chapter 32

542 10 7
                                    

chapter 32

Jennie's POV

Tas tumakbo na siya palayo. Tinignan naman ako ni Carl na halatang nag aalala sakin, agad ko naman siya pina alis.

“ Sundan mo siya Carl” sabi ko.

“Pero pano ka? Ba-“ pinutol ko yung sasabihin niya.

“ Kasalanan ko naman talaga kaya natural lang na sampalin niya ko” sabi ko tas nginitian ko siya para iparamdam na ayos lang talaga ako, nag nod naman siya at umalis para sundan si Flat.

“ Carl, Carl sandali lang!”  sigaw ni demonyitang Devy kay Carl nag eemote pa ang gaga!.

“ Tanga ka ba? Bakit mo siya pinaalis!!!” Sigaw niya sakin, abah!.

“ Manahimik ka! Hindi pa ko tapos sayo!” pang babanta ko sa bruha na toh! Mukha naman siyang natakot at humakbang paatras!, mamaya na siya nilingon ko muna si Jake mas importante makausap ko muna siya bago ko pa mapatay si bruha sa harap niya.

“ Yung pisgni mo” sabi niya halatang nag alala din siya dahil sa sampal sakin ni Flat.

“ Ayos lang ako, malayo yan sa bituka” biro ko sa kanya.

“ I’m Sorry” sabi niya, naguguilty ata siya dahil sa sampal sakin ni Flat.

“ Hindi naman ikaw yung sumampal sakin, nuh, si Andy” pang cocomfort ko sa kanya.

“ Ou pero dahil sakin kaya ka niya nasampal” malungkot na sabi niya, nakapa bait talaga ng tao na to.

“ Hindi, ako naman talaga ang may kasalanan eh” sabi ko sa kanya sabaya binigyan siya ng maliit na ngiti.

“ Talaga bang gusto mo din ako?” tanong niya sakin.

“ Siguro” alangang sagot ko sa kanya.

“ Then tayo na?” nag aalangang tanong niya.

“ Gusto kita pero hindi pwede” sabi ko sa kanya, ngayon na sigurado na ko sa nararamdaman ko.

Bakit hindi ako masaya nung nalaman ko na mahal ako ni Jake?.

Bakit hindi na ko interesado sa kanya nitong mga nakaraang araw?.

Bakit sobrang concern ako kay Carl at sobrang inis ako kay Devy? Nakalimutan ko na ng tuluyan si Jake ng dahil sa mga ngyari.

Bakit binigyang ko si Carl ng 5 halik?.

Ngayon sigurado na ko, alam ko na yung nararamdaman ko.

“ Huh?” si Devy ang unang nag react sa sinabi ko, si Jake naman mukhang nagulat sa sagot ko.

“ Yung nararamdaman ko sayo Jake hindi yun pag mamahal, ou gusto kita pero hindi mahal, at sigurado ako na ganun ka din sakin, gusto mo ko pero hindi mo ko mahal” paliwanag ko.

“ Hindi yan totoo gusto talaga kita Jennie” sabi niya, sana dati mo pa sinabi yan, hindi ngayon na hindi na ko masaya sa sinabi niya, wala na kong nararamdaman.

“ Hindi naman ako ang gusto mo, ginusto mo lang yung personality ko na ginawa ko para sayo” dagdag ko.

“ Hin—“ pinutol ko ang sasabihin niya.

“ Mas bagay kayo ni Andy, Jake hindi tayo bagay, sobrang mag kaiba natin, aaminin ko sayo lasinggera ako, gustong gusto ko na ako ang center of attraction  sa lahat ng bagay lalo na sa mga lalake, it makes me feel good, pero hindi naman ibig sabihin na kung sino sino ang dinadate ko, flirt ou, pero date hindi, I love to party, isa akong party queen, gustong gusto ko ang nag iinom, gusto kong sumayaw hanggang sa tipong kinabukasan mararamdaman ko yung hang over ng pag paparty ko ganun ako Jake” confess ko sa kanya, napa buka naman ang bibig niya sa mga sinabi ko pero nag patuloy pa ko.

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now