chapter 21
Jennie’s POV
“ HI Jennie” tawag sakin mula sa likod ko, dahilan para matigil ako sa pag babasa ng handouts. Ng Makita ko si Devy pala, nakangiti siya sakin.
“ Hello” bati ko sa kanya, tas nag basa na ulit ng handouts na bigay ng club president naming, ayoko kasi siya ganu kausapin, dahil sabi nga ng mga Bessie ko ay kasama siya sa mga fan club ng Carl aso, baka mamaya kung ano ano pa tanungin niya eh.
Pero mukhang makapal talaga ang mukha ng Devy na to at umupo pa talaga sa tabi ko at nag salita.
“ Sasama din ako sa Camp” sabi niya, so? Paki ko?.
“ Ahh talaga? Akala ko madaming ayaw sumama sa camp” sagot ko sa kanya.
“ Kasama kasi ako sa humanity club kaya, required samin” paliwanag niya..
Huh? May ganun pala kaming club dito sa school.. parang ngayon ko lang nalaman hah! Well paki ko ba?.
“Ahh” yun nalang sabi ko as if naman may care ako sa kanya, at nag basa nalang ako ulit, pero epal talaga tong babaeng to nag salita nanaman.
“ Kahapon nasa party ako ni Mira at Lira” sabi niya, as if I care hayzzz kung di lang ako friendly eh, hayzz.
“Ako din” matipid na sagot ko sa kanya, di ba siya nakakahalatang naiistorbo niya ko, epal talaga hah! Gusto lang ata nito dumikit sakin para maging sikat siya eh.
“ Sobrang saya ng party nuh?” sabi niya, tsk!.
“Sakto lang” sagot ko sa kanya
“ Pero may mas masaya pa kong nalamang kaysa sa party mismo” sabi niya..
“At ano naman yun?” tanong ko sa kanya, tsk as if naman interesado ako sa kanya, bait baitan lang ang peg ko noh!.
“ Hindi dapat ako ang mag sabi sayo eh, after all ikaw lang naman ang mas higit na nakakaalam nun sating dalawa” sabi niya, huh?? Di ko siya magets.
“ Kung ako sayo sasabihin ko na, medjo nag mamadali kasi ako eh” sabi ko sa kanya, papaligoy ligoy pa kasi, nakakistorbo na nga sakin eh.
“ Nah, hindi mo naman kailangan mainis” sabi niya, at talagang naiinis na ko!! Nakakirita kana!.
“ Well hindi naman talaga importante yung sasabihin ko, hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba sayo o hindi eh” sabi niya! Edi sana hindi mo na ko kinausap letche!.
“ Sabihin mo na” sabi ko, mang bibitin pa eh.
“ Di sinasadyang nakita ko kayo ni Carl na nag hahalikan” sabi niya,, ahh yun lang pala..
“Tas?” sabi ko urging her to continue sa sasabihin niya.
YOU ARE READING
Secret Dating Plan
RomanceSummary: Mayaman-check Maganda - check Sexy- check Talented - check Cheerleader- check Friendly- check. Ms, popular? - check...... Matalino- errr.. UNcheck Whaf if Jennie Ann Garcia the miss perfect, fell inlove with the geek king?. Mayaman- check- ...