CHAPTER 47

1.6K 53 0
                                    

CHAPTER 47

KLEIN POV

Maayos na ang lahat nag-usap na si tito at daddy. Lahat ay inasikaso na namin para sa engagement party. Tanggap na ni Dad si Klea lalo na't nalaman niyang ito pala ang nawawalang anak ni tito. Ang daddy ni Sheena ay nasa korte na upang harapin ang mga iba't ibang kasong pinanggawa niya at tinakasan lang, si Sheena naman ay humingi na ng tawad sa akin nung nakaraan lang bago siya lumipat papuntang Italy. Maayos na ang lahat at ready na pero bakit ganon? Akala ko magiging maayos na. Bakit? Bakit hindi niya ako maalala? Akala ko ba wala ng ibang problema si Klea, bakit niya ako nakalimutan?

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Klea. Gabi na at umuwi na sila kanina pa. Si naynay Sanya ay pinauwi at pinagpahinga ko na muna. Ganito lagi ang routine kapag umaga si Naynay mag-aalaga kay Klea kapag gabi naman ay ako. May pasok kasi ako sa umaga. At dahil sa komplikasyon ngayon ni Klea ay hindi namin  nadaluhan ang ball sa school nung Linggo.

"Girlfriend? Bakit hindi mo ako maalala?" Tanong ko as if naman sasagutin niya tanong ko. Napabuntong hininga na lang ako. Humiga ako sa tabi ni Klea, malaki naman ang kama niya since nasa private room siya kaya kasya dito ang dalawang tao.

Habang nakahiga ako sa tabi niya tinitigan ko lang siya. Hindi na siya nagising simula nang himatayin siya kanina. Kanina nagulat ako ng hindi niya ako maalala, nanlamig ang buong katawan ko. Pero ngayon okay na.

Sabi kasi sa amin ng doktor pansamantalang mawawala ang ala-alang gustong ibaon sa limot ni Klea dahil na traumatize siya kaya niya ako nakalimutan at sa ala-alang iyon ay kasama ako dahil ako ang kasama niya sa insidenteng iyon.

Sana nga... sana nga hindi matagalan ang kanyang pagkalimot sa akin. Dahil kung ganoon nga, I'm willing to do everything basta maalala niya lang ako.

KLEA POV

Nagising ako dahil feeling ko hindi na ako makagalaw sa pagtulog ko. Pagtingin ko sa kanan ko, nakahiga siya sa tabi ko habang nakaside view at nakapikit ang mata. Napangiti na lang ako sa itsura niya.

Pinatihaya ko siya sa pagkahiga at inayos ang buhok niya, kita ko ang pagkamaga ng kanyang mata. Galing ata siya sa pag-iyak.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, sino ba siya? Bakit parang feeling ko malaki siyang parte sa buhay ko.

May napanaginipan ako. Isang lalaki, may isang lalaki ako napanaginipan pero hindi ko makita ang mukha niya. Isang lalaking dinala ako sa itaas ng bundok, isang lalaking niyakap ako sa dalampasigan at isang lalaking nakikipaglaban sa mga masasamang tao.

Pero bakit ganoon? Hindi ko makita ang mukha ng lalaking iyon?

Tinignan ko lang si Klein at hinaplos ang mukha niya. Matangos na ilong, mapupulang labi, makinis na mukha. Ghad... paano ko nakalimutan ang lalaking ito kung kilalang kilala ko siya.

"Girlfriend?" Nagulat ako ng nagising siya at hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mukha niya.

Girlfriend? Boyfriend ko ba siya?

"Ahm..." sabi ko at binawi ko ang kamay ko at tumalikod ako sa kanya at tumagilid sa kabila.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Kaya napatigil ako.

"Nahihiya ka ba sa akin? Palagi mo ginagawa yun sa akin. Tuwing gumigising ka." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kaya muli ko siyang hinarap sabay sabing

"Sino ka ba?" Sabi ko. Kita kong napatigil siya at kita ko ang pagkabuo ng luha sa mata niya. Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko. Sa halip na sagutin niya ako ay hinalikan niya ang lang ang noo ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya.

