Chapter 24 : Fam Gath

672 23 12
                                    



---

Umuwi na ako sa amin. Ikaw kaya kaladkarin palabas ng bahay? Kiwi's not usually like this. Even if the most time, she didn't show it.

Baka naman kasi boyfriend niya na yun.
Aba, ang swerte niya dun sa lalake. Choosy pa ba? Now, it's really my turn to laugh.

I wondered how Kiwi would take it if I tell her that. Siguro lalong magiging baliw lang yun.

Dumiretso na ako ng kwarto at naghanda na para sa gaganaping dinner mamaya. Sana naman bumagyo nang napaka lakas para hindi matuloy yung family gathering namin.

That made me come back to my senses.

Paano kung pag-uusapan namin yung kasal? Nasabi pa naman ni Prix sa akin ang tungkol dun. Ang bilis naman yata ng pangyayari. Pwede bang, stretching muna?

Pero kilala ko si Prix, that surely didn't stop him from doing his thing. Grabe pa naman paki-usapan yun.

Please, kahit na ang advance kong mag-isip sa araw na'to, huwag naman sanang humantong muna sa kasalan. I didn't realize that this was the consequence of our scheme.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng pwedeng suotin at halos wala ng naiwang damit dun sa loob ng closet.

While I dressed, hindi talaga ako mapakali. Ito ba yung tinatawag nilang sign kapag ayaw mo talagang mangyari yung isang bagay?

Kinakabahan ako. I almost dropped my knees.

Inhale... exhale...

Baka maihi lang ako sa harapan nila mamaya.

Umakto ka sana ng natural Aika.
I kept on motivating myself.

Close naman talaga kami ng parents ni Prix kaso baka this time around, disappointed na sila sa akin dahil sa naging desisyon ko sa pagputol ng relasyon namin dati. Hindi ko na din sila kinumusta after those incidents. His family was obviously freaking rich. At ang ta-taas ng standards nila.

Sira ulo lang siguro yung hindi naging bitter after break-ups.

I instantly stopped composing some thoughts. Nagsisimula na naman akong mag hysterical.

Mas iisipin ko na lang siguro yung present. Yung kung anong meron sa amin ngayon.

Bahala na.

I grabbed my bag at bumaba na and to finally found out na ready na sila at tanging ako na lang talaga yung hinihintay nila.

Lord, bakit po ganito yung pamilya ko? Bakit parang binibigyan na nila ako ng basbas? o siguro nag fre-freakout lang ako? Answer me.

''You should've seen your face'' kuya suddenly whispered.

Mismong si kuya napapansin na ang pagiging kabado ko.

Talo pa neto recitations ko sa school. Kailangan ko ng malakas na guardian angel sa likod.

I couldn't stop myself from thinking. Nabasa ko naman yung convo nila nang paulit-ulit dun sa group chat kaso wala talaga akong hint.

Siguro, na mi-miss lang nila yung clan namin kaya ganun. Yeah, that must be it!

''Kuya, para san ba talaga to?'' hinawakan ko siya sa braso at kinausap ng pabulong.

''Langya Aiks, ang lamig mo!'' He then held my hands tapos tinignan ako ng masama.

''Iniisip mo ba talagang tungkol sa kasal to?'' Kuya Derf added, an evil grin stretched across his face.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon