chapter 2
Jennie’s POV
At ngayon tinitigan ko ang isang coupon na 50% discount sa isang spa, na malapit sa School namin, pag mamay-ari lang naman ito ng isa sa mga classmates ko si Lira Tan kapatid ni Mira na kagroup ko sa cheerleading, namimigay kasi siya kanina ng coupon para mag promote.
Sabi ng mga Bessie ko sasama sila sakin pag punta sa spa na to, kaya lang nag bago naman ang isip, mga yon talaga hindi man lang mag paganda, kaya eto mag isa akong pumunta sa spa.
At ng nakarating na ko, agad naman akong inasikaso ng staff dito, napili kong mag pa Mud Facial scrub well maganda daw kasi sa balat ang Mud kaya ayon dahil maarte ako pinili ko siya, actually ang daming tao ngayon dito sa spa, sabagay may promotion kasi kaya ganito, pero normally pag ganito ka sosyal ang spa, wala naman ganong tao.
“ please naman miss, sabihin mo na sakin kung saang room siya”,, rinig kong sabi sa labas ng isang lalake.
“ sorry sir pero bawal po samin mag bigay ng information ng mga customer naming, para sa privacy nila, hintayin niyo nalang po na lumabas ung taong hinahanap niyo” sabi ng isang staff
“please naman po miss, kailangan na kailangan ko siyang makausap kahit isang minuto lang” sagot ng lalake.
“ sorry talaga sir hindi po pwede”
“ bahala kayo! Hahanapin ko nalang siya kung ayaw nyong sabihin”
“no sir hindi po pwede! Tama na po” sigaw ng isang babae, tas biglang nalang nag bukas ang pintuan kung nasan ako then there he is ang blonde na asong ulol, shempre nagulat ako, abat titigan daw ba ako!.
“IKAW!!!”
“IKAW” sabay naming sigaw!
“ sir, bawal po kayo pumasok” saway sa kanya ng isang staff, nakatingin lang ako sa kanya at nakinig sa usapan nila, may hinahanap siyang isang babae.
“ sino ba hinahanap mo?” tanong ko kay asong ulol, yes si Aaron Carl Vuenevista.
“ ano,, anong bang sinasabi mo,,waa..wala akong hinahanap” sus nag deny pa tong asong ulol na toh halata naman may hinahanap.
“ well pumasok ka lang naman sa pang babaeng spa, na bawal sa mga asong ulol na kagaya mo, opss,, I mean sa mga lalakeng kagaya mo” pang aasar ko sa kanya
“ at pano naman naka pasok ang alien na kagaya mo sa spa, ni hindi ka nga tao e” abat!!!
“IKAW! Asong ulol, unang una papasok ka sa kwarto ko manyak ka talaga tas ngayon mang aasar ka!! Alis nga!!!” sigaw ko sa kanya, tas tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ng asong ulol na toh aba’t manyak talaga!!!
“tsk as if naman pag nanasaan kita! Mukha naman fake yang katawan mo hahahaha” tawa pa toh!!! Pucha siya!!
“f..ffake??” nauutal kong sabi, yan tuloy dahil sa sinabi niya pati mga staff ng spa nakatingin na din sa katawan ko lalo na sa boobs ko, tinitignan kung fake!, walangya siya! Sino siya sa akala niya na laitin ako ng ganito sa harap ng ibang tao!!, FYI!!! 100% natural ang katawan ko!! Walang fake dito!!
“ well atleast pwede akong mag pa transplant sa parte ng katawan ko na kulang pa, pero ikaw hindi ka pwedeng mag pa transplant kasi yung sayo MALIIT! At MAIKSI!!!! PAYAT PA!!!!” pang aasar ko din sa kanya! Kala niya aa.
“ikaw!!!” sigaw niya sakin
“ano?” lumapit ako sa kanya na walang takot
“pwede po bang wag kayong sumigaw? Naiinis na po kasi ung ibang customer” sabi ng isang staff, pero hindi ko siya pinansin, nakipag titigan pa din ako sa asong blonde na toh!
“pwede bang umalis kana? Customer pa din ako dito, baka mag patawag na ung staff ng security kung hindi ka pa din lalabas” sabi ko.
Ang sama pa din ng tingin sakin ng Asong toh habang umalis na siya, tas lumapit naman sakin ung isang staff.
“miss, jennie ready na po”
“ sige salamat”
“pero sorry po, kasi ay ka share kayo sa room, lahat kasi ng single room naming occupied pa e” paliwanag niya sakin
“ ahh” tas binigyan ko siya ng nakakairitang tingin, naman kasi ayoko ng may kahati eee!!!
Binuksan ko ang room, at hindi naman ako makapaniwala kung sino ang mamamashare ko, naman ee!!
“hey Andy” tawag ko sa kanya
“jennie??”
“hehe pag kakataon nga naman” sabi ko sa kanya isa siya sa mga classmate ko hindi siya sikat dahil geek siya, her full name is Andy Bustamante, kilala ko siya kasi friendy ako ^_^.
“ kakarating mo lang ba? Sayang naman patapos na ko.” Sabi niya sakin
“ ay sayang… ano naman pinag kaka abalahan mo?” sabi ko sa kanya shempre friendly ako eee ^_^
Kung ano ano lang pinag usapan namin mga magagandang ipagawa sa spa, lumabas siya saglit kasi may bibilin daw siya ng product sa spa na to. Ngayon mag isa ako, tas binigyan ako ng robe ng staff, sinuot ko naman agad noh, at ayon nilagayan na ko ng Mud sa mukha.
“ sir! Ano ba bawal kayo pumasok!!!”
Shett parang kanina lang yan aaa
“pls naman po kailangan ko lang siya Makita sandali lang naman po” sabi ng lalake
Kami-sama!! Nandyan nanaman si asong ulol ano ba iniisip neto, nag pretend nalang ako na wala akong alam sa mga ngyayari naka mask naman ng Mud ang Face ko kaya hindi niya ko makikilala agad, abah pwede ko siyang iblackmail hahahahhaha…..
“you can’t enter” sabi ng staff, bago pa man ako mag salita sa kanya napatigil ako sa sigaw ng aso.
“ I LOVE YOU”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'''''''''''''''''''''''''''
waaaa sino kaya ang hinahanap ni Aaron Carl Vuenevista!, at kanino siya ag I love you,, hahahaha.
YOU ARE READING
Secret Dating Plan
RomanceSummary: Mayaman-check Maganda - check Sexy- check Talented - check Cheerleader- check Friendly- check. Ms, popular? - check...... Matalino- errr.. UNcheck Whaf if Jennie Ann Garcia the miss perfect, fell inlove with the geek king?. Mayaman- check- ...