CHAPTER 26
KLEA POV
Nakaupo ako sa upuan malayo ka Klein. Nasa private plane kami at kasama niya ako. Gabi na at hindi ko alam kung saan kami pupunta. May mamimiss akong lesson sa klase, hay naku. Paano na ito? Kailangan ko magsariling sikap ngayon lalo na't alam kong wala na akong maituturing na kaibigan sa school.
"Paano na ito? Eh kung tatakas na kaya ako?" Sabi ko sa sarili ko. Sinilip ko naman kung saan nakapwesto si K. Nasa likod lang siya at nakapikit ang mga mata tulog ata mabuti kung ganon. Hindi pa naman lumilipad ang airplane kaya maaari pa akong lumabas.
Akmang tatayo na ako at dahan dahan gumalaw upang hindi makagawa ng ingay ng minulat ni K ang kanyang mata kaya saktong nagtama ang mata namin.
"Anong plano mo? Tatakas ka? Hindi ka makakalabas." Sabi niya at ipinikit muli ang mata. Napanguso na lang ako sa sinabi niya at umupo ng pabagsak.
Wala akong magagawa. Kanina inaway niya ako napagdesisyunan ko na nga kaninang tanggapin na kinalimutan niya na ako tapos ngayon eto kamo magkasama na naman. Iiwas na dapat ako sa kanya at gagawin na lamang ang trabaho ko bilang instant yaya niya tapos eto siya pinapahirapan ako.
Isinandal ko na lang ang ulo ko at ngumiti na lang ng mapait, sabay tanong sa sarili.
Bakit? Ako ang mahihirapan kapag hindi ako lalayo kay K. Fiance niya si Sheena magmukha akong kontrabida sa storya nila. Ano na gagawin ko? Siguro, dapat ilagay ko sa isip na wala na talaga Sir ko siya kaya dapat tratuhin ko siya bilang Sir ko total binabayaran naman nila ako.
"Uupo ako dito sa tabi mo." Napatingin sa gilid ko ng may tumabi sa akin.
"Klein?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin, yung tingin na kilala ko dati. Yung tingin na matagal kong ninanais makita muli.
"What? Baka kasi tatalon ka. Kaya dito ako." Sabi niya at ipinikit ang mata niya. Wala naman akong sinabi ah?
"Baliw." Sabi ko na lang at ipinikit ang mata ko. I guess wala na akong magagawa siguro ienjoy ko na lang muna ang pagbakasyon na kasama siya.
KLEIN POV
Mahimbing siyang natutulog. Mala anghel ang mukha hindi pa din nagbabago. Naaalala ko na, lagi ko siyang tinititigan noon bago siya matulog tuwing gabi at nung oras na umulan at umiyak siya. Naaalala ko.
Sa ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na eto ako, boyfriend niya. Na hindi nakaalala sa kanya. Gusto ko siyang kausapin pero wala akong lakas na loob.
Kinumutan ko siya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko. I wanted to say sorry sa ginawa ko. Not now, babawi ako.
JACOB POV
Bumaba ako ng hagdan at nakita silang masayang nag-uusap kasama ang ate ni Klein. Nasa labas sila kung saan makikita ang beach at ang mga taong naliligo.
Resort nila Rex eto at ang daming mga dayo bumibisita dito. No wonder kung bakit sikat ito.
"Ang tagal naman ni Klein." Muktol na sabi ni Angelo at nakalumbaba ang mukha sa table nila.
"Si Klein o si Klea ang hinihintay mo?" Sabi naman sa kanya ni Rex habang nilalagayan ng tea ang mga baso.
"Naku Angelo naunahan ka na ni Klein doon." Sabi naman ni Neil at tinignan lang siya ni Angelo ng seryoso.
"Naku kayo ha? Hindi ba pati kayo kanina pa tinatawagan ai Klein? Tinatanong ninyo kung nasaan na sila?" Sabi ni Kass at ininom ang tea. Nagsitingan naman ang apat, paano nalaman ni Kass?
"Uy Jacob gising ka na pala, di ba no?" Sabi ni Kass. Tumango naman ako at tumawa naman si Kass. Aba malay ko ba, sumang ayon na lang ako baka mamaya papagalitan ako ng babaeng ito.
Umupo ako sa tabi ni Rex at tinignan si Kass. Bata pa lang kaming anim siya ang nagsisilbing ate naming anim. Maganda si Kass at mabait kaya mataas ang respeto namin sa kanya, nakakatot lang nga siya pati si Klein walang binatbat kapag ang ate niya na ang makalaban niya.
Ang tagal naman nila Klein. Ano na kaya ginawa ni Klein kay Klea? It's already 6 in the morning then hindi pa sila nakaabot? Alam namin 10 sila ng gabi umalis. Wala namang traffic sa itaas, sabi ni Klein malapit na sila, what took them so long?
Klea, Klea is familiar. I mean before ko pa siya nakita sa school namin kasama ang babaeng kasama niya. I think nakita ko na si Klea hindi ko lang maalala kung saan. Ang gaan ng loob ko kay Klea, she's cute honestly. Naagaw niya ang attention ko nung unang kita ko siya paaralan. She's different, totally different sa ibang babae na nakilala ko. She act differently and yung reaction niya kay Vince sa school noon hindi ko makalimutan, it seems wala siyang pakealam. Hindi ko inaasahan na ganon lang ang reaction ni Klea kay Vince pati na din sa amin. Other girls are drooling kapag nakita kami o di kaya nagpapansin, kaya I find her interesting.
"Nandito na pala sila." Sabi ni Kass kaya napatingin ako sa mga nagong dating. It's Klein at si Klea. Hawak hawak ni Klein ang braso ni Klea habang si Klea naman ay walang magawa, napangiti na lang ako sa itsura ni Klea.
Kumaway naman sila kaya kumaway na din ako. Nang napatingin si Klea sa direction namin biglang lumiwanag ang kanyang mukha at ngumiti sa amin. Napatingin naman sa kanha si Klein dahil hindi na ito naging malikot pa sa halip ay kumaway pabalik si Klea sa amin.
"Oh? Bati na pala ang dalawa?" Sabi naman ni Neil kaya nabatukan siya ni Angelo. Tinignan ko si Kass nakakunot ang noo nito dahil sa narinig niya.
"Ano sabi mo Neil? Sino nagkabati?" Tanong ni Kass.
"A-ah eh--"
"Don't you dare lie." Banta sa kanya ni Kass. Napalunok naman si Neil sa sinabi ni Kass.
"Pinagalitan ni Klein si Klea kahapon dahil sa vase but I think maayos na sila." Sabi ni Rex at umupo na sa upuan niya at uminom ng tea. Lahat naman kaming apat ay napatingin kay Rex, bakit ang straight forward niya masyado? Lagot ai Klein.
"Ginawa niya iyon kay Klea? Lago sa akin ang lalaking iyon. Walang respeto sa babae." Sabi ni Kass habang pinapalo palo ang palad. Kulang na lang may apoy na lumabas sa tenga niya.
Good luck kay Klein.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...