chapter 6
Jennie’s POV
Nung bumalik kami ni Carl, nakita naming na kausap na ni Andy si Jake ko, sarap ng kuwentuhan hah! Ako dapat yan eee!!!
“ kasalanan mo to eh!” sabi ko kay asong ulol, well mukhang inis din siya sa nakita niya.
“ pwede ba tumigil ka! At mag isip ka nalang kung pano sila pag hihiwalayin” frustrated na sabi niya.
“ eh ano gusto mo? Di naman natin sila pwedeng basta basta nalang harangan, makakahalata yan!” sabi ko.
“ sabagay, pano na?” tanong niya habang nag iisip, well nag isip na din ako kung pano sila pag hihiwalayin, kaya lang mayadong extreme ang naisip ko, bahala na muna si Carl.
“alam ko na” sabi niya
“ano?” agad na tanong ko sa kanya
“ pero ikaw ang gagawa hah” sabi niya
“-------“
“grrr,, ou na ano ba gagawin ko?” tanong ko kasi naman ee bat ako lang.
“ mag lalakad ka malapit sa table nila Andy tas kung wari natapilok ka dahil sa heels mo tas tutulungan ka naman ni Jake mo, tas saktong pag tulong niya sayo kakausapin ko na si Andy kungwari may sasabihin ako sa kanya” sabi niya..hmmmm
“tingin mo mag wowork?” tanong ko, itinaasan nalang niya ko ng kilay.
“sorry, oh ano pa?” sabi ko
“ kapag sinubukan kang tulungan ni Andy sabihin mo, ayos lang kasi si Jake lang ang kailangan mo mag dala sayo sa clinic”, sabi niya
“ayos lang kaya kay andy un?” tanong ko
“ou ayos lang kasi pipigilan ko naman siya ee” sabi niya with full of confidence.
“ cge bahala ka, pero pag hindi nag work, ikaw ang mag tatake ng responsibility!” sabi ko sa kanya.
“ou na, alam ko” sabi niya
“well let’s get started” sabi ko
“ sige mag tatago muna ako”sabi niya sabay tulak sa likod ko, agad ko naman tinangal ang kamay niya at napatingin sa kanya, nag signal naman siya sakin na sige na Dalian mo. Lumapit ako sa table nila Jake, at nakita kong masyado siyang naka focus kausap si Andy medjo kinakahan naman ako, nung medjo malapit na ko sa kanila…
“ ARAY”, sigaw ko bago ako matumba, haha nauna ung sigaw ko bago ako madapa, hihihi ^_^ bahala na, ganun din naman yon, lahat sila nakatingin na sakin, kahit na si Jake ko, na mukhang gulat na gulat sa nangyari sakin, errr pwede ba tama na tingin tulungan mo na ko Jake ko!!
“ Jennie ayos ka lang ba?” Si Andi agad siyang lumapit sakin, errr wag ka nga lumapit amp naman ee..
“ummm… tingin ko napilayan ako ee” sabi ko shempre with my acting skills, kung wari masakit talaga tas tumingin ako kay Jake sinubukan kong mag mental message sa kanya, lumapit na din siya sakin.
“ may iba pa bang masakit?” tanong niya sakin…
“ kailangan mo ba ng tulong? Pwedeng pwede ako” sabi ng isa sa mga errrr ugly nerds as they run towards me, and now napapalibutan na ko ng mga ugly nerd guys huhuhuhu ayoko sa kanila!!!! ILAYO NIYO SILA SAKIN HUHUHUHU…. T_T
“ayos lang, umm Jake pwede mo ba akong dalin sa clinic please?” I tugged his sleeves, while giving him ng puppy face.
“ eee.. ano kasi masakit pa din ang mga braso ko nahulog kasi ako kahapon, baka hindi ko kaya buhatin o tulungan ka” sabi niya,,, hala…
“ako na mag bubuhat sayo” sabi ng isang nerd
“hindi mas malakas ako! Ako na” sabi pa ng isa
“no!! im the strongest” sabi ng isa pa
Huhuhuhu lord help me!!! Ano gagawin ko ayoko sa mga ugly nerds na toh!!! Panu na!!!
“ ako na mag dadala sa kanya” sigaw ni Carl at nag lakad papunta sakin.
