chapter 15 part two

1.2K 49 21
                                    

Chapter 15 part two

Jennie's POV

Nag beauty check muna ako, tas tinignan si Jake. Kausap na ni Carl aso si flat tas nag lakad na sila palayo kay Jake, naiwan naman mag isa si Jake ko, so chance ko na to, kasi ako ang host ng party kailangan ko siya ientertain hihi ^_^

“ Hi  Jake” bati ko sa kanya, giving him my sweetest smile

“errr,,,, hmm.. hi Jennie” nag aalangang bati niya sakin, tingin ko dahil sa sobrang ka sexyhan ko haha :D

“ pumunta ka! I’m so glad” sabi ko sa kanya

“ shempre naman, nangako ako sayo na pupunta ako diba?” sabi niya sabay ngiti sakin.

“ tara punta tayo sa bar” sabi ko sabay kapit sa braso niya, at hinila na siya, halata naman sa kanya ang pagkagulat at medjo nag blush pa, hindi naman na siya umapela nung nginitian ko siya at sinabing.

“ important guest kita, kaya dapat mag enjoy ka ha” sabi ko

“ haha, diba sabi ko naman sayo na hindi ako bagay sa mga ganitong party” sabi niya

“ ah basta! Lahat ng tao dapat kahit paminsan minsan nag paparty!” sabi ko habang nag giggle, habang hnihila ko pa din siya papunta sa bar malapit sa pool, agad naman pinag tinginan si Jake ko pero hindi ko pinansin, agad kami umupo sa bar at nag order ng drinks.

“ hmm mag kapit bahay ba kayo ni Andy? Sorry sa pag tatanong pansin ko lang palagi kasi kayo mag kasama” tanong ko sa kanya

“ hindi naman, gusto ko lang kasi may kasamang kaibigan so sinundo ko siya bago pumunta dito, sorry kung hindi ko na nasabi sayo” pang hihingi niya ng tawad sakin.

“ shempre ayos lang! friends tayong lahat diba?” sabi ko sa kanya! Hmp! Mabait naman si Flat ayaw ko lang umaaligid siya kay Jake eh!

“ sabi ko nga eh!” natatawang sabi niya sakin

“ hmm kayo ba ni Andy?” deretchong tanong ko sa kanya! Ng mag kaalaman na! pero kahit kayo di pa din kami titigil ni Carl aso!

“ no! hindi!, mag kaibigan lang kami” sabi niya habang nag bublush!, grrr!!

“ ahh, talaga? Akala ko kayo, mukha kasing sobrang close niyo, I mean palagi kasi kayo mag kasama kaya ayon akala ko kayo” sabi ko

“ hindi, wala naman dahilan para magustuhan ako ni Andy, I mean kahit sino ata, sino naman mag kakagusto sa kagaya kong loser, at weirdo” malungkot na sabi niya, hayz kung alam mo lang na gusto kita!!!!!

“hmm kala mo naman alam mo ang mga type sa lalake ni Andy” biro ko sa kanya, sabay bigay sa kanya ng cocktail drink, Jake grinned at me tas ininum na niya, ang cute!!!

“ sigurado ako, ang mga type niya, errr,, parang kagaya ng boyfriend mo” nahihiyang sabi niya sakin

“ ano? You mean si Carl?” sabi ko

“ hindi ka naman siguro mag seselos kay Andy diba?, dati kasi sabi niya sakin ang cool daw ni Carl” paliwanag niya

“ kung mag seselos ba ko sa bawat compliment sa boyfriend ko, mukhang mag seselos ako sa lahat ng babae diba?” medjo mahinang sabi ko sa kanya, sabay inom ng tequila ko

“ though lately madalas kami nag aaway” sabi ko habang nag papaawa sa kanya.

“ I mean, hayz, pakiramdam ko kasi hindi ako yung nasa puso niya” sabi ko sabay tingin kay Jake ko na mukhang nasasaktan talaga ako. Galing ko mag acting!!, mukha naman siyang nag tatake tas mahinang tumawa

“ nah! Tingin ko iniisip mo lang yan!, kahit sinong lalake na maging ka relasyon mo hindi na yun mag hahanap ng iba” sabi niya! Waaa kilig much naman ako! Pero pinipigilan shempre, acting ng kungwari eh!

“ talaga? Kung ikaw ba boyfriend ko mag hahanap ka ba ng iba?” tanong ko sabay nag smile sa kanya, pero di siya makatingin ng maayos sakin.

“ haha shempre hindi” natatawa at nahihiyang sagot niya sakin! ^_^

“ hehe kakatuwa ka!” I grinned at him and pinch his cheeks

“ baka magalit si Carl pag nakita tayo” nag aalalang sabi niya.

“ hindi naman ako nagalit sa kanya nung nakita kong kasama niya si Andy kanina, kaya dapat hindi siya magalit, besides wala naman tayo ginagawang masama, friendly talk lang naman” sabi ko sabay pout at inom ulit ng isang buong shot glass ng tequila

“ may idea ka ba kung anong pinag uusapan ni Andy at Carl ngayon?” tanong ko sa kanya, haha, kungwari selos pa din ako ^_^

“ sorry hindi ko alam eh, ang sabi lang niya may sasabihin daw siya kay Andy bago sila umalis” sagot niya

“ hmmm.. ano kaya pinag uusapan nila” sabi ko tas mukhang nanlumo yung itsura ko,

“ medjo ang tagal naman ata nila” dagdag ko pa.

“ tingin ko nag uusap lang yun” pag papalakas loob niya sakin

“nakakapag taka lang, alam mo yun party ko to, pero iniwan niya ko para lang makipag usap kay Andy…. Hindi kaya---“ pinutol niya ang sasabihin ko.

“ hindi naman siguro si Andy yun” sabi niya.

Eh si ANDY FLAT NGA ANG GUSTO NIYA!!!

“ hindi ko naman masisisi si Carl, minsan kasi parang nag kakagusto na din ako sa iba” sabi ko sabay tingin kay Jake, nag shrug naman siya nag nag chuckle, para mawala yung tension samin.

“ kahit ganong ka gwapo si Carl?” pabirong sabi niya sakin

“ naniniwala ako na hindi lang sa panlabas na anyo dapat tumitingin” sabi ko. Kasi kung dun lang ako tumitingin, hindi ako mag kakagusto sayo diba?

“ pero alam mo bagay na bagay kayong dalawa” puri niya samin

“ mukhang masaya sa mata ng iba pero iba yung talagang ngyayari” bulong ko sabay patong ng kamay ko sa legs niya, natahimik naman siya sa ginawa ko tas ininom ung buong baso ng cocktail niya, tas nag salita ulit ako “pakiramdam ko nasa isang maling relation ako”

“ JENNIE!!!!”

Shet naman oh! Mag momoment pa kami ni Jake eh! Sino bay an istorbo na yan!, agad kong tinagngal ang kamay ko sa legs ni Jake tas nakita ko si Aira na mukhang hingal na hingal.

“ ano ba yun” walang ganang tanong ko sa kanya

“ yung boyfriend mo! Lasing na lasing!!!!” nag papanic na sabi niya sakin, huh?

“ Ano!”

“ sunod kana lang sakin jennie!” sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now