Chapter 27 : In denial

610 19 4
                                    

Zedrione's point of view

The responsibility and pressure of being the team captain was a bit hard. Muntikan na kaming matalo kanina. I was worried all throughout the game. Hindi nga rin ako maka focus. Parang bumabalik lahat ng alaala pag nakikita ko si Aika. I still even care for her.

I just wished that she wasn't that seriously hurt. Na sana ako na lang yung pinili niya kesa balikan niya na naman lahat ng sakit.

I still remember the look on Aika's face when she saw me looking at Jem. Baka kasi makita niyang sa kanya talaga ako nakatitig nung una, ibinaling ko na lang sa iba. I just wanted to make her feel that I was being true to what I said back then. Na kaya kung lumayo para mahanap niya na yung sarili niya. Mahanap niya ang halaga niya.

Suddenly I we're interrupted by a voice.
''Bro, kilala mo ba yang chikababes na kasama ni Aika?'' Hindi ko namalayan na nandito din pala sila Aika sa coffee shop. So, I'm just concluding things as a coincidence then.

Lalo tuloy naging pursigido itong si Xaff na kilalanin yung mga kaibigan ni Aika.

''Xaff, stop whatever you're thinking. Hindi sila kagaya ng iniisip mo'' napabungad naman agad ako sa lakas ng tawa ni Zadkiel.

Madaling nakapag adjust si Zadkiel sa team namin. Hindi rin naman siya mahirap pakisamahan.

''You've been warned bro. Malakas ang isang yan'' sabay turo niya sa direksyon ni Kiwi.

''The best thing you can do is nothing'' pang-aasar pa ni Joshua.

''I don't give a damn. Trip ko siya'' sagot ni Xaff habang hindi maalis alis ang titig kay Kiwi.

Madami ng babaeng pina iyak at tinapon na lang ng basta basta ni Xaff. Hindi kailanman mag seseryoso sa isang relasyon ang kagaya niya. He's the ultimate playboy of all time.

''Is that really the reason? Kasi kong ako sa'yo bro, magdadalawang isip talaga ko'' natigilan kaming lahat nung biglang may ibinulong si Zad kay Xaff.

''Ginawa niya yun?'' Natatawa niyang tanong ''she's cute''

What the. Mukhang trip nga niya si Kiwi. Masama yung kutob ko sa mga susunod na mangyayari. May ilang doubts lang naman.

''Anong cute dun?'' Inis na tanong ni Zad.

''Nakaka challenge yung mga pakipot minsan'' sambit ni Xaff.

Tumayo bigla si Zad at tinulak patayo si Xaff ''umorder ka na nga lang dun. You need to refresh your thoughts''

Walang nagawa si Xaff kundi pumunta ng counter at pumili ng order.
''You need to train yourself na huwag mag kape kasi ayaw ni Kiwi sa kape'' pasigaw na sabi ni Zad.

Mabuti na lang at nasa labas kami kung hindi, maririnig talaga nila lahat sa loob. Agad namang napa salute si Xaff dun sa sinabi ni Zad.

''You really knew her that well'' This just made Zadkiel grinned.

''Syempre kapag first kiss mo, dapat alam mo lahat'' muntik ko na tuloy maibuga yung kapeng iniinom ko.

Sa pagkakaalam ko, transferee siya. Paano naman nangyari yun? Hindi ko maiwasan na magduda sa kinikilos niya.

''First kiss? Langya! Naunahan mo na pala si Xaff'' singit ni Tristan na kanina'y abala dun sa cellphone niya.

''Don't worry, she's not my style at isa pa may girlfriend na ako''

Yung girlfriend niyang pineperahan lang siya. Siyempre kahit lalake ako, alam ko na ang motibo nun. It shouldn't be that way. Nagiging tanga talaga ang tao pag dating sa pag-ibig.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon