CHAPTER 3
KLEA POV
Pesteng multong ito. Kung nasaan ako nandoon din siya, ano siya buntot ko? Nandito ako ngayon sa study table ko upang aralin ang mga possibleng lalabas bukas sa exam namin.
"Hindi ka pa ba magpapahinga?" Sabi ng multo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin kanina pa ako naiirita sa isang ito. Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa pagkaupo at sumampa sa kama ko. Hindi talaga ako makakapag study, ang ingay niya daig pa ang babae.
"Alam mo Klea, nakakapanghinayang. Wala akong maalala tungkol sa akin, at kung saan ako pinagmulan." Saad niya, at nagawa niyang makuha ang attention ko kaya isinirado ko ang libro ko at tumayo sa kinaupuan ko at umupo sa kama ko. Lol, kama ko pa din ito, at saka ang multo ay hindi natutulog.
"Subukan mo lang, baka maaring maging lead yan para matulungan kita kung saan mo makikita katawan mo." Sabi ko at tinignan siya. Siya naman ay humiga at ginawang unan ang braso niya habang nakatingin lang sa kisame. Sa totoo lang may itsura ang multong ito, tiyak na kapag makabalik ito sa katawan madaming mababaliw na babae dahil sa kanya.
"Sinubukan ko na, pero hindi talaga eh. Wala akong maalala." Sabi niya ng nakatingin sa akin at ngumiti ng mapait.
"Nga pala, paano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa ito sunod ng sunod sa akin tapos ako hindi man lang alam kung ano ang pangalan niya.
"Tanga to." Saad niya sa akin at humarap sa akin at nag indian seat. Aba itong lalaking ito, mababatukan ko na talaga to kapag hindi ako makatimpi.
"Malamang, nasa uniform mo." Saad niya. Napatampal ako sa noo sabay sabing "Oo nga pala." Sabi ko na lang. Simula kanina pagdating ko sa bahay ay buong maghapon ko tinulungan si Naynay at buong maghapon din siyang bumubuntot sa akin.
"Paano niyo naaaford na pumasok doon?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako sabay sabing "Scholar ako sa paaralang iyon, sa All Girls School. Kung pwede lang magbackout ay matagal ko ng ginawa, pero ayaw ko masayang ang effort ni Naynay dahil doon niya ako gusto ipag-aral besides scholar naman ako sa paaralang iyon." Sabi ko at tumayo.
Hindi ko alam pero, magaan ang pakiramdam ko sa multong ito. Gagawin ko kaya itong human diary? Ano kaya sa tingin ninyo?
"Mabuti naman at nagagawa mong makipagsabay sa mga estudyante doon." Sabi niya. Tumayo na din siya at naglakad patungo sa study table ko at umupo sa upuan ko. Tinaasan ko lamang siya ng kilay, mag-aaral pa ako. Alas 10 na ng gabi kaya.
"Lols. Hindi ako nakikipagsabayan sa kanila. Isolated ako sa kanila, ayaw ko din sa kanila ang o.a masyado." Saad ko at sumenyas na umalis siya sa upuan ko.
Tumayo naman siya at hinawakan ang balikat ko. Kunot noo ko siyang tinignan ng pinatalikod niya ako patungo sa kama ko sabay sabing
"Magpahinga ka na. Ako bahala sa iyo bukas." Sabi niya at kumindat. Napailing na lang ako sa ginawa niya at nanatiling nakatayo sa tinatayuan ko, malamang alangan naman na nakaupo ako.
"Baliw to. Kailangan ko makakuha ng mataas na grade para sa scholarship ko." Saad ko. "Nga pala ano pangalan mo?" Saad ko at lumapit palapit sa table ko.
"Ahmmm..." Sabi niya tila nag-iisip. "Ang naaalala ko K, K ang itawag mo sa akin, yan kasi ang naaalala ko eh." Saad niya. Akmang kukunin ko na ang libro ko ng bigla niya itong kinuha, kaya tinignan ko siya ng masama.
"K akin na ang libro. Huwag mo ako subukan." Sabi ko ng may pagbanta. Lumayo naman siya sa akin sabay sabing
"Trust me, sleep early. You won't fail your exam tommorow. Trust me. Goodnight" Sabi niya at bigla siya naglaho.
Inis ako napapadyak sabay sabing "Kainis kang K ka, binibigyan mo ako ng malaking problema." Saad ko at naglakad patungo sa kama. Itong multo lang na ito ang mahilig na mangulit at makipagdaldalan sa akin, mabuti nga at nakakayanan niya ang ugali ko. Pero ang issue diyan may exam ako bukas.
