CHAPTER 5
KLEA POV
Kapagod itong araw na ito, grabe ang daming mga dapat gawin para sa upcoming party namin. Napahawak na lang ako sa batok ko at iniikot ang ulo ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaupo sa study table. Hinahanap niyo si K kung nasaan? Nasa kama ko nakahiga feel at home.
"So ano plano mo sa party ninyo?" Tanong niya sa akin.
"Dadalo. Bahala na." Sabi ko na lang at binuksan ang closet ko upang makapagpalit na ako ng pantulog. Wala akong ganang kumain ngayon, ewan gusto ko lang magpahinga ng maaga. Sa totoo lang hindi ko alam kung dadalo ba ako o hindi. Wala naman akong magagarang damit na pwedeng suotin aside sa dress na binigay sa akin ni Naynay na galing kay Mommy at isang kwintas.
"Ano gagawin mo?" Tanong niya sa akin ng nakita niyang kumukuha ako ng damit. Tinaas ko ang damit na kinuha ko at pinakita sa kanya sabay sabing,
"Magbibihis ako kaya layas." Sabi ko sa kanya. Naningkit naman ang mata niya sa sinabi ko at umupo sa kama. Akala niya nagbibiro ako? Itinaas ko na ang damit ko ng mukhang wala siyang balak umalis ng biglang
"Spg kang babae ka. Eto aalis na." Saad niya at lumaho naman bigla. Natawa na lang ako, ang dali niyang mapaniwala. Sa meeting namin kanina, magkakaroon ng bisita ang school namin, inimbitahan ng may-ari ng school ang mga estudyante sa All Boy School kaya no comment na lang ako.
Habang nagbibihis ako hindi ko maiwasan na isipin kung paano kung bamalik na si K sa katawan niya, maging ganito pa ba din siya? Yung laging may nakabuntot sa akin? Syempre hindi, tao na siya at nasa katawan na siya.
After ko magbihis ay hihiga na sana ako sa higaan ko ng biglang may lumitaw at nagsalita sa gilid ko.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya. Tumalikod ako sa kanya at tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Eto na naman po tayo. Hinihila niya ang unan ko kaya hinihila ko din ito, ganito kami lagi. Lagi siyang kumokontra sa akin, tssk.
"Klea kumain ka nga, hindi yan nakakabuti sa kalusugan mo." Sabi niya. Nang hinila niya ng buong lakas ang unan ko ay binitawan ko ito bigla kay bigla siyang nahulog sa kama. Napatawa naman ako ng malakas, mabuti na lang at wala ai Naynay ngayon na sa kapatid niya siya ngayon nagbabakasyon.
Tumayo naman siya at tinignan ako ng masama. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya ako pinalo palo ng unan kaya sinasangga ko ang sarili ko gamit ang braso ko. Parang tao lang din tong multong ito, nakakahawak. Pambihira.
"Okay tama na. Tama na." Sabi ko na hindi pa din siya tumitigil.
"Bastos kang bata ka. Hinulog mo pa ako sa kama mo." Sabi niya at tinignan lang ako.
"Bahala ka diyan sa buhay mo. Bukas na ako kakain muli. Promise." Saad ko at pumwesto muli sa pagkahiga kung saan ako comfortable na matulog. Feel na feel ko nang matulog ng biglang may nag door bell. Tinignan ko lang si K at siya din ay nakatingin lang sa akin at nagkibit balikat. Bigla siyang naglaho at ako naman ay dali daling bumangon para tignan kung sino ang nagdoorbell.
Paglabas ko ng kwarto ko nasa sala si K at sabay sabing,
"Sino iyon? Lalaki ang nasa labas." Sabi niya. Lalaki? Sino? Nang nakababa na ako ng hagdan ay dinaanan ko lang siya.
Nang tignan ko sa bintana kung sino? Dali dali akong lumabas at binuksan ang gate.
"Brandon ikaw pala!" Sabi ko sa lalaking nasa labas. Si Brandon ay kababata ko, magpinsan daw kami since anak na din turing sa akin ni Naynay. Ang nanay ni Brandon at si Naynay ay magpinsan kaya 3rd cousin na kami.
"Nakadisturbo ba ako Klea?" Sabi niya at pumasok sa loob. Oh di ba feel na feel niya kung pumasok. Sinirado ko naman ang gate sabay sabing
"Hindi naman." At sumunod ako sa kanya ng hawakan ni K ang braso ko.
"Sino siya?" Tanong niya ng nakaningkit ang mga mata kung tignan si Brandon. Problema nito?
"Ah, pinsan ko si Brandon, K." Sabi ko at lumakad na papasok ng bahay. Si Brandon ay anak mayaman kung kaya't nasa All Boys School siya nag-aaral.
"Bakit mo natanong K?" Tanong ko na lang, napatigil ako sa sinabi niya
"Pamilyar siya sa akin, hindi ko lang maalala." Sabi niya tumango na lamang ako at nilapitan si Brandon na nakaupo sa couch. Si K naman ay nakaupo lang sa kabilang upuan at tinitignan kami.
"Anong nangyare sayo bakit ka nandito? Gabi na." Sabi ko sa kanya.
"Wala lang nakakamiss ka din eh. Sabi ni Tita samahan ka daw dito kasi mag-isa ka lang." Sabi niya at hindi ko alam kung guni guni ko lang ba dahil mukhang nakita niya si K.
"Lol. Kaya ko sarili ko Brandon." Sabi ko na lang at umakyat sa hagdan. Tumayo naman si K, mukhang susundan ako.
"Talaga? Saan ka?" Tanong niya at ngumisi. Napataas naman ang kilay ko sa pagngisi niya.
"Matutulog bakit sasama ka?" Sabi ko at bigla na lang nawala ang ngiti sa labi niya. Akala niya maaasar niya ako. Parang hindi niya ako kilala.
"Sige sige goodnight." Sabi niya. Alam niya naman kung saan siya matutulog, bahala siya sa buhay niya.
"Nga pala, lock mo ang pinto ha? Baka mamaya may bading ka ng katabi sa pagtulog." Sabi ko at humalagak ng tawa.
"Tsskk... tumigil ka at pumanik ka na sa kwarto mo." Sabi niya. Tumango naman ako at umakyat na.
Habang nakahiga ako sa kama ko, nakaupo naman si K sa study table ko at tinitgnan ako.
"Ano?" tanong ko nang nahuli ko siyang nakatingin tapos bigla siyang umiwas at umiling iling.
"Wala naman. Sige pahinga ka na." Sabi niya at tumabi sa akin sa kama.
Tatlong araw at dalawang gabi ko na siya nakasama. Mukhang masasanay ako sa presensya na laging nasa tabi ko. Gabi gabi siyang nakabantay sa akin kapag natutulog ako, at minsan alarm clock ko. Amazing din palang may kaibigan kang multo.
"Okay good night K." Sabi ko at ipinikit ang mata ko. Hindi ko alam kung feeling ko lang ba, kasi feeling ko hinalikan ako ni K sa noo ko. Dahil sa pagod ko hindi ko na nagawa pang buksan ang mata ko. Narinig ko pa ang huling sinabi niya na
"Goodnight Klea." at brownout.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...