chapter 33- our little world
Jennie’s POV
Dahan dahan kong hinila ang mga gamit ko papunta sa bus, peste naman kasi itong president na to eh! May pa pito pito pa nakakaasar na talaga!.
“ Bilis blisan mo nga! Dapat kasi hindi ka nag dala ng ganyang kadaming gamit eh!” sigaw niya sakin, nanitili lang akong tahimik kaasar na talaga! Konti pa bibingo ka na sakin!.
“ Dapat kasi konti lang dinala mo, wala ka naman alalay dito!” dagdag na sermon niya pa sakin!.
“ Shut UP!!!! Krimen na ba na mag dala ng madaming gamit huh! Nananahimik na nga ako tuwing na tinging ka sa boobs ko! So manahimik ka na lang din sa mga gamit ko hah!” sigaw ko sa kanya, agad naman namula ang manyak na president at nag tatakbo na papunta sa bus.
Buti nga sa kanya manyak kas eh!.
“ Glake tulong naman oh!” sabi ko sabay tingin kay Glake gamit ang aking puppy eyes, nag chuckle naman siya sabay lakad papunta sakin at kinuha ang mga gamit ko.
“ Punta kana sa bus, dun mo na hintayin mga gamit mo” sabi niya.
“ Salamat!” I grin at him sabay takbo sa bus, dun ako umupo sa likod ng bus, habang nag lalakad ako papunta sa likod nakita ko naman ang demonyitang Devy na mukhang natakot sakin ng makita ako, tinaasan ko lang siya ng kilay at nilagpasan, kahit papano napatawad ko na din naman siya, subukan lang niyang mangulo ulit lagot na talaga siya.
Nakita ko naman si Glake at Josh na umupo sa mga upuan na nasa harap ko, tas nakita ko si Carl ko, na lumapit sakin at nilapag ang mga gamit niya sa vacant seat sa tabi ko.
“ Hindi ka ba uupo sa tabi ng girlfriend mo?” taas kilay kong tanong sa kanya, haha binibiro ko lang naman siya kay demonyitang Devy haha :D
“ Huh? Hindi ba IKAW ang girlfriend ko?” inosenteng sagot niya sakin at talagang nilakasan niya pa yung ikaw.
“ At kalian mo pa ko naging girlfriend?” biro ko pa sa kanya.
“ Hmmm kalian nga ba??” pabirong sabi niya sabay upo sa tabi ko, natawa naman ako sa ginagwa niya pero nanatili lang akong tahimik, tas tumingin sa bintana.
“ Sinampal mo daw si Devy kagabi?” sabi niya.
“ Ano? Sino nag sabi sayo?” taas kilay kong tanong sa kanya.
“ Wala naman narinig ko lang sa bulong bulongan ng mga tsismosa” sabi niya.
“ well ou, sinampal ko siya bakit?” sabi ko, wag mo sabihin ipag tatanggol niya?.
“ Wala lang, buti nga sa kanya” sabi niya, haha akala ko ipag tatanggol niya baliw din to eh haha :D.
“ Waaa ang mean mo naman sa kanya pag narinig ka ni Devy siguradong iiyak yun” pang loloko ko and sabay giggle sa kanya, bigla nalang ako pinasahan ni Josh ng tubig mahaba pa kasi ang byahe so ayon.
Nakita ko naman si Carl ko na may kinakalkal sa bag kiya, so nakita ko na may kinuha siyang royal blue na Digi cam, hmmmm anu kaya laman ng camera niya? Nacurious ako kaya pilit kong silipin yung mga pictures na tinitignan niya, nainggit naman ako nakalimutan ko kasi mag dala ng camera! Bakit ba kasi hair dryer pa ang nadala ko eh hindi ko din naman nagamit! Hmp!.
“ Hoy! bawal tumingin nuh!” sabi ni Carl ko sabay nilayo niya yung camera sakin.
“ Eh nakalimutan ko kasing mag dala ng camera, wala akong remembrance, patingin niyan!” pangungulit ko sa kanya sabay pout.
“ Ha! Kawawa ka naman, dapat nag dala ka ng camera alam mo naman bihira lang mag karon ng camp sa school eh!” pang aasar niya! Ano bang klaseng boyfriend to! Bakit pa kasi sa kanya ako nag kagusto! Ang damot hah!.
YOU ARE READING
Secret Dating Plan
RomanceSummary: Mayaman-check Maganda - check Sexy- check Talented - check Cheerleader- check Friendly- check. Ms, popular? - check...... Matalino- errr.. UNcheck Whaf if Jennie Ann Garcia the miss perfect, fell inlove with the geek king?. Mayaman- check- ...