Chapter 32

7 0 0
                                    



"Yun na ba ang huli mong gamit?" he asked.

3am pa lang at aalis na kami ni Kiel pa Pangasinan. Nilagay niya sa likod ang aming bags. Tumango ako at ni-lock na ang bahay. Buti na lang at pinayagan ako nila mommy at daddy. We are staying there for 3 days. Sa Mansion kami ni Kiel tutuloy.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat. Pumasok kami roon at umalis kaagad ang sasakyan. May dalawang driver si Kiel sa harap.

"Ilang oras ang byahe?" tanong ko.

"Say 4-5 hours. Hindi rin ako sure kasi kadalasan nakakatulog ako."

Kinuha ko sa sling bag ang phone at headphones ko. I connected my phone to my Bluetooth headphones at nagsimulang magpa-kanta. Sumandal ako sa bintana at dinama ang kantang "When I Look At You" ni Miley Cyrus.

Onti-unting tumulo ang mga luha ko. Paano kaya kung hindi dumating si Kiel sa buhay ko? Will my life forever be dull? Hindi kaya ako magiging Masaya tulad ng nararamdaman ko ngayon? Will I be just as sad?

Binalikan ko lahat ng alaala ko with Kiel. It's like I don't want to forget it. Gusto ko kabisado ko lahat. I want to be with him.

But does he want to be with me?

Marami akong tanong sa aking sarili. Naka move-on na kaya si Kiel kay Arianne? Handa na bang magmahal ulit si Kiel after that tragic heartbreak?

Paano kaya kung hnidi naghiwalay si Kiel at Arianne? Wala siguro ako ngayon dito. Siguro si Arianne ang katabi niya ngayon.

It's fate working it's magic. You can't stop it.

Nakaramdam ako ng antok. Hininaan ko ang volume ng aking phone at humiga sa hita ni Kiel. Naramdaman ko ang paghaplos niya ng marahan sa aking buhok. Mas lalo tuloy akong inantok.

***

Nandito na kami sa mansion nila. Sobrang laki nito at may apat na palapag. Centralized ang aircon and pictures of Kiel and his Family was hanged on walls and corridors. May malaki ring chandelier sa sala nila. Tinour muna ako ni Kiel sa bahay nila. May sariling dining room at island styled ang kitchen nila,may sarili itong bar.

Malawak rin ang backyard nila. Nakita ko roon ang dalawang kabayong itim at isang mountain bike. Maybe his? Umakyat kami sa second floor. Naroon ang kanyang kwarto at kwarto ng parents niya.

Sa third floor naman,study room ni Kiel. Actually nagmukha na siyang office dahil sa laki. Naroon rin ang office ng kanyang mommy at daddy. May library rin sila roon pero hindi ko nagustuhan ang mga libro na nakalagay sa bookshelves.

Bumaba ulit kami sa second floor papuntang guestroom kung saan ako matutulog. Malaking kwarto ang sumalbong sa akin. Seriously? Guestroom ba toh? Parang condominium na siya.

Nakita kong naroon na ang mga bag ko. Hinubad ko kaagad ang aking rubber shoes at kinuha sa bag ang aking boots na pinapadala ni Kiel. Umupo ako sa kama at sinuot iyon.

Kiel eyed me suspiciously. May kinuha siya sa ilalim ng kama at hinagis niya iyon sa akin. I caught it naman kahit papaano.

"You're gonna walk on damp soil. Do you want to get your Prada dirty?" tanong niya.

Tinignan ko ang combat boots na hinagis niya sa akin. Gawa ito sa leather at mukhang mamahalin. Wala siyang takong hindi tulad ng suot ko na Prada ngayon.

"You told me to bring boots." Sabi ko. "So I brought plenty. Tapos pasusuotin mo ako ng ganito?"

"Tss. Trust me. You don't want to break a heel when you're walking on my land Ms. Monteverde."

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now