CHAPTER 10
KLEA POV
Pumasok na ako sa gate at diretsong paglakad ang ginawa ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba kay K? No way.
*beep*
tinignan ko ang phone ko at si Sheena ang nagmessage sa akin. Ano nga ba ang sasabihin niya? Masaya iyon kanina parang nitong huli lang umiyak siya ng bongga. Baka may good news.
"Klea!" Sigaw niya mula sa entrance ng building. Aga-aga kumukuha ng attention, ganito ka hyper ang presidente namin. Ako naman ay diretso na lamang siyang pinuntahan.
"Halika dito tayo, omj Klea!" Sabi niya habang hila hila ako sa braso. Kilig na kilig to ah? Baka may na meet na namang gwapo. Pumasok kami sa room namin mga officer, since kami lang ni Sheena ang tao sa room ay malaya siyang makapag-usap sa akin.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko at umupo sa lugar ko bilang bise presidente ng paaralang ito.
"Omj Klea I can't believe it." Sabi niya na kilig na kilig. Nag cross arm ako at tinignan siya ng masama. Ang tagal, nakakabagot.
"Spill it Sheena. May gagawin pa ako." Nasabi ko na lang kahit wala naman talaga, ang daming arte.
"Okay eto na." Sabi niya at nag inhale at exhale pa. Napailing na lang ako at natawa sa ginawa niya, as if magrerecitation.
"Yung fiance ko Klea..." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya ng seryoso. Ano naman sa fiance niya?
"Oh tapos?" Sabi ko na lang. Umirap naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.
"Teka lang hindi pa ako tapos. Eto na..." Sabi niya ano ba yan binibitin ako.
"Bilis na kasi, may pasok pa tayo." Sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko.
"Si Klein Villamor ang fiance ko." Sabi niya, napatingin naman ako sa kanya agad agad. Klein? Bakit feeling ko parang may kumirot.
Si Sheena naman ay pigil ang pag ngiti. "Akala ko ba ayaw mo magkaroon ng fiance na hindi mo mahal?" Sabi ko na lang.
"Crush ko si Klein and Klea alam kong hindi ako mahirap mahalin si Klein." Sabi niya. Napataas na lang ang kilay ko sa sinabi niya. Ewan ko, nawala agad ako sa mood.
"Lols. Patingin nga ng picture." Sabi ko sa kanya at lumapit ako sa bintana para makita ang estudyante sa labas.
Nasaan kaya si K? Saan pala siya pupunta? Teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?
"Naku, wala eh. Nasa bahay, at saka next time sasamahan mo ako kay Klein. Sa sunod na, unconcious pa kasi daw siya eh dahil sa insidente." Sabi niya. Tumango na lamang ako at kinuha ang bag ko na tinapon kanina ni Sheena sa couch. Bakit ba puros aksidente na lang ang naririnig ko? Si K na aksidente, ang anak ng paaralan dito ay naaksidente tapos ang fiance ni Sheena ay naaksidente. Hay naku.
"Okay sige sabi mo. Mauuna na ako Sheena may gagawin lang ako." Sabi ko. Hindi siya sumagot sa akin ng tignan ko siya nakatulala lang siya at nakangiti, baliw talaga. Dahil lang kay Klein pumayag na siya agad. Well buhay niya iyon, susuportahan ko lang siya.
Paglabas ko ng room namin ay napagdesisiyunan kong pumunta muma sa vending machine, feel ko magkape. May machine naman kasi sa university na ito, card lang ang ipapakita dahil scholar ako.
Since maaga pa naman, umupo muna ako sa bench sa gilid lang ng machine. Minsan hindi ko maiwasan na mapaisip kung ano ang itsura ng mga magulang ko at sino sila. Bata pa kasi ako noon ng na aksidente kami, tanging ang mga kulog at kidlat lang ang naalala ko. Matagal na kasi iyon.
Si K? Sino kaya siya. Sino siya? Mahirap tukuyin kung saan siya nanggaling lalo na't hindi niya naalala kung sino talaga siya.
Naalala ko tuloy ang mga kakulitan niya ang mga paghalik niya sa noo ko at ang pagiging mood swings niya, what if kung makakabalik si K sa katawan niya, possible kayang bibisitahin niya ako?
Sinampal sampal ko ang sarili ko sa naiisip ko. Paano napunta kay K ang imagination ko? Mahal ko na ba siya? Lol. Malabo.
"Paging, Miss Klea Saavedra calling. Please proceed to the office."
Rinig ko mula sa sound system. Wow, announce talaga. Ano kaya ang kailangan? Nanggaling na ako doon kahapon eh.
Dali dali kong inubos ang kape ko at dumiretso na sa office. Kumatok ako ng ilang beses at
"Pasok." Sabi ng babae sa loob.
Pumasok naman ako at isinarado ang pinto. Hindi tulad kahapon, babaeng maganda ang sumalubong sa akin, ngayon kasi mukhang matanda ang mukha pero hindi mo maipagkait ang kagandahan niya. Parang may kahawig ang babeng ito.
"Good morning po Madam." Pagbati ko at yumuko. Nakatingin naman siya sa akin ng seryoso,
"Umupo ka ijah. Alam mo na siguro kung ano ang pakay ko sa'yo? Kinausap ka na ng anak kong babae. Tama ba?" Tanong niya sa akin.
"Ah, opo. Yung sa babantayan ko." Sabi ko na lang. Ngumiti naman siya sa akin, masasabi kong totoo ang ngiti niya.
"Yes, babantayan mo ang pasaway kong anak. Kapag magigising na siya, probably next week." Sino nga pala ang babantayan ko?
"Ahm sino po pala ang babantayan ko?" Tanong ko. Nanlaki naman ang mata ng babae tila hindi makapaniwala sa tanong ko.
"Hindi mo kilala?" Tanong niya. Umiling naman ako kasi nga di ko kilala. Malay ko ba?
"Well, makikilala mo din siya. Mabuti na kung hindi, meron pa din pa lang hindi siya kilala. Good to hear. Sige pumasok ka na sa 1st class mo. I'll just inform you." Sabi niya. Tumango naman ako at nagpaalam.
Bakit ano bang nangyari? Possible ba kaya ang fiance ni Sheena at babantayan ko ay iisa? Bakit ba kasi hindi ako updated sa mga nangyayari. Pati anak ng presidente kanina hindi ko kilala, hindi ko nga din maalala ang apelyedo ng presidente namin, basta ang alam ko ay scholar niya ako.
Mabait naman lagi ang pakikipagtungo niya sa akin, nakakapagtaka nga lang tila parang kilala niya ako.
Naglakad na ako patungo sa classroom namin, as usual kaharap ng mga kaklase ko ang kanilang mamahaling gadget. Hinanap ng mata ko si Sheena hindi ko mahanap, nasaan na kaya ang babaeng iyon?
Umupo na ako sa kinauupuan ko at tumingin ako sa labas ng window, ang boring naman dito. Siguro kapag nandito si K madaldal na, at hindi ako mabobored.
Nasanay na akong may K na laging sumusunod sa akin. Ano na kaya? Ilang araw ko pa lang siya nakakasama tapos eto na. Girlfriend daw niya ako, sabi ng isip ko at napangiti na lang ako sa mga ginawa niya.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Novela Juvenil-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...