Chapter 35 : Mysterious one

471 8 0
                                    



---

Nagising ako kaumagahan na medyo nahihilo. Pakiramdam ko dahil ito sa pag-iyak ko kagabi. Parang mas malupet pa'to sa hangover ko nung isang araw.

Linibot ko ang aking paningin sa kwarto. Hindi ko din maibuka nang maayos ang aking mga mata dahil nasisilaw ako sa liwanag mula sa nakabukas na bintana. Napatingin naman ako sa orasan. 6am, shocks! May pasok ngayon si Van!

Mabilis akong napabalikwas ng kama na naging dahilan ng aking pagkahilo. Napakapit tuloy ako sa side table para suportahan ako sa pagtayo.

Gosh, kailangan ko pang ayusin yung mga gamit na dadalhin ko sa ospital.

Binuksan ko ng mabilisan ang pintuan ng kabilang kwarto. ''Kuya naman! Kahit kailan ang kupad kupad m—'' ang malapad kong ngiti ay biglang napawi nang mapansin ang tahimik na kwarto ni kuya. Ni anino niya ay hindi ko nakita.

Ang kokonting gamit niya sa loob ang tuluyang nagpaiyak sa akin. Naglayas ba si kuya? Tuluyan naba talagang nasira ang pamilya namin? Never would I imagine na magiging ganito kakomplikado ang lahat. I just want to get this over and done with it.

Pinunasan ko ang aking mga luhat at dire- diretso akong naglakad papunta ng kusina para magluto ng umagahan. Hindi ko na lang ininda ang pag ikot ng aking paningin.

''Ate, good morning!'' masayang bati ni Van sa akin.

Halos mailuwa ko ang aking mga mata nang mapansin si Prix na kasama si Van sa lamesa habang kumakain. I blinked one, once then twice.

Lumapit ako ng bahagya sa kanila.
''S–andali, hindi ka ba umuwi sainyo?'' turo ko kay Prix habang napapakamot pa sa ulo.

I waited for him to answer but none came out from his mouth. He was just staring at me confoundedly na para bang may kung ano sa katawan ko.

Ngayon ko lang napagtanto na nakasuot padin ako ng pajama at oversize t-shirt na may print ng adventure time sa harap. At ang buhok kong literal na naka messy bun. Hindi ko pala natanggal yong tali ko kagabi.

Napangiti si Prix ''umupo kana, join us''
sabay ayos niya nung upuan para sa akin.

Napako ang aking mga mata sa lamesa na para bang gumising talaga siya ng maaga para ipagluto kami ng breakfast. At hindi lang yun, napansin ko ding naka uniporme na si Van at naka prepare na yung lunchbox niya sa kabilang table. Just, wow!

Parang lutang akong napaupo sa tabi ni Prix. He was just acting as if mag asawa na talaga kami. Hindi ko alam kung bakit ganun agad ang naiisip ko pag ganito palagi si Prix sa akin. Alam kong concern siya sa sitwasyon ko ngayon pero kung magiging consistent siya sa ganitong treatment baka di ko na mapigilan sarili ko. Baka tuluyan na talaga akong mahulog. I know, you didn't get me.

''Ate Aiks, paggising ko wala si mommy at daddy kaya hinanap ko sila sa kitchen pero si kuya Fid yung nakita ko. He's cooking and preparing my stuff for school'' kilig na saad ni Van.

Iba talaga ang tama niya pagdating kay Prix. Nakakahiya naman kay Prix at isa pa may pasok siya ngayon sa school tapos inisturbo ko pa talaga siya.

I looked back to Prix ''umuwi ka na, may pasok ka pa'' nakatingin lang ako sa plato ko na nilalagyan niya ng ham, itlog at kanin.

I couldn't believe it. He was so nice to me.
Wala naman akong sakit. Kung maka asikaso naman itong si Prix. I didn't know what was running inside his head.

''Exempted ako sa klase kasi may pinapagawa sa akin yong prof namin. Your body just needs to rest. Magpalakas ka muna'' sunod sunod na sabi ni Prix. His voice sounded sincere and serious.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon