CHAPTER 9
KLEA POV
Pagkatapos kong kumain ng hapunan ay naligo na ako. Ang init kasi, baka uulan. Habang naliligo ako mabuti na lang at nakatapis na amo ng biglang nag blackout. Kasabay ng pag blackout ay ang matinding kulog at kidlat ang narinig ko mula sa labas ng bahay.
Napatigil ako sa paggalaw at napatakip na lang sa tenga ko, at napasigaw kasabay ang panginig ng katawan ko sa takot.
Di ko pa nakakalimutan, naalala ko pa. Ganito mismo, ganitong scenario, sa dilim ng daan kasabay ang kulog at kidlat dito kami na kasama aksidente sina mama and papa.
"Girlfriend? Nasaan ka na?!" Tawag sa akin ni K. Di ako makaimik, takot ako. Takot na takot, di ko magawang lapitan si K.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya ng nahawakan niya ang balikat ko. Hindi ko alam pero niyakap ako ni K at niyakap ko na din siya.
Bigla namang bumalik ang ilaw kaya kita niya ang itsura ko.
"Girlfriend? Tahan na, huwag ka ngang umiyak diyan. Para kang bata." Sabi niya sa akin. Siguro kung di lang ako takot ngayon nasapak ko na to.
"Tahan na. Iisipin ko sana na chansing ka kasi nakayakap ka sa akin. Magbihis ka na ng damit." Sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko at pinahiran ang luha ko.
"Okay na." Sabi ko at bumitaw sa kanya at itinulak siya palabas ng banyo.
Paano ako makakatulog nito? May kulog at kidlat. After ko magbihis ay lumabas na ako, si K naman ay nakaupo lang sa upuan.
Dumiretso na ako sa kama ko at humiga, di ako makatulog. Kahit anong posisyon pa ang gagawin ko
"Ang likot mo din eh no? Matulog ka na lang ang likot mo pa." Sabi niya sa akin.
"Ahm..." Paano ko ba to sasabihin sa kanya? Nakakahiya naman kasi.
"Ano?" Tanong niya, tila hinihitay niya ang sasabihin ko.
"Wala--" Di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang kumulog kaya tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Grabe, eto ang pinakaayaw ko sa lahat kapag umuulan.
Naramdaman ko namang may humiga sa kama ko. Since naka side ako facing ang mini table ko, alam kong si K ang tumabi sa akin.
"Girlfriend, matulog ka na nandito lang ako di kita iiwan." Sabi niya at niyakap ako. Dapat magagalit ako sa kanya dahil kung ano ano ang sinasabi pero, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Hinarap ko siya at ang lapit ng mukha niya sa akin. Nagulat naman siya dahil sa biglaan kong pagharap sa kanya.
"Salamat K." Sabi ko at ipinikit ang mata ko habang kaharap siya. I feel secured sa yakap niya. Salamat pa din dahil may multong laging nasa tabi ko.
"Good night Boyfriend." Sabi ko na lang bigla at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya at nilamon na ako ng antok.
KINABUKASAN
*Kkkrrrriiinnngg*Kkkrrrriiinnnggg*
Ang ingay naman. Kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Ang ingay, nang nakuha ko na sinagot ko na agad.
"Hello?" Sabi ko habang nakapikit. Inaantok pa ako.
"Klea! Kyyyaahhh!!! May sasabihin ako sayo." Sabi ng nasa kabilang linya. Kaya tinignan ko kung sino si Sheena pala. Parang kahapon lang umiyak iyak siya tas ngayon ang saya na.
"Urgh...Sheena? Sakit sa tenga ng boses mo." Sabi ko habang naiirita. May narinig naman akong tumatawa sa gilid ko. Kaya dinilat ko ang mata ko at feeling ko namumula ako ngayon.
"Bad mo. Chika kita mamaya. I can't believe it." Sabi niya.
"A-ah s-sige." Sabi ko at inoff ang phone. Si K kanina pa ba to? Ang laki ng ngisi ng loko, problema nito?
"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" Sabi ko. Siya naman ay halatang pinipigilang huwag matawa.
"Wala. Maligo ka na Girlfriend. May pasok ka pa." Sabi niya at natatawa siya. Kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
"Hey ano ba!" Sabi niya at inalis ang kamay ko. Inirapan ko lang siya at padabog umalis sa kama ko.
"Ang weird mo K." Sabi ko. Napatigil naman siyasa sinabi ko.
"K?" Sabi niya. Tumango naman ako at hinanda ang uniform na susuotin ko.
"Boyfriend ang tawag mo sa akin kagabi." Sabi niya. Tinignan ko naman siya at nakanguso lamang siya. Tumawa ako ng mahina.
"Ang weird mo, mukha kang bibe." Sabi ko at pumasok sa cr. Nang tinignan ko siya muli masama niya lang akong tignan.
Bakit ang saya ko ata ngayon? Anong nangyari sa akin?
After ko maligo, inayos ko na ang sarili ko. Ano kaya ang sasabihin ni Sheena?Ang saya niya naman masyado.
"Ang tagal mo magbihis ng damit." Sabi ni K na nakaupo lang sa couch, pababa ako ng hagdan ng may pagkain ng nakalapag.
"Ikaw naghanda?" Tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti.
"Oo. Bilisan mo na diyan. May dadalawin pa ako." Sabi niya. Tumango naman ako at pumunta sa table. Nang tikman ko masarap naman pala, pwede na.
"Masarap." Sabi ko siya naman ay nakatayo lang sa gilid ko.
"Pwede na." Sabi ko. Natatawa ako sa itsura niya ng tinignan ko siya.
"Pwede na? Masarap kaya yan kahit di ko matikman niluto ko." Sabi niya.
"Hahaha oo na." Sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango tango. Isip bata.
"So Boyfriend mo na ako." Sabi niya. Tinignan ko naman siya ng nakataas ang kilay ko.
"Feeling ka?" Sabi ko na lang
"Basta tayo na." Sabi niya umiling na lang ako at natatawa.
"Bahala ka nga diyan." Sabi ko na lang. Ayaw ko makipagtalo sa kanya, maganda ang mood ko kaya ayaw ko mabwisit.
After ko kumain ay napagdesisyunan ko ng pumunta sa school. Si K naman ay panay remind sa akin
"Bawal lumandi sa paaralan ninyo dahil akin ka lang" Siya
"Bakit may lalaki ba doon?" Bara kong sabi sa kanya.
"Hihintayin kita." Siya
"Sige parang aso ka lang." Ako naman.
"Huwag pasaway." Siya
"Mabait to." Ako
"Dapat akin ka lang." Siya
"Oo iyong iyo---" Ano daw?
"Okay sabi mo yan." Sabi niya at ngumiti.
"Wala yun nagkamali lang---" Di niya ako pinatapos sa sasabihin ko
"Ooppss...shhh. Sinabi mo na yun. Ingat Girlfriend." Sabi niya at hinalikan ako sa cheeck ko. Ako naman ay speechles, ano ng nangyari sa akin.
"Pumasok ka na sa school. Bye." Sabi niya at lumaho na siya bigla. Bakit ba ako nagiging ganito? Ghad...
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Novela Juvenil-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...