me. For Me and Kiel.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now