“ay si carl” sabi ni Andy na parang nag tataka sa ngyayari
Hayzzzz,,, naman mukhang palpak ang plano naman ni asong ulol..
“ ako na mag bubuhat sa kanya” sabi ni Carl habang nag glare siya sa mga group of ugly nerd guys, ayon agad naman sila lumayo.. hayzzz….
“ikaw??” alangan na sabi ko kay asong ulol.
“ou ako” sagot niya
“ ikaw ba talaga?” T_T huhuhu
“ou ako nga talaga!” he gave me an irritated look tas bigla nalang akong binuhat na pang bridal style, shempre napa kapit naman ako sa leeg niya takot ko lang mahulog noh. Huhu bakit hindi naman work ang plano naming huhuhu,,, dapat si Jake ko ang may buhat sakin ngayon eee,,, T_T
“ sige Carl dalin mo na siya sa clinic” sabi ni Andy at nag smile pa kay Carl, Carl silently smiled then nag lakad na siya habang buhat niya ko, well pinag titinginan lang naman kami ng mga tao ngayon kakahiya..
“ bakit ba kasi ikaw!” sisi ko sa kanya
“ sinusubukan ko lang ayusin ang problema, kung di kita tinulungan malamang ung mga nerds na may hawak sayo ngayon” depensa niya.
“ ee parang wala din naman pinag kaiba eee” pag mamaktol ko sa kanya, as if naman gusto ko pahubat sayo nuh!
“ well mas hot naman ako, mayaman kaysa sa kanila, atsaka hindi ako mag kaka interest sa black na bra na suot mo ngayon” sabi niya.
“-----------------------“
“SHIT!” sabi niya
“ TINITIGNAN MO BRA KO!!!!!!” todo sigaw ko sa kanya, sakto naman na dumating na kami sa clinic agad naman napatakbo papunta samin ang nurse dahil sa sigaw ko.
“ anong nangyayari?” tanong ni ate nurse
“ tingin ko po may sapi siya” sabi ni asong ulol!!! Letche!!!
“ wala akong sapi!!! Bitawan mo nga ako!! MANYAK NA ASONG ULOL!!” sabi ko sa kanya, nag make face muna siya tas bigla akong biinitawan nahulog tuloy ako sa sahig.sakit nun aaa huhuhu T_T
“ ouch!! Ang sakit nung! Letche ka asong ulol!” pag mamaktol ko sa kanya.
“sabi mo bitawan kita”
“ ewan ko sayo manyak na aso!!!!!”
“excuse me, nakakaistorbo kayo kung wala kayong kailangan pwede na kayo umalis” sabi ng nurse. Napatahimik tuloy kami.
“ pwede po ba maka hingi ng pain killers? Salamat po” sabi ko, binigyan naman agad ako, tas lumabas na din buti nalang wala tao sa hall kaya hindi muna ako nag pilay pilayan.
“ayoko na! hindi na ko makikipag tulungan sayo! Ayoko na lalo lang ako nahirapan!” sabi ko kay Carl nasa may parking lot na kami
“kala mo ba nag enjoy ako sa pag bubuhat sayo?” sabi nya
“eh tinignan mo bra ko ee!” manyak talaga!
“ oi! Tignan mo muna yang suot mo kala mo naka jacket ka! E kaya lang naka v-neck na dress ka! Kaya wala kang karapatan tawagin akong manyak!!!” sabi niya tas “ and tungkol sa deal natin, tapos na yon bago ka pa mag reklamo, panget mong umarte sumigaw daw ba muna ng ARAY bago nadapa!! Shushunga shunga!” sabi niya.
“ well shunga ka din! Bumalik ka na nga sa kulungan mo!!!!”
“ at bumalik ka na din sa outer space!!!!”
“heh!!” sabi naming parehas sabay lakad palayo sa isat isa, papunta sa mga kotse naming, bahala siya sa buhay niya wag ko na sana siya Makita ulit!!! Grrrrrr……
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''''''''''''''''''''''''
haha epic fail :D
YOU ARE READING
Secret Dating Plan
RomanceSummary: Mayaman-check Maganda - check Sexy- check Talented - check Cheerleader- check Friendly- check. Ms, popular? - check...... Matalino- errr.. UNcheck Whaf if Jennie Ann Garcia the miss perfect, fell inlove with the geek king?. Mayaman- check- ...