A/N: I'll just edit some of the details soon. Thank you for the support.
------
I felt uneasy that I kept on looking at my surrounding, feeling that someone was watching my every move.
Since hindi ako masyadong familiar and I don't have any idea sa rules and especially doon sa game. Diba? Kung di talaga grades pinag uusapan dito. Kanina pa sana ako umuwi at nanood ng Jadine series sa bahay.
We already got each others name. Grabe yung kaba ko kanina pa kasi di pa nga ako nag volunteer tapos ako na yung tinawag. She knew me by my name. Confident naman akong kinu-kwento ako ni Prix sa kanya. Lahat naman siguro dumaan sa ganoong stage.
Nakatingin lang kaming lahat kay Lara habang tinuturuan kami ng basic volleyball rules and terminology.
''Player may not hit the ball twice in succession. Always remember lalo na dun sa mga first timer, a block is not considered a hit'' Lara said to the team
Am I the only one who's processing this situation? Ako lang ba first timer dito? tsaka mukhang sobrang athletic lang nila talaga tignan. Nagmumukha akong kawawa dito. Kung nandito lang talaga sina Jem at Kiwi kanina pa ako nun pinagtatawanan.
Sana kainin na sila ng lupa at iwanan na lang ako mag-isa.
Nakakahiya naman kasi pag natalo kami dahil sa akin. Pag-uusapan talaga ako ng buong campus. Kung sa news pa, ako yung palaging nasa headline. May mga ibang tao kasi na walang ibang magawa sa buhay kundi mangialam. Akala mo naman may makukuha sila pabalik.
Nagpatuloy lang sa pag explain si Lara tapos may mga kasama din siya sa harap who executed the fundamentals of a sport or of a particular play. Napanganga tuloy ako sa bilis at liksi nilang kumilos. Paano nila nagagawa yun? Imposible. May super powers ba sila?
''After the serve, front-liner players may switch positions at the net'' Lara eyed us seriously.
Isa pa to, I'm not that dense to understand what Lara was talking about. Parang nag s-slow mo lahat ng sinasabi niya at pilit kong hinahabol yung mga salita niya sa utak ko.
At isa pa, ang hirap kaya pag ikaw na yung mag se-serve ng bola. All eyes on you ang peg niyan. Maka agaw spotlight.
Sabi ko naman na dapat lowkey lang talaga. Kainis. Habangbuhay kong panghahawakan yang motto ko na yan.
Pagkatapos inexplain na naman niya yung about sa violations. Ang dami pa lang arte ng larong to' kasi akala ko talaga na iba-base lang sa lakas nung pag hit mo doon sa bola. Ang layo pala talaga sa totoong pagkakaalam ko.
This isn't what I had expected.
Kung siguro patintero lang talaga to', wala ng ganito. For your information, dakilang achiever kaya ako noong elementary days sa laro ng lahi. Kaya huwag kayong ano, may mga nagagawa din ako na hindi niyo kayang gawin. Charot!''Don't you ever touch the net with any part of your body while the ball is in play'' ang hirap naman. Siguro huwag na lang akong gumalaw. I'll pretend like a statue tutal ganito din naman ako sa pag-ibig.
Kahit pawis na itong si Lara, di pa din looking haggard. Tapos na achieve niya talaga yung clear skin na pangarap ko. Napaka invisible ng pores. Bakit ganito siya? Napaka unfair naman yata ng earth.
From now on, I am going to remind myself that other people's outside can't be compared to my insides. Charot ulit.
Sige Aika. Motivate yourself.
BINABASA MO ANG
Breaking Me Again.
Teen FictionPrix Fidell Rivero is a sarcastic brute. The moment he found the nub, Aika Dela Torree suspected her life was about to change, in a significant way. Ang sakit maging rebound. Someone is using you to desperately cover up the pain from previous relati...