Chapter 8

13 1 0
                                    

Pagkarating naming sa Honda Bay, naghanap muna sila mom and dad ng mauupuan. Ako, nagpicture-picture muna para hindi nila mahalata na may gagawin ako.

Nung nakita kong nakalayo-layo na sila at mukhang wala na silang pakialam sa akin at sa kung anong gagawin ko, naghanap agad ako ng pwesto kung saan pwede ibaon tong letter ko.

Luminga-linga ako sa paligid kung may nagmamasid ba sa akin. Wala naman.

Medyo malayo ang napili kong pwesto kaya imposibleng maabot ito ng alon.

Lumuhod na ako at nagsimula ng maghukay. Tamang hukay lang ang ginawa ko. Yung kapag may umapak dito,hindi nila malalaman na may papel sa ilalim.

Medyo umiinit na at nararamdaman ko na ang sinag ng araw. Nang ibabalik ko na ang buhangin na hinukay ko,may humarang sa sinag ng araw kaya inangat ko ang aking tingin sa kung sino man ang humarang.

"Shit!" Napatayo ako nung nakakita ako abs! Muntik na akong ma-out balance doon ha!

Nakita ko siya. I knew it, hindi ako namamalik-mata kanina nung nakakita ako ng pamilyar na pagmumukha. At tama nga ang hula ko. Siya yung nakita ko na bumaba sa isa sa mga shuttle service ng Casa Fuerte!

He's topless kaya kita ko ang maganda niyang katawan. Araw-araw siguro nasa gym? And he's also wearing blue board shorts.

Tinanggal niya ang suot na sunglasses at seryoso akong tinignan.

Umupo ako at inayos ulit ang sand. Ayan! Hindi na halata na may papel sa ilalim! Pero may nakakita na naghuhukay ako. Baka mamaya hukayin niya ang papel at basahin ito.

Tumingala ako at nakita na nandoon pa rin siya. Nakita ko na naman yung abs niya! Shit! Yung abs kasi talaga eh! Nagwo-work out siguro siya? Sabagay, table tennis player. No wonder.

Tumayo na ulit ako at hinarap siya. Baka akalain pa nito na pinagpapantasyahan ko yung maganda niyang katawan.

Nginitian ko siya at tinanggal ko ang aking sunglasses.

"Hi Kiel!" Keep your cool Summer! Like The fuck? Ano kaya ginagawa niya dito?

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ano yung binaon mo sa buhangin?"

Pinagpapawisan na ako! Hindi dahil sa init kung di dahil sa tanong niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

"Ahh,ano,uhm,wala noh! May nakita kasi ako ng shell!" paged-deny ko.

Nakataas pa rin ang kanyang perfectly shaped brows. Seriously,nagki-kilay ba tong lalaking toh? Parang daig pa niya ako kung magkilay!

"Uh-huh. Yeah, well, where's the shell now Summer?"

"Tapos ano, namalayan ko na hindi pala shell iyon. Sinag lang ng araw! Ang puti kasi ng buhangin! Hindi mo ba nakikita? Ay, oo nga pala! Kasi bulag ka!" confident kong sabi sabay irap.

Kumunot ang kanyang noo.

"Anong sabi mo?" tanong ni Kiel. "What did you just say Miss Summer Monteverde?" 

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now