Chapter 25 : Banners & pom-poms

642 16 14
                                    


---

I went straight to the basketball court kasi nandito daw sina Jem at Kiwi. 3rd day ng intramurals ngayon. It wasn't like I didn't try, because I did. At nanalo pa talaga yung team ko. Paano na lang talaga pag wala ako?

Hindi ako nahirapang hanapin sila kahit masyadong occupied lahat ng space nung area.

''Aikaaaaaa, good morning'' bati ni Kiwi sa akin. Ang hyper naman yata niya ngayon.

I saw Jem. She may not be telling everything directly but I felt it. Bakit ba parang may namumuong gap na sa friendship namin?

''Anong meron? Ba't tayo nandito?'' tanong ko habang umuupo sa tabi nila.

''You'll see'' Kiwi said with a sly grin.

Nakakakilabot din minsan tong si Kiwi. Ang dami niya talagang pasabog sa buhay. Siguro dapat na talaga siyang mag pa check-up sa doctor. May kung ano na naman sa utak niya.

''Hayaan mo na yan siya Aika. Kanina pa yan cheer ng cheer kay Xaff'' hindi ako makapaniwala nang magsalita bigla si Jem.

Ou nga pala, today yung final game ng Khaito basketball league.

Ibig sabihin, maglalaro din si Zed ngayon. And so, bakit ko iniisip yan?

''Jem'' I acknowledge her presence.

''Yes?'' Sagot niya habang nakakunot yung noo nang nakangiti ng kaunti.

Kahit katabi ko lang siya pero bakit parang ang layo niya? I was longing for her, looking all worried. Ayaw ko ng ganitong gap sa friendship namin. Hindi ko naman pinangarap na mauwi sa wala lahat ng pinagsamahan namin.

''Sige chika muna kayo habang hindi pa nagsisimula yung game. Ihahanda ko lang tong banners at pom-poms ko'' biglang sabat ni Kiwi sa usapan.

As I looked up, halos mapuno na yung area. Nandito lahat ng kakilala ko. They were all surrounding me.

Kahit na masyadong na di-distract ako sa paligid, gagawa at gagawa ako ng paraan para kausapin si Jem.

''Jem, are you alright?'' I said straight to her.

''Ano ka ba Aika. Kung tungkol kay Zed yan. Huwag mo ng isipin yun. It's nothing serious'' she then put her hand on my shoulder.

Totoo nga ba? I know deep inside, she wasn't.

''Promise hindi ako magagalit'' pilit ko siyang kino-convince.

''Sira ka talaga Aiks. I'm still doing way better than I ever have'' she said with a laugh.

Bago pa man ako makapagsalita, inunahan niya na ako.

''I'm fine'' sabay bunot niya ng chewing gum sa bulsa.

Alam na alam niyang kukulitin ko siya hanggang sa masabi niya lahat lahat sa akin. I shouldn't be feeling this way.

Bumalik na nga si chewing gum queen.

''I see'' nakumbinse na niya ako. Everything seems right again.

''Jem, hawakan mo sa dulo to tapos ako bahala sa side na'to. Aika, please paki prepare na din yung mga pom-poms ko at tsaka yung plastic horn na nakalagay sa front nung bag ko, paki check naman if malakas ba'' I almost dropped my jaw.

Grabe lang talaga itong si Kiwi. Halos walang preno kung makapagsalita. Akala mo talaga eh boyfriend niya na yung Xaff na yun.

''You were too obvious, girl!'' pahampas na sabi ni Jem dun sa banner na hawak hawak niya sa kabilang kamay.

Breaking Me Again. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon