CHAPTER 2

2.6K 121 5
                                    

CHAPTER 2

KLEA POV

Nandito ako ngayon sa upuan ko sa pinakalikod na bahagi at nakayuko lamang. Wala lang, dito ako komportableng umupo. Lahat ng mga kaklase ko ay lumalayo sa akin. Minsan nga ay pinagchichismisan ako, pero ngayon mukhang iba ang kanilang pinag-uusapan. Habang nakayuko ako may narinig akong pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

"Gosh girls nakita niyo kanina ang aksidente? Balita ko si Klein Villamor ang na aksidente kanina." Sabi ng kaklase ko.

"What? No way." Sabi ng isa.

"Huhuhu hindi maaari. Sayang naman kagwapuhan noon." Sabi naman ng isa.

Klein? Villamor? Hmmm... hindi ko siya kilala, pero lagi kong naririnig pangalan niya dito sa mga babae. Saang school nga ba yun? Ay basta narinig ko na ang pangalan niya.

"Paano na? Wala ng Presidente ang All Boys School. Wala na si papa Klein." Ang o.a naman ng isang to.

"Hoy bakla! Huwag ka nga ganyan. Malay mo mabububay pa siya!" Sabi naman ng isa.

Hay naku. Ang o.a naman nila. Mabuti na din yun para hindi nila ako pag-iinitan ng ulo. Alam niyo ba ang advantage at disadvatage sa paaralan ng mayayayaman? Ang advantage ay advance ang kanilang mga lesson at magaling magturo ang mga guro. Ang disadvantage lang ay minsan sinusuhulan ng mga ibang estudyante ang mga guro upang maging mataas ang kanilang mga scores and grades. Kaya naman, hindi sa hinuhusgahan ko ang mga private student, paminsan kasi tamad ang iba. Ang taas ng kompyansa sa sarili.

"Hoy Klea!" Napaangat ako ng ulo ng bigla ba naman paluin ng babaeng eto ang table ko. Masakit kaya sa tenga, subukan niyo kaya.

"Oh ano na naman?" Tanong ko kay Sheena. Ibahin niyo si Sheena, mabait yan, matalino, at top 1 sa buong klase. Nakakahiya nga minsan kasi kung anong meron siya meron din ako. Minsan tinataguan ko siya pero nahahanap niya ako bigla. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, lumulugar lang ako sa tamang lugar.

"Grabe ka naman. Narinig mo ba yun---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakalimutan ko chismosa din pala itong isang to.

"Oo. Nakita ko." Sabi ko at yumuko muli.  Hayst, mabuti na nga lang at hindi ko nakita ang mukha ng na aksidente kundi baka ako ang lalapitan nun.

"Omg? Serioso Klea?!" Sabi niya. Spell exagarate. S-H-E-E-N-A. Remind me na wala akong kaibigan na o.a, de joke mahal ko ito.

"Oo." Sabi ko at inangat ang ulo ko para silipin kung ano ang ginagawa niya. As usual hawak niya ang laptop niya at tumitingin sa latest news. Kaya yumuko na lang ako. Hay naku basta mga pinoy chismoso talaga... siguro nature na ng isang tao.

Okay naman ang araw ko sa paaralan ngayon. May mga projects kaming gagawin and si Sheena ang kapartner ko, wala akong choice dahil kapag umayaw ako baka sesermonan ako ng lola ninyo. Papauwi na sana ako ng may naalala ako, may kukunin pa pala ako sa locker room. Yung libro, dahil may exam kami bukas sa calculus. Hayst.

Pagpasok ko sa locker room, ang tahimik. Kunti na lamang ang estudyante na naroon. Yung iba nagpapalit ng damit dahil kakatapos lang ng P.E yung iba naman ay umuwi na agad. Anong oras na nga ba?

It's 5:30 p.m. Napabuntong hininga na lang ako. Malayo pa ang lalakarin ko, tapos tutulungan ko pa si Naynay sa pagbebenta niya.

Pumunta ako sa locker ko at binuksan ito ng may kaluskus akong narinig. Napairap na lamang ako, nan diyan na naman sila.

"Spirits go away." Sabi ko ng mahina at kinuha ang libro ko, at umupo sa upuan upang icheck kung kompleto na ba at wala na akong kulang pa. Mahirap mag study kapag kulang ang libro.

"Pssst." Narinig kong may tumatawag sa akin ngunit dineadma ko lang. Wala akong oras makipag laro sa mga kaluluwa. Immune na ako sa ganitong scenario, oo aaminin ko noon natatakot ako kasi akala ko kukunin nila ako, ngunit hanggang paparamdam lang naman sila. Kapag natakot ka, edi mas magloloko sila kaya much better na baliwalain mo na lamang sila, para tumigil.

After ko icheck ang libro ko. Akmang aalis na ako ng biglang

*Bbbooogggssshhh*

Pabagsak na lock ang locker ko kaya napatingin ako ng wala sa oras sa locker ko. Napatingin naman ako baka pinagtritripan lang ako ngunit wala ng ibang estudyante bukod sa akin. Okay?Mukhang multo na naman, ano na naman kailangan nito sa akin?

"Ano kailangan mo?" tanong ko at inilibot ang paningin ko. Hindi kasi siya nagpapakita pero nararamdaman kong nandito siya sa loob malapit lang sa akin.

Nang hindi ito nagparamdam muli, tumalikod na sana ako ng biglang

"Hoy babae." Sabi ng isang lalaki. Huh? Bakit may lalaki dito? Kaya napatingin ako kung sino at---

"Ano ginagawa mo dito?" Sabi ko. Ngumiti naman siya ng makahulugan at lumakad papalapit sa akin.

"So tama nga ako at nakikita mo ako. Hindi nga ako nagkamali." Sabi niya. Napatampal na lang ako sa noo ng maalala ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko.

Maangmaangan akong nagpanggap na hindi ko siya nakita at tumalikod na sa kanya.

"Ano ba naman ito. Nakakatakot naman dito." Sabi ko at dali dali lumabas sa locker room.

Paano niya nalaman na nandito ako? Kaluluwa nga naman. Habang seryoso ako naglalakad sa kalsada ay may sumulpot sa harapan ko.

"Aaahhh!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama. Siya naman ay ngumiti ng makahulugan.

"Huwag ka nga mag maangmaangan na hindi mo ako nakikita." Sabi niya.

"Oh tapos?" Sabi ko na lang din sa kanya. Kairita to, pasulpot sulpot.

"Wala lang. Tulungan mo ako na makabalik sa katawan ko." Sabi niya. Nagsimula naman ako maglakad, at naramdaman kong makasunod lamang siya sa akin. Hay naku, eto din ang pinakaayaw ko kapag nakakakita ako ng multo.

"Sige. Pero pwede tigilan mo ang pasulpot sulpot?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya, mabait naman pala eh, akala ko suplado.

"Sure. As long as you'll help me." Saad niya.

"Fine." Sabi ko. Akmang maglalakad na ako ng hawakan niya ang braso ko, at tinignan ako ng hindi makapaniwala.

"What?" Tanong ko sa kanya. Siya naman ay napailing tila hindi naniniwala na nahahawakan niya ako.

"Nahahawakan kita. Bakit yung iba hindi ko magawang hawakan?" tanong niya sa akin. Oo nga no? kahit ako hindi ko din alam kung bakit.

"Malay ko." At nagkibit balikat na lamang ako. At nagsimula na akong maglakad, sinasayang niya lang ang oras ko.

Nang bigla niya akong akbayan. Kaya inalis ko ang braso niya, like duh? Mabigat ang braso niya, hindi naman sa mabigat wala lang ayaw ko lang na akbayan ako.

"Hahaha. Malay mo, destiny tayo." Sabi niya kaya naman binatukan ko. Loko to. Siya lang ang multo na ganito mag-isip parang normal na tao. Eh? tao naman pala to.

"Tigil tigilan mo ako. Hindi kita tutulungan kapag hindi ka umayos diyan." pagbabanta ko. Napakamot naman siya sa ulo niya sabay sabing

"Sorry naman. Nakikipagclose lang naman ang tao." Sabi niya. Tao ah?

"Tao ka ba?" Sabi ko. Ngumuso naman siya. Pfft~ parang pato.

"De joke." bawi ko sa sinabi ko at lumakad na. Hay naku, may kasama na naman akong multo, worse is lalaki ang kasama ko hindi babae. Mapagkakamalan na naman ako nitong may saltik sa utak.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon