chapter 12
Jennie’s POV
Hay, dahil sa nawala ko ung cellphone ko, isang buong araw akong hindi nakipag chikahan, though may phone naman kami dito sa mansion hindi ko sinagot yung tawag nila Aira at Alyssa, malamang kasi alam na nila ung nangyari dun sa party ni Mark malamang mag tatanong yung mga yun ng tungkol samin ni Asong ulol, shempre iwas muna ako, tsaka gusto ko pang makapag pahinga.
Tinignan ko ung schedule ko para bukas, hmmm hapon pa naman 2pm pa, so bago mag class kailangan kong kausapin si Asong ulol, para maka gawa kami paraan, hayzz ee wala pa din naman akong naiisip na pwedeng dahilan o solution sa problema naming kahit nakapag pahinga na ko, ang naiisip ko lang ay mag confess na ko kay Jake ko tas sabihin na ayaw ko talaga kay Asong ulol hayz, kaya lang as if naman matatanggap niya ko ng ganun, ganun lang. hindi naman fairy tale ang buhay ko.
Nag aaply na ko ng night cream sa mukha ko ng may kumatok si yaya Mila pala, yes may yaya pa ko pero here lang naman sa bahay dahil sa wala naman ang parents ko dito at nasa traning ang kambal ko, ayun nanny ko.
“Jennie, may bisita ka, nag hihintay sayo sa baba” sabi niya
“Ano?? 9:30 na ng gabi!” nag tatakang sagot ko sa kanya.
“ Ou eee” nag aalangan sagot ni yaya. Sino kaya??
“Sino yaya, si Aira ba o Alyssa?”
“ Jennie, hindi babae, kung di lalake” huh? Sino kaya?
“Hmmmmm..” tinitigil ko ang pag aaply ng cream. Sino kaya yung bisita ko parang alam ko na. might as well check nalang kung sino, hayzz panira ng gabi.
“ sabihin mo pababa na ko sandal lang” sabi ko kay yaya.
“Sige iha” sabi ni yaya at agad na lumabas ng kuwarto ko,kinuha ko naman ang night cloak ko para matakpan ang night gown na suot ko, tas bumaba papunta sa living room.
Ayon naka tayo ang isang matangkad na blonde wearing a black and white stripes polo shirt and black jeans,na naka tingin sa family picture naming na naka sabit sa malaking frame sa sala.
“ Hi” bati ko sa kanya, agad naman siyang napalingon sakin at nag taas ng kilay.
“ Seriously? Kahit sa bahay niyo ganyan ka manamit?” huh! Eh siya kaya pupunta punta ng oras na patulog na ko alangan naman mag bihis pa ko para sa kanya epal talaga!
“ Wag kang mangeelam, kanya-kanya tayong taste ng fashion” pag mamayabang na sabi ko sa kanya, kala niya nasa mansion ko siya kaya umayos siya, nag lakad ako papunta sofa at naupo at nag cross legs, umupo din naman siya sa tapat ko, tahimik lang kami tas dinalan kami ni yaya ng inumin.sakin gatas, sa kanya orange juice.
“ Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo? Hindi kita macontact kaya pumunta nalang ako dito” pag tatanong at paliwanag niya
“Nawala ko ehh” mablis na sagot ko sa kanya
“Aahhh kaya pala”
“Eh pano mo nalaman kung san ako nakatira?” tanong ko sa kanya
“ Nah, nakuha ko kay Glake” huh? Kay Glake? Di pa naman yun nakakapunta dito sa mansion ko ah..
“Eh pano nalaman ni Glake kung san ako nakatira?” nag tatakang tanong ko sa kanya.
“ Kasali siya sa fan club mo eh” sagot niya, na parang wala lang, wow grabeh medjo creepy pala si Glake.
“ So may naisip kana ba? Siguro naman nakapag pahinga kana?” tanong niya, binigyan ko lang siya ng mahinang buntong hininga bilang sagot sa kanya.
YOU ARE READING
Secret Dating Plan
RomanceSummary: Mayaman-check Maganda - check Sexy- check Talented - check Cheerleader- check Friendly- check. Ms, popular? - check...... Matalino- errr.. UNcheck Whaf if Jennie Ann Garcia the miss perfect, fell inlove with the geek king?. Mayaman- check- ...