Chapter 11 : Moment of truth

1.2K 76 1
                                    



----

I acknowledge the fact that, despite all these things, we're forever bound. I should seek the grace that exists between holding on and letting go. Siguro nga kahit hiwalay na kami, hindi ko pa din matatakasan ang naging buhay ko dati. Si Prix ang naging buhay ko, at gustong gusto ko ng makalaya sa pagkatao ko.

Patuloy pa rin sa pagpatak yung mga luha ko as I walked toward the school campus. 'huwag ka ng lumingon Aika, di mo na siya kailangan. Sinasaktan ka lang niya' I get infuriated and just want to hurt myself in the moment. Gusto kong kausapin at ipamukha sa kanya kung gaano ka-miserable ang buhay ko after we've parted ways.

Dumiretso lang ako sa comfort room kasi ayaw ko namang pumasok na maga yung mga mata. Kailan pa naging magandang rason ang pag iyak dahil sa pagiging brokenhearted?

I looked so horrible.
Kinakaawaan ko ang sarili ko.

Bakit ba ganito na naman yung nararamdaman ko? I still have that impulse and doubts it's validity. Nasa moving stage pa nga ba talaga ako? Sigurado ba talagang nag mo-move yun? Gumagalaw nga ba yung proseso?

Inayos ko lang yung mukha ko sa salamin, buti naman at di na masyadong halata ang pamamaga ng aking mata kaya nagsimula na naman akong maglakad.

Nakita agad ng mga mata ko si Jem. Inayos ko yung upuan ko at nagsimulang magbasa dun sa notes ko para mamaya sa actual training.

''Sis, kumusta yung date mo with Zed? tapos yung sa Volleyball team with Lara?'' tapos yung encounter ko with Prix today? to sum up it all, Jem does not need to know anything that may lead to an uncomfortable conversation.

I just shrugged tapos nagpatuloy sa pagbabasa. I just feel not to talk about it. Nawawalan na din ako ng gana sa lahat ng bagay. I thought about it for a minute, naaalala ko na naman ang eksena kanina. Kakapagod ng umiyak.

Napansin niya siguro na wala ako sa mood kaya di na niya ako kinukulit. I seemed to be distracted by something. I mean, distracted by someone.

''I see'' she mumbled

Sorry Jem, huwag na muna ngayon. Ang hirap magsalita at maging open sa nararamdaman ko ngayon. Isasarili ko na lang muna to.

The mess I've been for the last 2 years is consistent with my feelings.

---

''Go! Aikaaaaaa.'' Nasa field na kaming lahat tapos natapat na sa akin yung bola. Ako ang mag se-serve.

Kahit na mukhang hindi ako interesado sa game, ipinagpatuloy ko pa din. Kakalimutan ko na muna yung nangyari kaninang umaga.

''Kaya mo yan Aiksss'' full support din sina Kiwi at Jem sa akin. After neto sila na naman yung maglalaro. And I should return all the goodness to them.

Tapos di ko talaga mapigilang hindi manginig. Nahahalata kaya nila na pati tuhod ko ay nangangatog na sa kaba? Kanina pa'to eh. Ayaw magpapigil.

''Just focus, don't mind the people around you'' kinalabit ako bigla ni Lara.

Bakit ba hindi ko magawang magalit sa babaeng to? May iba sa kanya. Hindi ko lang talaga masabi. Malabo naman sigurong maging kapatid ko siya sa labas.

May biglang nag whistle tapos..

Ayun I successfully bat the ball onto opposing side's half of the field. Napapikit pa nga ako, tapos nakachamba pa talaga.

''We're so proud of you Aiks'' biglang nag cheer yung dalawa. Nakakahiya. Napaghahalataan na rookie ako. At isa pa mukhang achievement na din yung smooth na pag serve ko nung bola. Wow, Aiks. Huwag kang mangarap. Last na yun. Hindi mo na magagawa ulit yun.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon