---Isang malaking pressure para sa lahat ng departments ang magaganap ngayong araw. Maraming kaabang abang na paligsahan ang matutunghayan mamaya. But except me, I don't feel a single thing.
Lahat ay busy sa kani-kanilang teams. Hindi ko halos maipinta ang kaligayahan ng iba't ibang students na nakakasalubong ko sa hallway. Bakit ang babaw ng nararamdaman nila? Bakit pag dating sa akin, parang ang hirap ibigay?
But on the bright side, Jem is back. Naging magaan na din yung mood niya. Nakakausap ko na din siya ng matino. May mga bagay lang daw siyang tinapos kaya hindi siya pumasok.
''Mag sabi ka naman kung a-absent ka kasi a-absent din kami ni Aika'' napatayo si Kiwi at nag stretching.
Kanina niya pa sinasabing excited na siya sa laro niya mamaya kasi makikita niya yung crush niya sa engineering department. Hindi naman siya pinapansin nun. Kawawang Kiwi.
''Don't worry after netong intrams, a-absent ulit ako'' Jem rolled her eyes while talking to Kiwi.
She's really fond dragging things sarcastically. Si Jem kasi yan. Kahit pa baliktarin natin ang mundo. Nag iisang Jemimah lang yan.
''Duh. Sayang naman ang day 2 kung hindi ko makikita si crush. Huwag mo kong idamay sa pagiging tamad mo Jem'' Kiwi blurted out na may pairap effect.
They're really crazy.
''Enough guys, walang kwenta din naman tong araw na'to eh'' tama naman talaga ako. Except sa grades na maibibigay nito.
''Ang sabihin mo Aika, bitter ka lang. Oops, i che-cheer mo nga naman pala si fafa Fid mo mamaya'' may patalon talon pa si Kiwi habang nakahawak sa dalawang kamay ang mga pom poms.
Ou, girl scout itong si Kiwi. May pa banner pa siya dahil i che-cheer niya yung lalakeng hindi naman napapansin existence niya. Sana nga lang magising na to sa kahibangan niya.
''Ai, kayo na ulit ni Prix?'' Jem suddenly asked out of curiousity.
Hindi nga pala niya alam yung mga nangyari these past few days. Ano ba kasi kami ni Prix? Kami na ba ulit? We didn't talk about this.
''Yes? I'm not sure'' I'll just allow myself to feel sad. I'm okay with that. Marami kaming napag usapan whether we want to face the truth or not, both of us know exactly how much we are going to hurt each other.
''Nag-iisip ka ba?'' Inalog niya ako ng inalog. Alam kong hindi magiging masaya si Jem sa desisyon ko.
Kaya nga si Kiwi yung unang sinabihan ko ng lahat. She's quite chilled out compared kay Jem. Siguro dapat ko na siyang isali sa squad ni kuya Derf at Jeon.
Minsan nga hindi ko maintindihan itong si Kiwi. Noong una, parati niya akong tinutulak kay Zed tapos nung malaman niyang crush ni Jem si Zed. Siya naman itong over maka react kasi may mga kung anong rason siya dito.
May split personality siguro si Kiwi o talagang bangag lang talaga ang babaeng to?
''Nag iisip siya Jem. First love never dies daw kasi.'' Si Kiwi na yung sumagot sa tanong ni Jem.
Hindi naman kasi ako makahanap ng sagot agad. Parang na bla-blangko na naman ako. Akala ko matatakasan ko na to sa araw na'to kaso imposible pala.
Tuluyan ng napaharap si Jem sa akin na may pag-aalala sa mukha. ''But be sure, you won't let that chances become foolishness'' Jem directly state her thought.
Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Siguro may mga bagay na patuloy nating ginagawa kasi dito tayo masaya at napupunan nito ang mga pagkukulang na matagal na nating hinahanap. Yun yung pagiging bulag sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Breaking Me Again.
Teen FictionPrix Fidell Rivero is a sarcastic brute. The moment he found the nub, Aika Dela Torree suspected her life was about to change, in a significant way. Ang sakit maging rebound. Someone is using you to desperately cover up the pain from previous relati...