chapter 25

920 31 1
                                    

chapter 25

Jennie’s POV

Kinabukasan! Ay isang nakakainis na araw! Pano ba naman kasi! Kailangan gumising ng 4AM duh?, Ang aga-aga kaya nun, sira ang beauty rest ko tas idagdag mo pang tong tent ang liit, mas maliit pa to sa kama ko sa mansyon namin eh!. Bakit ba kasi ako sumama sa camp na to?.

Bakit!?.

Ay ewan ko ba! Nakakasar!, nag long sleeves ako ngayon, ayoko kasi masunog ang aking proselanang balat eh!, kanina kasi naka tank ako kaya lang ang init ng araw, ou alam ko pag papawisan ako, pero mas gusto ko na yun, kaysa naman masunog ang aking skin.

“ Pukpokin mong mabuti! Ayokong magiba yung mga bookshelves para sa library baka mapahamak ang mga maliliit na bata ng dahil lang sa maga tamad!!!” sigaw ng president saming lahat!, eh nag pupukpok naman ako ng paco ah! Ang ayos ayos, naiinis na talaga ako! Sabi ko naman kasi taga serve lang ako ng food and drinks eh!, tas eto ako ngayon! Nag pupukpok ng paco sa kahoy para sa mga bookshelves! Walanghiya na president yan! Gaganti ako sa kanya pag naka balik na kami sa Manila!.

“ Hoy tabingi na yung paco” sabi ng bosses sa likod ko, edi inayos ko naman agad yung paco gamit ang aking hammer bago ko nilingon kung sino yung nag salita.

Ay si Carl aso pala na naka white sando and blue fitted jeans looking deliciously hot.

Oh my geee!

Did I just compliment him?,

Oh no no erase erase! isa siyang asong ulol! so imposibeng maging hot siya sa paningin ko! hindi to, pwede!!…

“ Hindi naman kasi ganyan ang pag pukpok ng paco eh, dapat ituro mo kung san mo dapat ipuwesto tas hawakan mo sa gitna yung paco pero, wag mo muna pukpukin ng malakas kasi masasaktan ka, mahina muna pag kumapit na sa kahot tsaka mo pukpukin ng malakas, ayos?” paliwanag niya sakin.

“ Hindi, hindi ayos pwede bang ikaw nalang gumawa neto? Please” sabi ko sa kanya at nag puppy eyes pa ko, ayaw ko na kasi talaga huhu..

“ Meron din akong ginagawa alam mo ba yun?” sagot niya sakin.

“ Eh ang hirap naman kasi  gawin neto eh! Huhu” sabi ko sabay pout.

“ Alam mo ba na yang ginagawa mo ang pinaka madali sa lahat?, tignan mo si Glake nag puputol ng kahoy, si Josh nag bubuhat, at ako ang nag aayos ng mga semento, parang pag pukpok lang ng paco sa kahoy eh” paliwanag niya sakin, eh lalake naman kayo eh! Amp!

“ Pero masakit na yung mga kamay ko eh” reklamo ko, naka pout pa din ako.

“ Your really hopeless noh?” pang asar niya sakin! Hmp!.

“ Ou tama ka! Hopeless ako! Kaya ngayon din tatawagan ko na ang driver ko para sunduin ako! Ayoko na dito sa disaster na lugar na to!!!!” inis na sagot ko sa kanya! Kala niya hah!.

“ Oi, oi pag isipan mo munang mabuti, madaming dahlan para mag stay ka dito” pag pigil niya sakin

Huh?.

“ Kung ganun, bakit hindi mo isa isahin sakin ang dahilan para mag stay dito, sigurado ako na wala sa mga yan ang makakapag pa stay sakin dito!” hamon ko sa kanya.

“ Unang una, duty mo yan, pangalawa diba, gusto mo mag kabati kayo ni weirdong geek, pangatlo kailangan mawala sa landas natin si Devy, pang apat isipin mo nalang ang mga cute na bata na mag bebenefit sa pag gawa ng library” sabi niya.

“ Well, pag kauwi ko pwedeng pwede ako mag padala ng mga professional na karpintero at architech para sa library na toh!” sabi ko.

“ Hindi na magiging kagaya ng ikaw yung nag effort” sabi niya.

“ Anong hindi kagaya? Alam mo bang kaya ko pa palagyan ng pool to! Or gawin villa!, kaysa pinupuwersa niyo ko gawin ang mga bagay na torture para saki—“ pinutol niya ang litanya ko.

“ Teka! May pang limang reason pa!” Singit niya sakin.

“ At ano naman yon hah!!” taas kilay kong tanong  sa kanya.

“ Kasi nandito ako” sabi niya.

LOADING..

Natigil naman mag function ang katawan at utak ko sa sinabi niya, sinubukan ko siyang sagutin pero napahinto ako ng Makita ko yung mukha niya na namumula na nakatingin sakin, napatingin ako sa mga mata niya, ganun din naman yung ginawa niya unti unti siyang lumapit sakin…

“ SWEETIE!” sigaw ng isang malanding bosses ng demonyitang si Devy, agad naman kami nag hiwalay ni Carl aso, yung itsura ni Carl halatang inis na inis na sa ginawang pag istorbo samin ni Devil Devy pero si gaga ang ganda ng ngiti, kaasar hah! Panira ng moment!.

“ Tawag kana ng girlfriend mong demonyita” sabi ko sa kanya.

“ Hindi kana aalis?” tanong niya sakin.

“O—ou, siguro” nauutal na sagot ko sa kanya.

“ Nah, siguro dahil sa pang limang reason ko” sabi niya sakin sabay bigay sakin ng isang malaking grin!

“ Shut Up” yun nalang yung nasabi ko sa kanya.

Agad naman siyang tumawa sa sagot ko sa kanya, pero tinawag nanaman iya ni Devil Devy “sweetie!”

“ Err please naman Jennie gumawa kana ng paraan para mawala na sa landas natin yang bitchy witch na yan, please” pakiusap niya sakin at nag simula na siyang mag lakad pabalik sa demonyitang babaeng yon, agad naman kumapit sa braso niya ang bruha, kilig na kilig! Ang sarap sabunutan, kala mo kung sinong maganda! Nakakainis talaga!.

“ Hoy wag kayong tumunganga dyan, galaw galaw kayo! Sayang ang oras!” sigaw ng manyak na president naming, halatang ako yung pinaparinggan! Nakakaasar na hah!, Tinignan ko naman siya ng masama bago tumingin dito sa ginagawa ko, hayzz.. 

Goodluck naman sakin. I start to work again, para matapos na to at makapag pahinga na huhu..

Bakit ba hindi ako nakasagot sa huling rason ng Carl aso na yun? Kung hindi ba siya tinawag ng demonyitang si Devy ano na kaya ngyari? Nag katinginan kami at lumapit si Carl sakin, akmag.. ayokong mag assume pero parang hahalikan niya ko, the way He looks at my eyes, errr.. ewan ko.. hayzz..

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now