Chapter 10

14 1 0
                                    

That was the end of it. Hindi ko na ulit nakita si Kiel nung aalis na kami sa Honda Bay. Okay na siguro yun,baka masapak ko lang siya Nagagaguhan pa rin kasi ang sa nagging sagot niya sa akin. Such a jerk! Kung sabagay, natarayan ko rin naman siya. Kung tutuusin, pareho rin naman kaming nagkamali.

I'm suddenly worried about my letter.

Paano kung hukayin niya iyon?

Paano kung mabasa niya yun?

Eh siya nga ang laman ng letter ko.

Bumuntong hininga ako. Nandito nga ako sa Palawan para maka move-on. Eh paano ko magagawa iyon kung nandito rin siya? I was suppose to forget him. Paano yun kung makikita ko rin pala siya dito?

Gabi na at nakabalik na kami dito sa hotel. Naka sundress ako at plano kong puntahan yung bar. Naramdaman kong ayaw sumama nila dad dahil busy sila sa panonood.

Naglagay ako ng mascara at kinuha ko ang aking wallet sa shoulder bag na dala ko. May 3'000 pa naman. Pwede na ito.

"Mom! Dad! Papasyalan ko lang po yung bar sa labas!"

"Okay! But no alcoholic drinks!" Pagbabala ni dad.

Tumawa ako at lumabas na. Do they really think that I would drink such thing?

Dumiretso ako sa counter para umorder ng pwedeng inumin. Nakita kong may frappes,milktea,at liquors sila.

"Kuya isa nga pong wintermelon milktea and isang plate ng fries." Sabi ko doon sa kumuha ng aking order. Kinuha ko sa wallet yung one thousand pesos at binayad iyon. Nung nakuha ko na ang aking sukli, lumipat naman ako sa claim area para doon hintayin ang aking order.

Binuksan ko aking cellphone at nakitang 6:14 pm pa lang. Maglalakad-lakad na lang muna ako. Pampalipas oras.

"Kuya dalawa nga pong tanduay ice pomelo,tapos isang burger."

Kinilabutan ako sa nagsalita. I know that voice! Lumingon ako. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Lumingon din siya sa akin,ngumisi lang siya. Serioulsy? How come he's just standing there and he's so calm?

Nang nakuha na niya ang kanyang sukli tumabi siya sa akin.

"What are you doing here Miss Summer Monteverde?" bulong niya sa akin. His voice went shivers to my spine!

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. "Obviously,I'm here to eat Mr. Kiel Olimberio."

Tumawa siya.

"Ma'am eto na po yung order niyo." Sabi nung babae sa akin at binigay sa akin ang tray na may order ko.

"Eto naman po yung order niyo sir!" Binigyan din nung babae si Kiel ng tray at nginitian niya si Kiel. The fuck? Gwapo ba ate?

Umirap na lang ako at naglakad palayo. Hindi na baling di ko makasabay si Kiel sa pagkain.

"Summer wait for me!" sigaw ni Kiel

Patuloy lamang ako sa paglalakad. I ignored his call. Nung nakahanap na ako ng kubo na bakante pumasok ako sa loob at nilapag sa maliit na table ang aking tray.

Hindi na ako nagtaka nung nakita ko si Kiel na sumunod sa akin at pumasok sa loob ng kubo. Katapat ko na siya ngayon. Okay don't tell me makikisabay siya sa pag-kain ko?

"What are you doing here Kiel?" iritado kong tanong. Kahit gusto ko talaga na sabay kami kumain. I've never done something like this before with Kiel.

Tinignan niya ako. "Obviously Summer, I'm here to eat with you." At sinumulan na niyang lantakan yung burger niya, uminom rin siya sa bote ng tanduay.

Are you effing kidding me? Incoming grade 8 pa lang siya tapos umiinom na siya? Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

Uminom ako sa milktea ko at sumubo ng ilang piraso ng fries.

"Ilang taon ka na?" tanong ko.

"14? Ikaw?" aniya

"12. Bakit ka binentahan ng alak kung hindi ka pa naman 18?"

"I don't know? Mukha ata akong 18 eh. So, I don't really know." Nagkibit-balikat siya at binalik ang atensyon sa pag-kain.

He's right anyway. Mukha siyang 18 dahil sa katawan niya at sa gwapo niyang mukha. There's no surprise.

I'm young for my school level. Dapat daw incoming grade 7 pa lang ako. Pero wala ako magagawa. Pinag-aral kasi ako ni mommy at a very young age.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Kiel.

Napansin niya siguro na kanina pa ako nakatingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin at kumain na lang ng fries. "Wala!"

"Hindi toh nakakalasing." Sabi ni Kiel. "5 percent alcohol nga lang oh!"

Nilingon ko siya at uminom ako sa aking milktea. "Okay. But the point is, it's still an alcoholic beverage."

Nagkibit-balikat lang siya. "Concern ka ba sa akin Summer?"

Medyo mapungay na ang kanyang mga mata nung tinanong niya ako nun.

Natawa ako.

"Concern? Anong concern pinagsasabi mo diyan Kiel? Hindi noh! Asa! Dapat si Arianne ang tinatanong mo niyang Kiel! "

Concern naman talaga ako sa kanya. Kaya lang ayoko munang aminin sa kanya kahit umamin na ako noon na mahal ko nga siya.

I'm afraid that liking him is my downfall. And that I'll fail once I let my feelings rule over.

Tumango lamang siya at inubos ang unang bote ng tanduay.

A Brief History Of Us (Completed) Where stories live. Discover now