CHAPTER 30
KLEA POV
Buntong hininga akong umupo sa upuan ko at hinilot ang sentido ko. Iba ang pakiramdam ko, masakit ang katawan ko. Nandito ako sa paaralan lahat ng estudyante ay naghahanda para sa acquaintance party namin.
Nagtataka ba kayo kung anong nangyari sa resort? Wala namang nangyari, buong araw kami pumasyal sa beach, masaya dahil halos lahat ata ng magandang tanawin doon ay napuntahan namin. Sa loob ng tatlong araw na kasama ang mga kaibigan ni Klein masasabi kong solid talaga ang kanilang pagkakaibigan, takot nga lang ang anim kay Kassandra.
Anyways, hapon na at may meeting pa kami with the officers. Yung iba naman ay umuuwi na, in my case? Hindi pa maaari dahil dapat nandoon ako sa meeting. Lumabas na ako ng room ng feeling ko maayos na ang pakiramdam ko, madami pang dapat ayusin dahil next two weeks ay party na namin dito sa school.
Pagkadating ko sa harap ng pintuan sa office namin, inayos ko muna sarili ko alam na mga tao dito anak mayaman kaya babantayan ka talaga. Syempre tao din ako at hindi ako tatanggap ng insulto.
Binuksan ko ang pinto at napatigil ako ng lahat ng mga officers ay nandito na habang si Sheena naman ay nasa harapan na napatingin sa gawi ko na tila galing sa pagdidiscuss.
"Sorry I'm late." Sabi ko at yumuko. Lahat naman sila ay may kanya kanyang reaction at nagbubulungbulungan.
"She's late. Ganyan ba ang vice?" Rinig kong sabi ng isa. Hindi ko na lang pinansin sa halip ay pumunta ako sa upuan ko na sa tabi ni Sheena. Nahuli ko siyang ngumisi sa akin na tila bang nasiyahan siya.
"Ms.President? Can I ask?" Tanong ng Auditor namin. Umupo ako sa upuan at tumingin sa auditor namin ng seryoso.
"Yes. Ano iyon?" Tugon ni Sheena at ngumiti ng matamis. Pagkatapos niya akong sampalin last time ay hindi na kami nagkakasabay, minsan kahit magkatabi kami sa ibang subject ay hindi kami nagkikibuan. Nagiging cold na siya sa akin. Should I feel guilty? No. Dahil una pa lang hindi ko kasalanan kung minahal ako ni Klein at natuto ko din na mahalin si Klein. Kaya bahala na kung papano ito.
"Sorry to say this pero napakairesponsable naman ng vice natin. Hindi ba siya aware na may meeting tayo at 2:30?" Sabi niya. Huh? 2:30?
Kunot noo kong tinignan ang auditor at napatingin kay Sheena. Ngumisi naman si Sheena at ngumiti ng peke, masasabi ko iyon dahil kilala ko si Sheena.
"Miss Salcedo just calm down okay? Alam niya ang ginagawa niya. Shall we proceed?" Sabi ni Sheena. Biglang kumulo ang dugo ko, 2:30?! Pero ang sabi sa text sharp 3:30p.m kaya naman pala kung makatingin ang ibang officer ay gulat.
Umupo ako ng tuwid at pinikit ang mata sabay sabu sa sarili "Klea kalma lang. Palampasin mo muna ito." saad ko sa sarili ko.
Pinagusapan namin ang set of invitation, kung sino sino ang maaaring maging special guest at motif ng Acquaintance. Masquerade ang theme kung saan magsusuot kami ng mask to cover our face. Black ang white will be the motif. After our discussion ay nagsialisan na ang mga ibang officer.
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at niligpit ang mga gamit ko ng saktong paghawak ko sa phone ay nagvibrate ito. Nang buksan ko.
