CHAPTER 39

1.5K 59 5
                                    

CHAPTER 39

SHEENA POV

"Dad di ko na po kaya. Ako lang ang masasaktan kung ipilit ko ang sarili ko sa kanya." Saad ko.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi ko, napahawak na lang ako dahil sa hapdi at sakit.

"Papakasalan mo ang anak ng pamilyang Villamor. Makakatulong sila sa atin anak at alam mo iyon." Saad ng aking ama. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata at tinignan siya ng seryoso, simula ng nawala sa buhay namin ni daddy si mommy naging ganito na siya. Naging mukhang pera na siya, mas importante ang pera kaysa sa akin na anak niya.

"May mahal siyang iba. Yes dad I like Klein but not to the point na magmamakaawa ako na mahalin niya ako pabalik Dad." Saad ko habang nakatingin sa kanyang mata na kahit anong oras ay handa siyang manakit.

Like, oo I like Klein. Hindi ko matatawag na pagmamahal ang nararamdaman ko kay Klein dahil hanggang paghanga lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong pilit pa ang gawin ko at magpanggap na mahal ko siya, wapa pa din. Hindi ko ginusto na magka-away kami ni Klea pero dahil kay daddy nawala iyon. At alam kong iba na ang tingin sa akin ng kaisa isa kong kaibigan.

Hindi ko na hinintay ang sunod na sasabihin niya sa akin. Tumalikod ako sa kanya at lumabas sa kanyang office. Bata pa lang ako ng namatay si mommy dahil sa cancer, alam kong galit si daddy sa pamilyang Zapanta dahil hindi naging successful ang pag-opera kay mom. 10 years ago ng nawala si mommy.

Wala akong mapapala kung mananatili ako sa mansyon kaya mas minabuti kong lumabas na lang muna ng bahay upang mailabas ang hinakit ko. Siguro kung hindi kami magka-away ni Klea ay nasabi ko na sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko ngunit alam kong iba ang sitwasyon namin ngayon.

Sa labas ng bahay namin ilang metro may mini park, kaya napag-isipan kong doon na lang muna tumambay.

Pagkadating ko napakatahimik ng park, nitong nakaraang araw puno ito ng mga batang naglalaro ngayon wala ni isang tao kang makita. Maliit lang ang mini park, may duyan, seesaw etc.

Umupo ako sa duyan at tinignan ang kabuohan ng mini park. Unang beses ko ang pumunta dito, noon kasi nasa bahay lang ako at halos hindi makalabas sa bahay dahil ayaw ni daddy. Si mommy lang ang dahilan kung bakit nakakalabas ako.

Habang inaalala ko ang panahon na buhay pa si mommy ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko, nagbago si daddy dahil kay mommy. Hindi ko na makilala si daddy. Noon napakasweet ni daddy sa amin, ngayon halos hindi na niya ako ituring na anak.

Pinagtutulakan niya ako kay Klein, for god sake masakit pa din ang pang-iiwan at panloloko sa akin ng ex ko kaya hindi ko hinahangad na pumasok muli sa isang relasyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong sabi na galing sa likod ko ang boses. Napalingon naman ako at nagulat ako sa nakita ko.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Napatayo naman ako bigla mula sa pagkaupo, nakapamulsa lang siya at kita sa mukha niya na galing siya sa isang away. May sugat sa kanyang bandang labi at hiwa sa may bandang mata kahit may sugat na siya ang gwapo niya pa din.

*lubdub*lubdub*

"Gusto ko sanang magemote dito, ngunit nakita kita dito. Ikaw bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Dali dali ko namang pinahiran ang luha ko at inirapan siya. Tumawa naman siya na ikinatigil ko.

"Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" Irita kong sabi sa kanya. Nakakainis hindi ko inakala na magpinsan si Brandon at Klea.

"Bawal bang tumawa?" Sabi niya at biglang sumeryoso ang mukha. Lumapit naman siya sa akin at ako naman ay humakbang patalikod.

"A-anong---"

"Ang arte nito." Sabi niya at pinahiran niya ng kanyang puting panyo ang luha sa pisngi ko. Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Alam mo Sheena, ang babae hindi umiiyak dahil lang sa isang lalaki. Kung umiiyak ka ng dahil kay Klein, huwag mo ng sayangin ang luha mo. Masaya na siya sa piling ni Klea..." Sabi niya at nilagay ang mga buhok ko sa likod ng tenga ko pagkatapos niya ako pahiran gamit ng panyo niya. Natulala na lamang ako sa ginawa niya.

"At ikaw *toink* madami pang mga lalaki diyan. Kaya huwag ka ng magdrama." Sabi niya at ngumiti sa akin.

Tama si Klea mabait si Brandon, sweet at gentleman.

*lubdub*lubdub*

"Aray ko, ang hilig mo pitikin noo ko." Reklamo kong sabi sa kanya. Tumawa naman siya at kinuha ang kamay ko at nilagay niya ang panyo niya.

"Nakatitig ka lang kasi sa akin ng hindi kumukurap. Nagwagwapuhan ka na ba sa akin?" Sabi niya at tumawa ng nakakaasar.

"Ewan ko saiyo!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong gawin ko dito sa panyo mo?" Tanong ko sa kanya habang siya naman ay dahan dahan ng umalis at lumayo sa akin.

"Diyan na muna iyan sa iyo baka kailangan mo pa. Pero kung gusto mo iyo na yan ibalik mo na lang sa akin kapag mahal mo na ako." Sabi niya at diretso diretsong lumakad palayo. Habang ako nanatiling nakatingin lamang sa daan kung saan siya naglaho sa paningin ko na tinatahak niya.

BRANDON POV

Ang sakit naman nito. Hindi ko inakala na mapurohan ako ng gagong iyon. Sayang ang gwapo kong mukha, kung hindi lang kay Klea ay hindi ko na sila tutulungan pa kung sino ang dahilan kung bakit nauwi sa aksidente si Klein noon.

Nandito ako sa banyo ng condo ko at ginagamot ang sugat na nasa mukha ko. Habang ginagamot ko ito, hindi mawala sa mga labi ko ang itsura niya kanina. She's cute, maldita nga lang. Hindi ko inakala na naimpluwensya pala ni Klea ang kaibigan niya.

Hindi lang talaga ako sanay na makakita ng babaeng umiiyak, lalo na si Klea hindi ko kaya. Kaya ng nakita ko kaninang umiyal si Sheena lumambot ang puso ko, feeling ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit siya umiyak.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon