CHAPTER 33
KLEIN POV
"Hello?" Bungad kong bati sa akin ama. Habang naglalakad ako palayo kay Vince. Upang makapag-isip ng maayos kung baka sakaling may mga itatanong sa akin si Dad.
"How are you Klein?" Tanong niya. Ngumiti naman ako ng peke as if na nakikita niya ang reaction ko ngayon. Wala siyang oras sa amin ni Ate simula bata hanggang ngayon na nasa wisyo na kami. Lagi siyang busy sa kanyang bussiness. Noon sila dalawa ni Mommy ang wala sa bahay dahil sa napupunta sila o pumupunta sa ibang lugar dahil sa kanilang bussiness trip, mabuti na lang at napagdesisyunan ni mommy na ifocus ang sarili na sa paaralan namin at sa iba pa naming bussiness na sakop ng bansang ito.
"I'm fine." Sabi ko.
"Is it true na pinahiya mo ang fiance mo noong dinalaw ka niya sa hospital?" Tanong niya na ikinanuot ng noo ko. Fiance? Hospital?
"W-what? F-fiance---"
"Sheena Montemayor. She is your fiance Klein." Seryosong sabi ni dad sa kabilang linya. Napakumo ko ang aking kamao dahil sa inis. The hell? Fiance?
"Klein ayaw kong bastusin mo ang sarili mong fiance, soon she will be your wife. So treat her better and get to know her." Sabi niya.
"Dad---"
"No more buts Klein. Malaki ang maitutulong nila sa companya natin. Besides Mr.Zapanta's daughter will no longer your fiance." That's bullshit! Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang phone ni Vince, sarap itapon.
"Sheena. I don't like her dad may girlfriend na ako." Sabi ko ng buong tapang habang hawak ang sentido ko dahil sa inis. Tama si ate laging bussiness nila ang kanilang inaatupag pati kami kami dinadamay nila.
"Girlfriend?" Sabi ni Dad.
"Yes. I love her dad, mahal ko siya." Sabi ko habang hinihintay ang sunod na sabihin ni dad. Hindi ako papayag, Sheena? I know her kaibigan siya ni Klea. The moment na bumalik ang ala-ala ko isa si Sheena sa mga naalala ko. Kaya no, hindi ako papayag na magiging hadlang si Sheena o sino man. Mas mabuti ng hindi kami nagkatuluyan ng kapatid ni Angelo, Zapanta is rich kaya siguro gusto gusto ni daddy.
Ilang minuto na ang lumipas hindi pa din nagsasalita si Daddy tinignan ko ang duration sa pagtawag tumatakbo pa ito. So hindi pa ito nakaend.
"Dad hindi ako papayag ayaw kong masaktan ang babaeng mahal ko."Sabi ko ng hindi pa nagsasalita si dad. Nakarinig ako ng tawa, hindi ko alam kung tawang totoo ba pero mukhang tawang insulto iyon.
"Klein, you don't know what love is. Sheena is better for you. Huwag mo akong suwayin dahil anak lang kita kaya sumunod ka sa akin." Sabi niya at inend ang tawag dahil narinig ko ang pagputol ng linya.
Naisuklay ko ang mg daliri ko sa aking buhok dahil sa inis. Wtf? Is he trying to control me? Kahit sa babaeng mahal ko?
"Kle--" inis kong nilingon si Vince kaya hindi niya natapos ang sasabihin niya.
"O eto." Sabi ko at itinapon sa kanya mabuti na lang at nasalo niya. Sabay tingin sa akin na tila nagtatanong.
"How was your conversation goes?" Tanong niya. Nakapamulsa akong naglalakad patungo sa upuan ko at ipinatong ang siko ko sa mesa ng nakaupo ako.
"Don't ask." Sabi ko na lang.
KLEA POV
Lutang akong naglalakad sa daan. Habang pabalikbalik ang nangyari kanina sa cafe shop. Nakakahiya iyon, naiinis ako para sa sarili ko. Pero alam ko sa sarili ko na ginagawa ko lang naman ang tama. Ang tama na ipaglaban si Klein.
Naalala ko ang sabi ni madam kung bakit hindi niya na kami pipigilan ni Klein sa kung anong meron kami ngayon. Pero ang sabi niya sana daw mapakumbinsi ko ang asawa niya. Ang tanong bakit?
Seryoso akong nag-iisip ng may nagbubusina sa gilid ko sabay sigaw na
"Klea! Saan ka?" Tanong sa akin ng isang lalaki. Nginitian ko naman siya.
"Ah uuwi na bakit?" Tanong ko. Dahan dahan lang ang kanyang pagmaneho upang makausap kami.
"Sumabay ka na." Sabi ni Jacob sabay tigil ng kotse at bukas ng pinto sa passengers seat. Napatigil naman ako at ngumiti sa kanya.
"Maraming salamat pero ayos lang ako kaya ko pa naman maglakad." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin sabay kamot sa kanyang ulo.
"Naku Klea, hindi ba malayo pa ang condo ni Klein dito tiyak na magwawala iyon kapag maabutan ka niyang wala pa sa condo niya. Lalo na't Sabado ngayon." Sabi niya na ikinatigil ko sa paghinga kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Paano ko nalaman? Syempre kababata ko ai Klein." Sabi niya sabay kindat sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanya, nakakailang. Kahapon lang ako dumating sa condo ni Klein tapos alam na agad ng mga kaibigan niya? My Ghad.
Nang hindi pa ako gumalaw sa aking kinatatayuan ay lumabas ng pilit si Jacob sabay hila sa braso ko at pinasok ako sa loob ng kotse niya.
"Huwag ng makulit Klea hindi ka na bago sa amin. Lalo na't girlfriend ka ni Klein." Sabi niya at nagsimula na magdrive.
Simula ng inamin namin sa kanila ang nangyari sa amin ni K hindi sila makapaniwala na doon nagsimula ang storya namin ni Klein, kung paano kami nagkilala sa isa't isa at paano kami naging magkasintahan.
"Nga pala, may itatanong pala ako." Sabi ni Jacob na ikinatingin ko sa kanya.
"Ano iyon?" Tanong ko. Mukha kasing seryoso ang tanong niya dahil napakaseryoso ng mukha niya.
"Ahm... paano ba ako magsimula."Sabi niya sabay tingin sa gawi ko habang nagmamaneho.
"Lol ako na lang magtatanong." Sabi ko sa kanya.
"Sige na nga mamaya na lang. Ano iyon?" Sabi niya.
"Nasaan ang mga kasama mo? Himala ata at mag-isa ka ngayon?" Tanong ko. Tumawa naman siya ng mahina na sakto lang ang lakas.
"May ginagawa sila. I mean lahat kami ay may inaasikaso. Basta mahirap ipaliwanag." Sabi niya. Since mukha wala siyang planong magsabi tumahimik na lang ako sa tabi. Minsan nahuhuli ko pang tumitingin sa akin si Jacob pero ngumingiti lang siya sa akin.
Hanggang sa binaba niya na ako sa building kung nasaan ang condo ni Klein.
"Maraming salamat Jacob." Sabi ko. Tumango naman siya, akmamg lalabas na ako ng hinila niya ako kaya napaupo ako muli sa upuan.
"Teka... may itatanong ako. Magsabi ka lang ng totoo."Sabi niya ng seryoso. Napalunok naman ako ng laway dahil sa expression sa mukha niya.
"Ano iyon?" Saad ko.
"Mukha ba akong bad boy talaga? Sinong mas gwapo sa amin ni Neil?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya siya naman ay halatang pigil ang pagtawa.
"Baliw. Oo mukha kang bad boy pero mabait ka naman. Gwapo? Hindi ko masaaabi na gwapo ka pa kay Neil at hindi ko din masasabi na pangit ka, in short balance lang." Sabi ko sabay tawa ng mahina.
Napailing naman siya ng sagot at binitawan na ang siko ko.
"Sige ingat Klea, mauuna na ako."Sabi niya at nagmaneho na. Tinignan ko ang relo ko kung anong oras na at 3 na ng hapon, grabe ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako kunakain.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...