-Girlfriend nasa labas ako. Kanina pa ako nandito.- Boyfriend
Si Klein pala. Hindi ako naglagay ng pangalan niya, siya ang naglagay niyan. Akmang aalis na ako at tatalikod ng tinawag ako ni Sheena.
"K-klea." Sabi niya. Napatigil naman ako sa paglakad at humarap sa kanya.
"Ano?" Sabi ko. Umiwas naman siya ng tingin tila nag-iisip at tumingin muli sa akin ng nakangisi.
"How was the trip?" Tanong niya at lumapit sa akin.
"Maayos naman." Sagot ko. Ngumiti siya ng mapait at tinignan ako ng masama.
"Masaya bang kasama ang FIANCE ko?" Tanong niya. tingnan ko naman siya ng seryoso dahil sa tanong niya. Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko ng sinabi niya na fiance niya si Klein. Sa halip na sagutin ko siya ay napatahimik na lamang ako, wala akong laban.
"Tandaan mo Klea, alam mong mahal ko si Klein kaya huwag ka ng mangarap pa. Hindi kayo bagay, wala kang ipagmamalaki." Sabi ni Sheena sa akin.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Ayaw ko ng patagalin pa ito, baka mawala ako sa sarili. Ayaw kong magalit. Nang hindi siya sumagot ay tumalikod na ako at papalabas na ng pinto ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sa kanya kasabay ng isang malakas na sampal na galing sa kanya.
"Wala kang respeto. Hindi pa ako tapos sa iyo. Palibhasa hindi ka tinuruan ng nanay mo ng magandang asal, ay oo nga pala inam---" Isang malakas din na sampal ang binalik ko sa kanya. Nagulat siya at napahawak sa pisngi niya tila gulat na gulat.
"Sumobra ka na." Sabi ko ng walang emosyon mata sa mata at tumalikod sa kanya muli at iniwan siyang mag-isa sa room.
Ayaw ko maging mahina ayaw ko. Ako lang ang meron si Naynay kaya hindi ako papayag na maliitin ang taong nag-alaga sa akin simula nawala sina mama at papa.
Hindi ako iiyak, lalaban ako. Magiging matatag ako.
Paglabas ko sa building nakita ko ang mga babae na nagkukumpulan sa labas. Ay oo nga pala si Klein kanina pa nasa labas. Binilisan ko ang paglakad at naabutan ko silang anim na pinipicturan ng mga babae.
Natawa ako sa itsura nila si Jacob at Klein ay nakikipag-usap sa mga babae at nakikipagpicture. Si Angelo ay tipid kung ngumiti, si Rex at Vince naman ay astig at napakacool kung tignan ng lumapat ang tingin ko kay Klein, magkasalubong na kilay ang meron siya sa kanyang mukha.
Napangiti na lang ako, sakto naman at nakita niya ako. Kaya pumunta siya sa akin kasabay noon ay ang pagiging liwanag ng mukha niya.
"Ang tagal mo Girlfriend, tignan mo mukha akong ginahasa." Sabi niya at pinaypayan ang sarili. Napatingin na din sa amin ang mga kasamahan niya at lumapit sa amin.
"Yow Klea, kamusta?" Jacob.
"Ayos naman."
"Madami pa lang magaganda dito." Neil.
"Gago ka Neil." Jacob.
"Dinala kami ni Klein para may kasama siya. Mamataymatay ba naman dahil exc---" Vince.
"Halika ka na. Huwag mo na sila pakinggan." Sabi ni Klein at hinila ako. Napatingin naman sa akin ang mga estudyante at nagbubulungan ng naglalakad kami ni Klein sa kotse niya.
"Gosh swerte ni Klea. Nahawakan siya ni papa Klein."
"Sila ba?"
"Wala na finish na."
At iba iba pang bulungan. Napalingon ako sa likod at sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita ko si Sheena sa likod na masama kung makatingin sa gawi namin na may bahid na lungkot sa mata.
Sorry Sheena, magiging selfish ako sa taong mahal ko.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Jugendliteratur-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...