CHAPTER 20
KLEA POV
"Manang tulungan na po kita diyan sa pagluto." Sabi ko ng nakita kong mag-isa si manang sa kusina.
"Naku Klea sinabi ni Ma'am Kass sa amin na hindi ka gagawa ng gawaing pambahay. Alagaan mo lang si Sir Klein." Sabi sa akin ni manang habang ngumiti. Gabi na at nabored ako doon sa kwarto ko hindi naman ako inuutusan ni K kung ano ang mga dapat kong gawin.
"Klea eto na lang gawin mo. Kunin mo yung medicine ni Sir Klein at ipainom mo sa kanya." Sabi ni manang sa akin at kumuha ng tray at may nilagay na soup sa loob.
"At itong soup ipabuos mo sa kanya. Ipinagbawal muna siyang kumain ng pagkain tulad nito..." Saad niya at tinuro sa akin ang kanyang niluto habang ako tumango tango lang.
"Yan kasi ang sabi ng Doctor niya sa amin." Sabi ni Manang at binigay na sa akin ang tray.
"Sige manang ako bahala." Sabi ko at walang pagdadalawang isip akong umakyat sa hagdan upang ibigay ito kay K.
Mamaya magrereview pa ako, ang dami ko pang gawin. Kanina kasi pagdating ko sa dito nagbasa lang ako para kahit papano may konting background ako sa lesson namin.
Kakatok sana ako sa pintuan ng kwarto ni K ng nakabukas ito. Bakit hindi ito nakalock? Lock naman ito lagi ah?
"K?" Sabi ko nang nakapasok ako sa kwarto niya at isinarado. Bakit parang walang tao dito? Ang tahimik masyado.
Pumunta ako sa higaan niya at nandoon siya nakahiga at tulog. Wow ang aga niya naman matulog, kailangan niya pang kainin ang pagkain niya.
"K bangon diyan at kumain ka muna then take your medicine." Sabi ko habang nilapag ang tray sa side table niya at tinignan siya. Ngunit hindi man lang siya umumik kaya niyugyog ko siya.
"K wake up. Kumain ka muna." Sabi ko. Tanging ungol niya lang ang narinig ko at tumalikod siya sa akin pa side.
Bakit parang mainit siya?
"Hoy K tumingin ka nga dito." Sabi ko at hinawakan ko ang noo niya.
"Bakit ang init mo? Maayos ka naman kanina ah?" Tanging sabi ko sa kanya at pumunta ako sa kabilang side para makita ang itsura niya.
"Umalis ka nga diyan." Sabi niya sa akin at tumalikod na naman sa kabilang side. Maiinis na sana ako pero may lagnat siya. Ang arte masyado.
"Umupo ka na, kainin mo na ang pagkain mo at inumin mo na ang gamot mo." Sabi ko at pilit na pinapaupo.
"Urgh... I hate you." Sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya at saktong nakatingin din siya sa akin. Ngumiti na lang ako ng mapait.
"Kainin mo yan, bababa ako. Babalik lang ako, dapat pagbalik ko kalahati na ang nakain mo." Sabi ko at pinilit na huwag tumulo luha ko.
Hindi ko na hinintay ang sinabi niya dahil umalis na ako. Pagdating ko sa baba tinanong ko kay manang kung nasaan ang gamit nila para sa mga may lagnat buti na lang at kompleto gamit nila. Kumuha naman ako ng maligamgam na tubig para sa katawan ni K. Nakauniform pa nga iyon hindi pa nakabihis.
Pagbalik ko sa kwarto niya nakaupo pa din siya habang nakarest ang ulo niya sa head rest ng kama niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"K, nakakainis ka. Pinaalala mo ako sa 'yo. Pero hindi ako susuko alam kong dadating ang panahon na maaalala mo ako." Sabi ko ng mahina. Mukhang nakatulog ito kaya ginising ko na.
"What again?" Sabi niya at tinignan ako ng pagkaseryoso.
Hindi ko siya sinagot sa halip pumunta ako sa mga damit niya at kinuhaan siya ng damit pantulog. Mabuti na lang at itinuro sa akin ni manang kanina kung nasaan ang mga damit ni K. Ang dami ba namang damit tapos may mga nasa plastic pa at mukhang bago.
"Oh eto magbihis ka." Sabi ko at niligpit na ang kanyang pinagkainan bago pa iyon pinainom ko muna sa kanya ang gamot niya. Mabuti naman at hindi na ito umangal pa. Minsan nakikita ko pang tumitingin siya sa akin na nakakunot ang noo. Ano ba naman ang bago doon? Lagi naman nakakunot ang noo niya kapag ako ang kasama.
Tinignan ko siya at mukhang nagihirapan pa siyang alisin ang uniform niya kaya tinulungan ko na siya.
"Baka pagnanasaan mo ako." Sabi niya sa akin.Tinaasan ko naman siya ng kilay, may sakit na nga kung ano-ano pa ang sinasabi.
"Hindi kita pagnanasaan. Ang payat mo." Sabi ko pero sa totoo lang ang ganda ng katawan niya kaya tumayo na ako ng mukhang kaya niya ng bihisan ang sarili niya.
"Tapos na." Sabi niya sa akin. Tinulungan ko naman siyang pahigain muli sa kama niya at mukhang mas nilalamig siya dahil ata pino ang pinili kong damit sa kanyang pantulog.
"Bakit ang init mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman ako sa palibot at pinuntahan ang aircon upang hinain ang lakas ng hangin. Malalamigan talaga siya lalo na't ang taas ng temperature ng aircon niya. Ibinigay ko sa kanya ang thermometer upang malaman ko kung gaano siya kainit.
Pinupunasan ko ang katawan at ang braso niya at nilagyan ng bimbo sa ulo niya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong niya sa akin habang nakatingin.
"Kasi trabaho ko ito..." Sabi ko. Bigla niya naman inalis ang pagkahawak sa akin na para bang nainis siya sa sagot ko.
"And responsibilidad kita simula ng pumasok ka sa buhay ko. Sana matandaan mo." Tanging sabi ko na lang lumiwanag naman ng kunti ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Thank you." Saad niya at pinikit na ang mata. Ngumiti naman ako ng matamlay.
"K, Boyfriend nakakainis ka. Bakit mo ako pinapahirapan? Kung ganito lang man sana tapos hindi mo ako maalala sa pagbalik mo sa katawan mo sana hindi mo na lang ako ginulo noon. Ako ang nahihirapan eh. Hindi ko akalain na magugustuhan ko ang isang multong tulad mo noon." Sabi ko at tumulo na pala ang luha ko. Para akong tanga nagsasalita mag-isa as if naririnig ako ni K.
"Di bale, babawi ako. Ako na naman ang mangungulit sa 'yo. May pinangako ka pa kasi sa akin, kaya hihintayin ko mangyari iyon at magawa mo ang pangako mo sa akin."
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Novela Juvenil-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...