"Gusto kong ikaw ang makaalala sa akin Girlfriend." Sabi niya.

"Matulog ka na. Inaaway mo na naman ako. Bumabawi ka no? Ayos lang. Basta ikaw." Sabi niya sa akin at bumangon siya sa pagkakahiga at inayos ang kumot ko.

"Matulog ka na. Bukas madidischarge ka na. May pupuntahan tayong dalawa." Sabi niya sa akin at hinalikan muli ako sa noo.

"Teka saan ka?" Tanong ko habang hawak ko ang braso niya. Tinuru niya naman ang sofa.

"Sige. Good night." Sabi ko sa kanya.

"Good night Klea." Sabi niya at humiga na sa sofa.

Kinaumagahan pagkagising ko. Wala ng Klein na bumungad sa akin sa kwartong ito, si Naynay na.

"Nay? Nasaan po si Klein?" Tanong ko.

"Nak umalis na siya kanina pa. May pasok pa kasi siya ngayon." Paliwanag ni Naynay sa akin.

May pasok? Tila may humaplos sa puso ko. May pasok siya tapos binabantayan niya ako kapag gabi?

"Ah sige po. Akala ko ba ididischarge na ako?" Tanong ko. Humarap naman si Naynay sa akin. Sa halip na sagutin niya tanong ko ay nilapitan niya ako at niyakap.

"Klea anak, alam mo napamahal ka na sa akin." Sabi ni naynay. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Nay naman mahal din naman kita eh. Bakit kayo nagdradrama?" Tanong ko. Nang naramdaman kong umiyak si Naynay.

"Nay? Umiiyak po ba kayo?" Tanong ko na tila hindi ako mapakali. Habang ngayon ko lang namalayan na nasa sofa pala sina Angelo at Mr.Zapanta na nakaupo habang naka white gown habang may isang magandang babae naman nakaupo sa tabi ni Mr.Zapanta na nakangiti sa akin na mukhang iiyak na.

"Wala lang iha. Tears of joy eto." Sabi ni naynay at bumitaw sa pagkayakap at humarap sa akin na mapula pulang mukha.

"Grabe naman kayo. Akala ko napano na kayo." Sabi ko na lang.

"Iha gusto mo makilala ang mga magulang mo noon hindi ba?" Tanong ni naynay at hinawakan ang kamay ko.

"Opo." At tumango ako.

"Nandito sila. Ayun oh." Turo ni naynay sa gawi nila Angelo. Napalunok naman ako ng wala sa oras.

Nakatayo na sila at lumapit sa gawi ko. "Klea sila ang magulang mo. Hindi sila namatay sa aksidente. Hinanap ka nila at ngayon ka lang nila nakita muli. Ayaw ko maging selfish dahil hindi naman ako ang totoo mong magulang." Sabi ni Naynay.

Napatingin ako sa gawi ni Angelo naka ngiti lang sa akin. Kaya pala magaan ang pakiramdam ko sa kanila dahil sila pala ang totoo kong magulang.

"Anak?" Sabi ng isang ginang na maganda at niyakap ako. Humagulgol siya sa pag-iyak. Kaya niyakap ko din siya at hindi din mapigilan na mapaiyak ako.

"We have the same necklace my twin." Sabi ni Angelo. Isang pendat ang kalahati ay nasa kanya ang kalahati naman ay nasa akin.

"Paano?" Tanong ko ng nakabawi na ang ginang sa pagkayakap sa akin.

"Sila na bahala magpaliwanag sa iyo." Sabi ni Naynay.

Tumango tango naman ako sa bawat liwanag ng Daddy ko daw kunu. Ewan hindi ako sanay pero dapat masanay na ako, lalo na't ang matagal kong pangarap na makita ang totoo kong magulang ay natupad na.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon