CHAPTER 14

1.7K 74 7
                                    

CHAPTER 14

KLEA POV

Pagkapasok namin sa office napamangha ako. Ang linis at parang babae ang nagstastay sa office na ito. Napaka organize ng lahat ng gamit.

"Have a sit ladies." Sabi naman ni Neil sa amin. Umupo naman kaming dalawa ni Sheena at nagkatinginan na tila nag-uusap kami gamit ang mata namin.

Umupo naman silang apat habang si Rex ay dumiretso sa kusina ata? Ang ganda ng office nila malaki kaysa sa amin kubg ilibot mo ang paningin mo may anim na pintuan kang makikita, nasa gitna kami nakaupo kung saan parang sofa at may kusina ata sa gilid kung saan pumasok si Rex. As in wow ang linis dito wala kang makikita na dumi.

"Done checking Vice?" Sabi sa akin ni Jacob at ngumiti lang. Mukha siyang anghel ngunit dahil sa band aid mukha siyang badboy.

Napatingin naman ako sa kanila at nakatingin din pala sila sa amin maski si Sheena na mukhang pinipipigilan na huwag matawa. Tinaasan ko naman sila ng kilay at nagcross arm. Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Angelo. Mabuti na lanh at hindi niya na hawak ang cellphone niya.

"So ano ang masasabi mo?" Tanong ni Neil at nakacross legs pa. Kumunot naman ang noo ko, is he pertaining sa reaction ko ng pumasok ako dito?

"Malinis. Organize." Iyon lang ang nasabi ko.

"Pagpasensyahan niyo na si Klea ganyan talaga yan." Saad naman ni Sheena. Tumango naman si Vince at ngumiti sa kanya.

Bale may dalawang single couch at may pangdalawahan at may mahaba so face to face kami lahat. Bigla naman dumating si Rex at nilapagan kami ng Tea sa table at ngumit sa amin.

"So shall we start Ms.President?" Tanong ni Vince. Tumango naman si Sheena at nagsimula na siya.

Okay naman ang pinag-usapan nila, tahimik lang ako dahil ayaw ko na makialam pa. Nakakabagot nga lang mapapanis ang laway ko dito.

Nasaan na kaya siya? Hindi siya nagpaparamdam? Nakakamiss tuloy.

"Okay na ba Klea?" Tawag sa akin ni Sheena kaya tumango na lang ako bilang pagsangayon as if nakikinig ako. After sa discussion ay nagpaalam na ang ibanv lalaki dahil may pupuntahan pa daw sila kaya ako, Sheena, Vince, Angelo at Rex kami na lang ang naiwan dito.

"Maya na kayo umalis dito na lang muna kayo. Excuse naman pala kayo sa klase ninyo. Magluluto si Rex dito na kayo para makapagmeryenda kayo bago umalis." Saad ni Vince.

"Sige. Ano bang niluluto mo?" Tanong ni Sheena kay Rex. Tipid at si Rex magsalita tumayo naman siya at hinila si Sheena. Si Vince naman ay nagpaalam saglit at pumasok sa isang kwarto ata kaya ako at si Angelo na lang ang naiwan. Busy si Angelo sa cellphone kaya inaliw ko ang sarili ko at tinignan ang mga nakadikit sa wall nila.

"List of the officers? Top 10?" Sabi ko at tinignan ang mga name na nasa liatahan.

Top 10
1. Thorn, Brandon................99.93%
2. Villamor, Klein.................99.92%
3. Mendez, Vince..................97.00%
4. Zapanta, Angelo...............97.01%
5. Reid, Jacob........................96.00%
6. Cast, Neil...........................96.56%
7. Ledesma, Rex....................96.01%

Lahat sila? Lahat silang lima nakapasok sa top 10? Nakakahanga matatalino pala sila. Kahit yung parang badboy matalino pala, akala ko kasi title lang ang meron siya matlino din pala.

Brandon? Pinsan ko top 1? Well matalino talaga yun. Kaya kasundo ko siya sa lahat ng mga pinsan ko. Siya lang kasi ang mabait sa akin yung iba kasi galit malay ko sa kanila. Pero sabi ng pinsan ko noon may lagi daw siyang nakakaaway dito hindi ko nga lang kilala kung sino.

Top 2 is Klein Villamor?

*Lubdub*lubdub*

Bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Ang o.a Bakit top 2? Hindi ba siya ang president? Sa kanila itong school akalain mo nga naman na beat siya ng pinsan ko.

"Lahat ng nandiyan ay matatalino kaya huwag ka ng magtaka kung bakit kami ay nasa SSC." Nagulat ako ng may katabi na pala ako. Paglingon ko si Angelo lang pala at sakto malapit ang mukha niya sa akin.

"A-ah oo nga eh." Sabi ko na lang at ibinalik ang tingin ko sa list.

"Alam mo magkaugali kayo ni Klein. Nakakatawa nga lang." Sabi niya. Klein na naman? Sino ba siya?

"Si Klein ay kababata ko. Kaming lima na nandito kanina ay kababata ni Klein mula bata." Sabi niya.

"Sino ba si Klein? Lagi ko na yan naririnig pero hindi ko siya kilala." Saad ko. Nagulat naman siya at tumawa.

"Akalain mo nga naman may babae pa palang hindi kilala si Klein. Teka hahanapin ko ang album---" Hindi natapos ang sasabihin ni Angelo ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawa na may ngiti sa labi.

"Dudes! He's awake." Sigaw ni Neil habang kasunod niya si Jacob. Huh? Ano daw?

"Ano? Gising na ang presidente?" Sabi ni Rex. Himala at nakakapagsalita pala ito.

"When?" Tanong ni Sheena at mukhang excited. Malamang fiance niya iyon eh. Nakakapagtaka bakit mukhang hindi alam ng kababata ni Klein na may fiance na siya.

"Kanina lang." Saad ni Vince habang lumabas sa kwarto niya at hawak ang phone niya.

"Tita had just called me." Sabi niya at winasiwas ang phone niya.

"Bago iyan let's eat first." Saad ni Rex at pumasok sa kusina. Hinila naman ako ni Jacob at dinala sa kusina.

Ang ganda nilang tignan. I mean, ang ganda ng pakikitungo nila sa isa't isa. Parang magkakapatid ang turingan nila, ang ganda ang saya nila. Bakit feeling ko nanliliit ako kapag kasama sila. Isama mo pa si Sheena na anak mayaman. Napabuntong hininga na lang ako at sana ganito din kami. Kami ng pamilya na meron ako ngayon.

"Klea sit down." Sabi ni Neil at pinagbuksan ako ng upuan. Ang ganda ng kusina nila. Malaki parang bahay na ito.

"Huwag kayo mahiya feel free we don't mind kahit malakas pa kayo kumain." Sabi ni Rex tumawa naman ang mga boys.

"We are in the same school iba't ibang campus nga lang. Pero still we need to treat each other like brother and sisters." Sabi naman ni Neil.

"Amen bro." Sabi sa kanya ni Jacob na nasa tabi ko habang hinahainan ako ng pagkain.

"Gago ka bro." Sabi naman ni Neil.

Ngayon ko lang na realize na nakangiti n pala ako habang tinignan sila sa kanilang simpleng pag-uusap. Ganito pala kapag may kakilala kang lalaki, they treat you as if you're a princess. Maski si Sheena wala ng masabi dahil napakagentleman nilang lima.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon