CHAPTER 46

1.5K 45 0
                                    

CHAPTER 46

SHEENA POV

Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang gagawin ni Daddy. Nasaktan at natamaan ng bala ang kaibigan ko.

"Dad please tama na. Tama na dad." Sabi ko at lumuhod na ako sa harapan niya upang patigilin niya ang kanyang mga plano.

He's desperate enough na ipakasal ako sa anak ng Villamor were in fact hindi naman namin mahal ang isa't isa.

"Stand up Sheena. Naririnig mo ba ang sarili mo? Ha?!" Sigaw na may halong galit na sabi ni Dad.

"Dad tama na! Hindi mo naman iniisip ang kapakanan ko eh! Tanging kayamanan mo lang. Dad, I want to be with the man na kaya akong mahalin ng totoo. Not to push me to someone na hindi ako mahal! Lagi na lang kayamanan ang inaatupag at iniisip mo, ako? Sarili mong anak hindi mo man lang inisip kung ano ang mararamdaman ko." Sabi ko at tumayo na ako sa pagkaluhod kasabay ay ang pagtulo ng luha ko sa mga mata.

Punong puno na ako.

"And what? Are you not even satisfied na nasaktan ko ang nag-iisang kaibigan ko? Hindi lang sa emotional kung hindi pati sa physical. Dad, hindi ka ganyan Daddy. Kung nandito lang si Mommy hindi siya magiging masaya sa pinanggagaw mo." Sabi ko.

Hindi naman nakapagsalita si Daddy, habang ang mga kasambahay namin ay nakikinig sa sigawan namin dito sa sala.

"Aalis na ako. Kung hindi mo kayang respetuhin ang desisyon ko, aalis na ako dahil pagod na ako."

"At saan ka pupunta? Nagmamatigas ka sa akin?" Sabi ni Dad na may galit sa kanyang boses

"Sa lugar kung saan hindi mo ako magawang sundan. Don't worry, alam kobg itatakwil mo ako bilang anak. Handa na ako diyan. Mauuna na ako." Sabi ko sa kanya habang lumuluha na naman ang mata ko kasabay sa pagtalikod ko ay ang paghubad ko ng kwintas na ibinigay niya sa akin nung nag 18th birthday ako. Inilipag ko ito sa glass table at tinalikuran siya.

Sapat na man din siguro ang mga ipon na pinag-ipunan ko para makapagsimula ng bago, ngunit bago iyon kailangan ko muna makausap ang babaeng minahal ko ng lubusan at nasaktan ko din ng todo todo kahit minsan at sinusungitan niya ako.

Madaming paliwanag akong sasabihin kay Klea sana maintindihan niya ako at mapapatawad sa mga ginawa ko. Sana hindi pa huli ang lahat at maibalik ang aming pagiging magkaibigan.

KLEA POV

Unti unti kong minumulat ang mata ko ng dahan dahan. May naririnig kasi akong ingay sa pagtulog ko.

Sa pagbukas ko ng mata ko, puting kisame ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Naynay na may kausap na doktor.

"N-nay?" Sabi ko. Napatigil naman sila sa pag-usap ng lalaki at napatingin sila sa gawi ko.

"Klea anak! Gising ka na." Ngiting sabi ni naynay habang nilalapitan ako. Lumapit din sa amin ang doktor at chinek ako.

"Ano po ba ang nangyari?" Takang tanong ko. Habang tinutulungan akong umupo ni naynay sa kama.

"Klea---"

"Wala ka bang naaalala Klea?" Tanong ng  lalaki sa akin. Nang isang Doktor. Napatigil ako sa tanong niya.

"Anong walang maalala? Magtatanong po ba ako kung may naalala ako?" Tanong ko.

Sinampal naman ng mahina ni naynay ang braso ko.

"Klea umayos ka." Pinanlakihan ako ng mata ni naynay. Kaya tumango na lang ako.

"Pasensya na Mr.Zapanta ganito talaga ang babaeng ito, philisopo paminsan minsan." Sabi ni Naynay. Ngumiti lamang ang lalaki at hinawakan ako sa ulo.

Nakaupo siya sa kama ko at hindi ko alam bakit feeling ko parang safe ako sa ginagawa niya. Parang gusto kong ginaganon niya ako.

"Ano Klea? May gusto ka bang kainin? Nauuhae ka ba?" Sabi ni Naynay. Habang nakatingin kay Mr.Zapanta.

"Nay ayos lang ako. Tubig na lang po." Sabi ko. Uhaw na uhaw ako, feeling ko ilang araw na ako hindi nakainom ng tubig. Tumango naman si Naynay at lumabas sa kwarto pagkatapos magpaalam kay Mr.Zapanta.

"Ahm..."

"Ayos na ba pakiramdam mo Angela ay mean este Klea?" Tanog ng Doktor.

"Ayos naman po. Bakit po ba ako nandito? Huling natandaan ko nasa paaralan ako at wala na akong maalala." Sabi ko. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Wala ka maalala? I thought hindi maaapektuhan ang ala-ala mo? Anyways magpahinga ka muna Klea. Okay?" Sabi niya at tumayo na sa pagkakaupo sa kama.

"Okay po." Sabi ko. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kilala ko ba siya?

Bago pa muli magsalita si Mr.Zapanta biglang bumukas ang pinto kasabay noon ay rinig ko ang pag-uusap ng mga bagong dating na kalalakihan. Kaya napasilip ako kung sino sila.

"Yow Klea. Mabuti at gising ka na." Sabi ni Jacob at nilapitan ako at umupo sa tabi ng kama na may upuan.

"Yeah." Sabi ko.

"Kailan ka nagising Klea?" Tanong ni Rex habang nilalagay ang prutas sa ibabaw ng mesa.

"Ahm..." wala akong masabi. Hindi ko alam.

"Kakagising niya lang." Sabi ni Mr.Zapanta habang nakatayo at nakatingin sa akin.

Muling bumukas ang pintuan at may dalawang lalaking pumasok.

Ang isa ay napatigil sa paglakad na tila gulat ng makita ako ang isa naman ay nakangiti lang sa akin.

"Kk! Gising ka na!" Sabi ni Angelo at inambagan ako ng yakap. Habang ang isa ay nakatayo at lumakad papalapit sa amin.

"A-aray ko A-angelo. Yung sugat." Sabi ko.

"Ay pasensya na." Sabi niya at kumawala sa yakap.

"Ilang araw kang tulog Klea. Pinag-alala mo kami lahat. Wala ka na bang masakit na nararamdaman huh? Kumain ka na ba?" Sabi naman ng isa. Kita ko ang pag-alala sa mukha niya.

Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya pilit kong inaalala kung sino siya. Pero wala akong maalala.

"Klea? Ano? Sumagot ka nga." Sabi niya habang hinawakan ang kamay ko. Nanatili naman akong tahimik at tinignan lang siya. Tahimik naman ang mga kasamahan niya at nakatingin lang sa akin.

"Klea are you feeling okay? Sabihin mo kung may narara---"

"Sino ka?" Sabi ko sa lalaking sa harapan ko at putol kong sabi kay Mr.Zapanta. Nakita ko naman ang pagkagulat niya sa tanong ko, maski ang mga kasamahan niya.

"Klea huwag ka nga magbiro ng ganyan. Ilang araw mo na ako pinapaalala." Sabi ng lalaki. Kita ko ang kaba sa mga mata niya. Pilit kong inaalala kung sino siya pero wala kahit pangalan niya hindi ko maalala.

"Klein. She doesn't remember you." Sabi ni Mr.Zapanta.

Napaluwag naman ang pagkahawak niya sa kamay ko at lumayo siya ng kunti sa akin. Sa pagbitaw niya ng kamay ko, bakit parang matagal ko na siyang kilala? Bakit parang nasasaktan ako ng binitawan niya ang kamay ko?

"How? Akala ko ba maayos siya?" Sabi ng Klein daw ang pangalan sa akin.

Habang ako pilit ko inaalala kung sino siya sa buhay ko ng biglang kumirot at sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko ng may narinig ako sa ulo ko mga putok ng baril.

"Klea ayos ka lang?" Sabi ni Neil sa akin habang hawak ang balikat ko. Tumango naman ako.

"Masaki---" bago ko pa masabi ang sasabihin ko ng bigla nandilim ang paningin ko.

"Girlfriend!" Ang huling narinig ko at unti unti na akong nawalan ng malay.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon