----After that, there was an awkward silence.
Nakatingin lang si Zed sa akin habang ako naman di ko maigalaw yung sarili ko kasi di pa rin rumerehistro sa utak ko yung sinabi ko kanina. Tapos umiiyak pa ako.Kadiri.
Mukhang nagulat ko din siya kasi agad n'yang inayos ang sarili at humiwalay na sa akin. Ilang laway na yung nalunok ko dahil sa kaba. Hindi ko na napigilan. I was just being honest at ayun bigla na lang lumabas sa bibig ko.
''Here, take this'' inabutan niya ako ng panyo pero he wasn't looking at me. Nakayuko lang siya habang nakatingin sa lupa.
Nung inabot ko na yung panyo, bigla n'yang hinawakan yung kamay ko. And stared blankly at me.
''Did you really mean it?'' tanong niya na halos magkasalubong ang dalawang magkabilang kilay.
Hindi ko alam kung paano mag react. Kumabog na lang bigla yung puso ko. I always have this sudden rush of emotion everytime we talk. Even just by looking at him through his eyes. Kaya ang hirap pigilan.
''Ah kas--'' hindi ko naituloy kasi bigla n'yang pinutol yung sasabihin ko sana.
''You're ruining it, just say yes!'' hinila niya ako sa tabi niya. Di ko namalayan na magkahawak pa din pala kami ng kamay.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Ni hindi parin remi-rehistro ang mga kinikilos niya.
''Excuse me, hindi ako easy-to-get'' sinamaan ko siya ng tingin at pilit inaalis yong kamay niyang nakahawak sa akin. At isa pa, nasa school pa din kami noh. Baka kung ano na naman isipin nila.
I saw him smirked tapos lumapit na naman ang kumag at halos di na ako humihinga kasi baka isang maling galaw ko lang, may mangyayaring di ko aasahan.
''Nagpapaligaw ka ba?'' pagdidiin niya.
Feeling ko ang pula ko na. I get a little carried away once in a while. There's something about the way I get cornered, especially when he's right. Wait, sinabi ko bang tama siya?
Tinulak ko siya ng bahagya kasi ang awkward na masyado. What was up with him? Bakit bigla bigla na lang niya akong ginugulat sa mga salitang lumalabas sa bibig niya?
''You wouldn't do that'' I said, frowning a bit. No guy had that kind of patience. Hindi niya magagawa ang bagay na yun. At mauubos lang pasensya niya sa akin.
Inayos ko yung strap ng backpack ko tsaka naglakad na. Wala din naman akong mapapala kung patuloy ko lang kakausapin ang isang Zedrione. Na walang ibang alam kundi mang goodtime.
I heard his footsteps na papalapit na naman sa akin. Kailan niya ba talaga ako titigilan? Ayan tuloy, pilit niya akong pinu-push sa mga bagay na kahinaan ko. Hindi ko na dapat sinabi yun sa kanya. Pero huli kana Aika, ang tanga mo rin kasi.
''Then let's see.'' I was shocked nung bigla na naman s'yang sumulpot at nag jog na palayo sa akin after n'yang sabihin yun.
'crazy.' napabulong na lang ako sa sarili.
Parang kinain ko na din mga salita ko. Kasi nagugustuhan ko na siya. Not a pleasant feeling at all.
Haynaku, ang hirap!
----
Ayaw ko pang umuwi kasi maaga pa naman tapos ayaw ko na din bumalik pa dun sa field. Absent na muna ako sa training ngayon. I feel so sad for Lara. Kung totoo man yun.
BINABASA MO ANG
Breaking Me Again.
Fiksi RemajaPrix Fidell Rivero is a sarcastic brute. The moment he found the nub, Aika Dela Torree suspected her life was about to change, in a significant way. Ang sakit maging rebound. Someone is using you to desperately cover up the pain from previous relati...