A/N: Hi guys, how was it po? Just comment your reactions below. Happy reading :)
---
Time passed by quickly. Natapos na yung klase ko tapos buong araw kong pinag-isipan kung sasali ba talaga ako sa team ni Lara. I don't feel the need in taking the risk of trying it. Naiisip ko pa lang ang ganoong ideya, naduduwal na ako.
Ang bitter naman kasi pakinggan if I'll continue to be distant to them. Hindi natin makakaligtaan na may mga tao talagang pilit tayong huhusgahan. Ba't ko ba iniisip ang sasabihin ng iba?
''Omg, si Zedrione ba yung nasa labas? Ang gwapo niya talaga'' boses ng mga kaklase kong ignorante. Akala mo talaga si James Reid yung nasa labas.
Eh, hindi nga nakakalahati yang Zedrione na yan! Nasa kalingkingan lang siya ni James.
''Sis Aiks, mukhang sinusundo ka na ni Mr. Kupido'' I came back to reality when Jem gave me a huge smile sabay pisil niya sa braso ko habang ina-unwrap yung yakee.
Ayan, bubble gum na naman. Strong ng ngipin niya ah.
Napatingin ako sa labas pero di ko naman makita kasi di ako masyadong katangkaran. 5 flat lang talaga ako pero bawi naman sa kuan, alam niyo na. Kaya hindi na nadadagdagan yung height ko kasi hindi ako ng si-siesta, sa kakanuod ko ng mga series sa netflix. Now, that's my life.
Ba't naman nandito si Zed?
Biglang tumunog yung bell. Hudyat na pwede ng magsilabasan ang lahat ng estudyante.
Salamat naman at di na masyadong maingay sa paligid kasi lunch break na at kokonti na lang ang tao sa loob.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko except dun sa mga libro ko. I'll just leave them na lang sa table. Masyado talaga akong advance mag isip kaya dinadala ko lahat ng libro sa subjects ko. Wala lang, at least man lang sa libro masasabi nilang may pinag-aralan ako.
Linapitan ko si Jem kasi di pa talaga ako settled sa plano ko. Nakakabagot ang araw na to' Ang dami talagang pakulo ng schools noh? May pa instramurals pa talaga, pwede namang graduation agad.
''Jem, advice naman oh! Saang category ba talaga ako pwede?''
Hindi ko nga masagutan nang maayos yung quiz namin kanina kasi I kept on imagining things. What if, kasama ko nga si Lara tapos ipapakita niya lang kung bakit wala akong kwentang girlfriend. Papatunayan niya lang na deserve niya si Prix.Sobra na ba akong mag-isip?
Sometimes I need to work things out para mabawasan na tong pag-iisip ko ng kung ano-ano. Hindi na nakakabuti minsan.
Tinapik ni Jem ang balikat ko.
''Go for volleyball, I'll help you. At isa pa, walang try-outs yun''
Jem then, dragged me outside. She perfectly know what I meant by that.Sabi kasi ni Jem, if nakikita nilang willing ka talagang mag compete, there's no need for try-outs. Oh diba, hindi sila choosy basta dedicated ka lang talaga sa bagay na gusto mo.
Pero bakit? Naging dedicated naman ako sa past relationship ko? Bakit parang naging tryout lang din iyon ng buhay ko? Yun bagang parang spotify na hindi mo afford na i-upgrade sa premium kaya hanggang trial ka na lang. Imagine that.
Nahagilap agad ng mga mata ko si Zed. Gosh, kanina pa ba siya nasa labas? Is he looking for someone. Luminga linga naman ako sa paligid baka kasi may ka eyeball siya.
I watched his every move. His aura was so powerfully evil. Grabe ang taong to, may dala yatang kakaibang mahika sa katawan to.
BINABASA MO ANG
Breaking Me Again.
Teen FictionPrix Fidell Rivero is a sarcastic brute. The moment he found the nub, Aika Dela Torree suspected her life was about to change, in a significant way. Ang sakit maging rebound. Someone is using you to desperately cover up the pain from previous relati...