Humiga na ako sa kama ko at napaisip ako. Paano na kaya bukas? Tiyak mapapagalitan ako ng teacher ko. Nakakahiya naman sa may-ari ng paaralan dahil hindi mataas ang kuha ng scholar niya.
Hanggang sa nilamon na ako ng antok at nakatulog habang nag-iisip.
Kinabukasan...
"Klea, gising na." Ano ba naman ito, kitang natutulog pa ang tao.
"Klea may pasok ka pa." Sabi ng kasama kong lalaki. Lalaki? Speaking of lalaki? Napabangon ako bigla sabay sabing
"May kasalanan ka pa sa akin, yung libro na saan na?!" Sabi ko. Tumawa naman siya ng makahulugan at ngumisi pagkatapos.
"Di ba sabi ko may pasok ka pa? Alam mo ba kung anong oras na?" Saad niya at tinuro ang orasan. Napalaki naman ang mata ko sa nakita ko.
"7:30?!" Sabi ko. Tumango naman siya. Lagot paano na ako nito.
*Tok*tok*tok*
Biglang bumukas amg pinto si Naynay pala.
"Klea, bilisan mo na. Malalate ka na." Sabi sa akin ni Naynay. Tumango naman ako at dali daling kinuha ang gamit ko. Naku talaga, lagot na ako nito. Huhuhu goodbye scholarship. Papatayin talaga kita mamaya K. Papatayin.
"Pfft~ bilisan mo. Ang ganda ng ayos mo sa pagtulog ah." Saad niya. Uminit naman ang mukha ko sa sinabi niya. Nakacycling lang kasi ako, walang hiyang manyak na multong iyon.
"Tumahimik ka!" Sigaw ko at binuksan ang shower. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa. Baliw na ang isang iyon. Problema ba ang ibigay noon sa akin?
-SCHOOL-
"Okay, class you have 1 hour to answer your test paper sheet. Get one and pass." Sabi ng teacher namin. Habang ako lutang na kinakabahan dahil hindi ko alam kung papano ito.
"Kalma ka lang Klea." Sabi ni K na nasa tabi ko nakaupo. Malaki kasi ang space ng upuan namin, pang dalawahan pero isang estudyante lang ang maaaring umupo.
"Kalma? Paano ako kakalma aber?" Sabi ko ng pabulong sa kanya. Tinanggap ko naman ang test paper ko at napahilot sa sentido ko ng makita ko ang test questions. Good luck na lang sa akin.
"You may start now." Sabi ng teacher namin.
"Paano ko ito sasagutin?" Sabi ko ng mangiyak ngiyak. Habang itong katabi ko ay pasimpleng sumisipol kaya kinurot ko ang legs niya. Wapakels ako, ako lang naman ang nakakakita at nakakarinig sa kanya.
"Ms.Saavedra? Are you okay?" Agaw sa akin ng attention ng guro amin.
"A-ah I'm good Ma'am." Sabi ko. Tumango naman ang guro at pinagtuloy ang ginawa niya.
"Tumigil ka K." Sabi ko. Tumahimik na man siya. Ramdam kong nakatingin siya sa akin at hindi ko pa nasasagutan ang test paper ko.
30 minutes ang lumipas, wala pa din akong sagot. Huhuhi solving and show your solution kasi.
"Akin na." Sabi niya at kinuha ang papel at ballpen ko. Ano na naman bang kalolokohan ang gagawin niya. Kukunin ko na sana ng nagulat ako sa ginawa niya, sinasagutan niya ang papel ko. Patingin tingin ako sa tabi ko at sa harapan.
Phhheeewww... buti na lang at nasa likod ako. Ang bilis niyang sumagot, lagot to sa akin kapag mali ang mga sinagot niya.
"5 minutes left." Sabi ng teacher namin at sakto naman at natapos ni K. Nang tignan ko, ang galing niya. Magdodouble check pa sana ako ng nagsalita siya "Perfect na iyan. Trust me." Sabi niya. Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Trust me okay?" Saad niya kaya pinasa ko na ang paper ko sa teacher namin.
"Okay class. Tomorrow morning I will post your result at the bulletin board." Sabi ng guro namin.
"Pag mali ako sa exam. Hindi kita tutulungan na hanapin ang katawan mo. Kasalanan mo kung bakit hindi ako makasagot." Saad ko at inirapan siya.
"Just trust me." Sabi niya.
"Whatever." Sabi ko na lang. Etong multo na ito, juice colored. Kunin niyo na siya, at sana sa iba na lang siya humingi ng tulong. Mukhang mapapasabak ako nito sa isang ito.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...