CHAPTER 19

1.7K 68 2
                                    

CHAPTER 19

KLEA POV

Bagsak balikat ako naglalakad patungong vending machine. Next week na pala ang finals namin. Kailangan ko na naman mag sunog ng kilay para mataas ang kuha ko. Buong maghapon ako nagbasa ng libro, ngunit walang pumapasok sa isipan ko.

"Klea!" Napalingon ako kung sino ang tumawag sa akin. Si Sheena pala.

"Bakit?" Sabi ko na lang.

"Balita ko doon ka nakatira kina Klein?" Tanong niya sa akin. Bakit iba si Sheena ngayon? Kaninang umaga hindi niya ako pinansin mukhang iniiwasan niya ako. May mali ba sa akin?

"A-ah oo." Sabi ko na lang at kumuha na ng kape.

"I just want to remind you Klea, Klein is my fiance. Hindi ako papayag na aakitin mo siya." Sabi niya sa akin. Napatigil ako sa sinabi niya. In all my life ngayon lang ako nasabihan ng ganyan. Kunot noo kong tinignan si Sheena mata sa mata at walang ekspresyon.

"Aakitin? Bakit? Sa tingin mo may ganyang ugali ako Sheena? Hindi ko kasalanan kung ang fiance mo ay magkakagusto sa akin. Kilala mo ako, hindi ako gumagawa ng motibo para akitin ang isang lalaki." Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mata. Ano ito? Dahil kay K mag-aaway kami? Ay oo nga pala, ipaglalaban ko ang lalaking mahal ko.

*pak*

Napahawak ako sa pisngi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya habang hawak ko ang pisngi ko.

"Hindi kayo bagay. Nasa mataas si Klein at ikaw nasa mababa ka lang. Wala kang maipagmalaki sa kanilang pamilya, ako meron. Hindi ko akalain na ikaw ang unang sisira ng pagkakaibigan natin." Sabi niya. Tumawa na lang ako ng mapait sa sinabi niya.

"Sheena? Hindi na kita kilala. Ibang iba ka sa Sheena na kilala ko. Tama ka mas mabuti pang layuan mo ako. Ganyan naman talaga, hindi ka marunong makinig." Sabi ko at iniwan siya doon. Tila piniga ang puso ko sa mga bawat salita na binitawan niya. Mabuti na lanh at wala na masyadong estudyante dito sa school kundi baka kinabukasan ay pagchichismisan na naman ako ng mga tao dito.

Naramdaman ko na lang ang pagbuo ng luha sa mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Dahil ba ito kay Sheena? Hindi ko akalain na iyon pala ang dahilan ng kanyang pagkatahimik kanina. Dahil pala kay K.

Hinayaan ko na lang tumulo ang luha ko, kainis naman eh. Kaya ayaw ko magkaroon ng kaibigan pero kinonsider ko si Sheena kasi akala ko iba siya sa iba naming magkaklase.

Nang bigla akong nabangga sa isang pader. *Sniff*sniff*

Bakit may pader dito sa daan? May construction ba? Inangat ko ang ulo ko at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Tinignan niya ako ng kunot noo at seryoso. Anong ginagawa niya dito sa school namin?

May kinuha siya sa bulsa niya at lumapit sa akin. Pinahiran niya ang mga kuha ko.

"Vince?" Sabi ko na lang.

"Bakit ka umiiyak Klea? Sino nagpaiyak sa 'yo?" Tanong niya sa akin ng napahiran niya na ang luha ko. Yumuko naman ako at umiwas ng tingin. Ayaw ko na may nakakakita sa akin na umiiyak ako feeling ko ang hina ko.

"Klea?" Tanong niya at hinawakan ang mukha ko. Kanina ang galit na itsura niya ay biglang naging malambot ng nakita niya akong umiiyak.

"Wala ito." Sabi ko at lumayo sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na tila nagtatanong pero kalaunan ay ngumiti na siya sa akin.

"Okay sabi mo. Huwg kang umiyak para kang bata." Sabi niya sa akin at hinawakan niya ang ulo ko at ginulo.

"Aist Vince naman eh! Ginugulo mo buhok ko." Sabi ko. Matangakd si Vince pero mas matangkad si K sa kanya. Tumawa naman siya dahil siguro sa itsura ko.

Nagulat ako ng may humila sa akin at hawak ang braso ko.

"Pandak nandito ka lang pala." Pagtingin ko kung sino ang humilasa akin.

*lubdub*lubdub*

"K?" Tanong ko. Tumingin naman ako kay Vince tila nagtataka siya pero ngumiti naman siya pagkatapos.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Vince. Tumango naman ako. Habang si K naman ay umiling at binitawan ang braso ko.

"Hindi. Siya ang instant nurse na sinasabi ko sa inyo. Para ngang nakalunok ng mic." Sabi ni K kaya binatukan ko. Pigil na tawa naman ang ginawa ni Vince.

"Aw I see Klein. Ang cute naman ng nurse mo." Sabi ni Vince at hinawakan ang pisngi ko at kinurot kurot.

"Aray ko naman Vince. Masakit ah." Sabi ko. Kunot noo naman si K sa nakatingin kay Vince at inalis ang kamay.

"Vince don't touch her." Sabi ni K. Natigilan naman ako sa sinabi ni K. Maski si Vince ay nagulat sa ginawa ni K. Parehas kaming tumingin kay K tila hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"A-ah baka saniban ka sa kaingayan niyan." Sabi ni K at nauna nag lumakad sa amin.

Bigla naman siyang lumingon ng hindi kami sumunod sa kanya. Bumalik siya at hinila ako.

"Uuwi na kami. Ikaw na bahala Vince makipag-usa sa presidente dito." Sabi ni K. Tinignan ko lang si Vince habang palalayo kami ni K. Hila hila niya kasi ako kaya I just mouthed "Thank you" kay Vince sa ginawa niya kanina.

Tumingin naman ako sa braso kong hawak ni K. Diretso lang siyang tumingin sa daanang tinatahakan namin at seryosong naglalakad. Bakit parang iba ang ugali ang ipinakit niya kanina. Nakakapagtaka naman ata. Kaya ngumiti na lang ako.

Nahuli naman akong nakangiti ni K kaya pagdating namin sa kotse

"Anong nginingiti ngiti mo diyan? Hindi ka pwede magkagusto kay Vince. Hindi kayo bagay." Sabi niya sa akin at pumasok na siya sa passenger seat.

Anong problema doon? Hindi naman talaga ako magkakagusto kay Vince. Nauna na kasi si K sa akin, nangako pa nga siyang sabay naming babalikan ang lugar kung saan niya ako dinala.

He's weird akala ko nga expectation ko is papagalitan niya ako kasi kinausap ko kaibigan niya tapos galit siya kasi ngumingiti ako dahil kay Vince daw? Baliw to. Pumasok na ako sa loob ng kotse at hindi na siya kinausap, mas better na ang ganito muna. Baka kasi magulat siya kapag biglain ko siya.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon