chapter 27

775 34 9
                                    

chapter 27

Jennie’s POV

He’s inlove with me?, Jake loves me?, yung lalakeng kay tagal ko ng gusto, finally nag kagusto na din sakin, dapat ngayon  pumapalakpak na ang puso ko sa sobrang saya, eto naman yung gusto ko dati pa diba? Pero bakit parang ganito? Bakit parang ang empty? Wala akong maramdaman, bakit walang spark?.

“ Pero kahit mahal kita, alam kong mahal mo si Carl” sabi niya.

“I—i—“ hindi ko masabi,gusto kong itanggi yung sinabi niya pero walang lumalabas sa bibig ko, nakatitig lang siya sakn expecting na may sabihin ako sa confession niya, pero heto ako hindi ko alam ang sasabihin ko, bakit ganito!.

Bigla naman kami nakarinig ng sigaw mula sa may bonfire, agad naman kami napatingin ni Jake so tumakbo kami pabalik sa camp.

At ayon nakita ko si demonyitang Devy na ang sama ng tingin at pinag sisigawan si Flat tas si Flat naman naiiyak na ang itsura, na nakata tayo naman sa tabi ni Carl aso.

Anong nangyari dito? Nawala lang kami saglit ni Jake tas nag wawala na ang demonyitang si Devy!.

“ You Bitch! Malandi ka! Anong karapatan mong yakapin ang boyfriend ko hah! Hah! Alam ng lahat na boyfriend ko si Carl! Tapos lalandiin mo siya hah!” sigaw ni Demonyitang Devy kay kawawang Flat, hayz ano ba yan!.

Tinignan ko naman si Carl aso na parang nag tatanong kung ano ba ang nangyari dito habang wala ako, at anong pinag sasasabi ni demonyitang Devy na yakap ni Flat si Carl aso? Hah?!.

“ Tigilan mo na nga yan! Napaka OA mo naman eh! Sinusubukan ko lang naman na pakalmahin si Andy, para kang baliw dyan eh!” inis na sabi ni Carl as okay demonyitang Devy tas akbay kay Flat na pinapatigil niya sa pag iyak.

“ Pero boyfriend kita eh!” pag tatatrums ni demonyitang Devy kay Carl aso.

HMP! boyfriend daw!

“ Ang kapal ng mukha mo!, hindi ka ba nahihiya sa pinag gagagawa mo?” sabi ni Carl aso kay demonyitang Devy, napansin naman ng bruha na nakatingin na ang lahat sa kanila in short agaw pansin na sila, agad naman niya tinignan ng masama ang mga chismoso at chismosa.

Nakita naman na din ako ni Carl aso na kasama ko si Jake, habang tinitignan ko naman yung kamay niya nan aka akbay kay Flat, tas tinignan ko ulit yung mukha niya na parang nag tatanong kung ano ba talaga ang nangyari, ang sagot naman niya sakin ay isang buntong hininga, sabay tingin niya kay Flat at sinabing—

“ Mag pahinga kana, ako na bahala dito”

“ Bahala saan?” tanong no demonyitang Devy, sabay tingin sakin at sinabing—“ Oh nandito kana pala, tutal naman nandito nalang din naman tay—“ pinutol ko ang sasabihin niya.

“ Hoy tigil tigilan mo na nga yang kabaliwan mo!” sigaw ko sa kanya, muntik nay un ah! At tinignan ko din siya ng masama, kung si Flat iiyak lang sa ginagawa niya puwes ibahin niya ko!.

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now