Chapter 5 : Volleyball?

1.4K 84 0
                                    




---

That was Zed! 11th account niya? Sure naman ako na siya yun kasi the displayed picture looked like him. At isa pa walang araw na hindi ako kinukulit ng taong to'
An incredible bad thing just happened.

Zedrione: thank you for accepting my request :) so excited about our date.

Date? Eh. Akala ko friend request lang yun? Sira ulo. Binibigyan niya ng sariling meaning lahat ng bagay. He's too much for being an innocent one. Tama talaga ang hinala ko, f*ckboy ang isang to. Ang dami pang sinasabi.

Aika: Zed, There's no such thing as date. That was just a friend request.

Zedrione: well, I'll take that as a yes! :)

It really throw me completely off guard and it's awkward. It always comes down to what I say and how I say it. Alam na alam ko talaga ang mga ganitong galawan. Ang mga ganitong klaseng lalake dapat hindi ini-entertain.

Mag re-reply pa sana ako nung nag start mag ring yung phone ko. And now? He's calling. Ang lakas talaga ng topak niya. Naparami yata ang nalanghap na hangin, polluted na.

Hindi ko sinagot hanggang sa natapos na lang ito. Wow, sinabi ko bang pagkatapos ng friendship eh pwede na niya akong ligawan?

Aika: I don't want us to waste each others time. And I'm not into you that way.

Hindi ko alam kung anong naisip ko ba't ko yun si-nend. I don't feel any kind of connection. It's best not to drag things on. Hindi naman madaling makipag date agad. Hindi naman madaling mag move on. As if he knew what had been running inside my head.

Sometimes the hardest part isn't letting go but rather learning to start over again. Yan yung sabi nila.

And that sucked.

Kahit paulit ulit mong sabihin na okay kana pero ginagawa mo lang sinungaling iyong sarili mo. Wala namang may sabi na bawal itago ang totoong nararamdaman, pero di rin naman nila deserve malaman ang katotohanan. I'm trying to save myself from another mistake. Ou alam ng lahat na maliban sa kahoy na may anay, ang mga kababaihan ang pangalawang marupok sa mundong to.

Zedrione is typing...

Zedrione: I see.

Di ko na siya nireplyan. Di naman ako disappointed sa sinabi ko. I'm just being honest. It's just that.. I don't think it would be fair to date him while I'm still working things out. Bakit sinong may gusto nang ganun? Ou, may mga taong mahilig mag palit ng mga jowa once a week, twice a month, thrice a year or even worse araw araw may reserba.

Date kasi agad. Ibang usapan na yun.
I just want to finally let go of that topic. Kung tatanungin niyo ako ng paulit-ulit kung babalikan ko pa ang ex ko, syempre kapag tumino. Why not? Martyr ba?

Dahil busy ako sa kakatunganga sa cellphone ko hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Jem.

Mapudpud sana yang gums niya sa kakanguya ng bubble gum. Araw-araw, iba't ibang flavors.

Nga pala nakalimutan ko. Tinaguriang chewing gum queen yang si Jem ever since. Kaya yan pinapagalitan ng mga prof namin kasi kahit na may oral recitations or even reports yan sa harap ng klase, may baong chewing gum yan sa loob ng bibig. Kaya huwag na kayong magulat pa.

''Aiks, have you seen already the poster outside?'' straight na tanong niya.
Kairita talaga pag ngumunguya to.

Dapat kasi before ako pumasok dito. Chi-neck ko muna yung bulletin board baka may mga upcoming events. Eh sa hindi talaga ako mahilig tumambay doon. It wasn't in my nature to do so. Kasi feeling ko mga matatalino lang ang nakakaintindi sa nakapaskil doon.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon