chapter 14

1.2K 49 0
                                    

chapter 14

Jennie’s POV

Nandito kami ngayon sa library, well club meeting eh, hayz wala ako magawa nag mumuni muni lang ako, kita mo tong mga Bessie ko, halatang wala din magawa mukhang sumasakit na din ang mga ulo nila, may speech kasi si president eh, di naman ako na kikinig, buti nalang si Jake ko hindi niya katabi si Flat, haha nasa likod lang niya si Flat.

“ Sorry late kami” sabi ni Glake habang pumapasok dito sa library, nasa likod niya si Josh at ang Leader nilang si Carl aso, in other words ang aking ‘boy friend’ kuno. Basa pa yung buhok niya, halatang kakaligo lang galing kasi ng practice, kilig na kilig naman ang mga babae sa paligid ko ng Makita siya, tsk as if naman, ako lang ata at si Flat ang di tinatablan ng pagka aso neto eh. Lumapit naman siya sakin para umupo sa bakenteng upuan sa tabi ko, tinaasan ko naman siya ng kilay at sinabing.

“ May upuan pa sa likod”

“ Gusto ko katabi girlfriend ko eh” sabi niya habang nag chuckle pa. Tinignan naman ako ni Aira at Alyssa ng mapang asar na ngiti halatang kinikilig tong mga to, natawa nalang ako sa kanila kahit asar ako, mahirap na baha maka halata sila eh, at nakinig nalang kay president, baka kung ano pa masabi ko eh, mahirap na.

“ Ano sinasabi ni press?” tanong ni Carl aso, amp naman eh! Makikinig na nga ako eh, eepal nanaman hayz.

“ Geezz, kung gusto mo malaman, edi sana hindi ka nag pa late” sita ko sa kanya.

“ Nag shower pa kasi ako tas ng practice eh, ayoko naman pumasok dito ng pawisan diba?, kaya late ako” paliwanag niya, hayz sabagay baka mangamoy pawis pa dito sa library, ayoko pa naman ng amoy pawis.

“ Wala naman siya gano sinabi eh, kailangan lang natin mag participate sa activity para maka contribute sa club” paliwanag ko sa kanya.

“ Gaya ng?” tanong niya pa.

“ Basta pahihikayat sa ibang students na mag basa ng libro at kung ano ano pa” sabi ko

“ Geeezzz, sounds boring” sabi niya.

“ Ou nga eh” hayz wala na ko nasabi kasi boring naman talaga.

“Oi kayong mga love birds dyan pwedeng manahimik kayo!” sita ng president ng club samin, dahilan para lahat napatingin samin. Agad naman kami tumahimik ng Carl aso.

“ Okay, so I was saying, the activity that we are planning this year is to build a library for the unfortunate children, the the place will be in the province” announce ng president.

Paalam activity!, hinding hindi ako matutulog sa tent kung saang bundok o gubat man yan!, baka makain pa ko ng mga insects my gosh!, at mag aamoy lupa ako dun, madami putik dun eh. So hindi talaga ako sasama sa activity na to.

“ yung lugar kung san gaganapin yung activity is sa Mt. Mayon hindi naman mismo sa taas, malapit lang dun. This activity will be four days”, sabi ni president

Hayz tinignan ko naman sila bessies ko, umiling sila so ibig sabihin hindi din nila keri! Ang activity.

“ So sino yung gusto sumali sa activity?” tanong ni president.

SILENCE

Geezz ang tahimik ah. Halos lahat nag titinginan parang nag iisip kung sasama ba sila o hindi, tinignan ko si Carl na sitting pretty lang , relax na relax sa pag kakaupo niya, hindi naman din niya siguro gusto sumali sa activity.

“ Sasali Ako” sabi ng tao sa likod ko, tsk sino naman tanga ang sasama sa ganyan activity, nilingon ko kung sino. DAMN! Si Jake ko! Talagang siya pa ang nauna hah!

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now