CHAPTER 17

1.7K 63 7
                                    

CHAPTER 17

KLEA POV

Nakatayo ako sa harap ng isang malaking mansion. Wala akong masabi, ang laki ng bahay nila parang mansion na.

"Ma'am halina na po kayo. Inaantay na po kayo ni Madam sa loob." Sabi ng lalaki sa akin.

"A-ah huwag po kayo magma'am sa akin manong." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya naman tumawa naman sa akin si manong may nakakatawa ba akong sinabi?

"Sige iha." Sabi ni manong at binitbit na ang mga gamit ko. Dalawang bags lang naman ang dala ko, uuwi pa naman ako sa amin eh. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan hindi ilibot ang mga paningin ko sa loob, napakaganda may mga chandelier pa akong nakikita.

"Magandang gabi binibini." Napatigil ako sa paglakad ng lahat ng mga maid sa bahay na ito ay nagsiyukuan. Ang awkard tuloy, yumuko din ako sa kanila upang pagbigay respeto.

"Magandang gabi din po." Sabi ko sa kanila. Napakadami nila siguro nasa 20 ang maid lahat kasi sila pumila at mag limang lalaki na nakasuit din. Ang gara ng dating.

"Welcome Klea." Napalingon ako sa likod ko kung sino ang nagsalita si Kassandra lang pala. As usual ang ganda niya kapag nakangiti kaya nginitian ko naman siya pabalik.

"Magandang gabi Ma'am Kassandra." Sabi ko at yumuko. Nilapitan niya naman ako at ngumiti sabay sabing

"Too formal Klea just call me ate." Sabi niya at inakbayan ako. Napatingin naman ako sa mga tao na nasa harapan namin lahat sila ay tila gulat sa ginawa ni Kassandra.

"Everyone this is Klea treat her better. Wala siyang ibang gagawin kundi alagain si Klein naintindihan ninyo?" Sabi niya ng maawtoridad.

"Yes Ma'am." Sabay nilang sabi at nagsiyukuan. Ang formal nila masyado may uniform pa ang mga maid nila.

"Sige go back to work everyone." Sabi ni Kassandra sa kanila lahat naman sila ay nagsipuntahan sa kanilang mga gawain.

"Manong Lucas paki lapag na lang po sa kwarto ni Klea ang kanyang mga gamit." Sabi niya, tumango naman si manong at umakyat na sa hagdan.

Ang ganda ng bahay tila parang nasa palasyo ka, may hagdan na sa left and right pero konektado sila. Ang ganda.

"Let's go Klea hinihintay ka ni Mom sa itaas." Sabi ni Kassandra sa akin at hinila ako sa braso.

"A-ah K-kass--"

"Ate. Call me ate from now on." Sabi niya sa akin. Natahimik na lang ako, bakit ba ang bait niya sa akin. Wala akong nararamdaman na plastik ang treatment niya sa akin. Totoo siya.

"A-ate wala ba akong uniform? Tulad ng mga kasamba--"

"Who told you na magiging kasambahay ka?" Tanong niya habang umaakyat kami sa hagdan. Napatigil naman ako, hindi ba babantayan ko kapatid niya? Parang kasambahay na din iyon.

"No Klea, babantayan at aalagaan mo kapatid ko not to do house chores." Sabi niya. Okay no comment.

Pagdating namin sa ikalawang palapag may mga madaming pintuan kaming nadadaanan. Nakakamangha dahil ang gaganda ng mga disenyo. Nakita ko pa nga ang portrait ni Kassandra ang ganda ng pagkagawa wala ka ng masabi. Maganda naman talaga si Kassandra may kahawig nga lang siya hindi ko maalala kung sino.

Napatigil naman kami sa isang pinto malaki at mataas. Bakit kinakabahan ako? Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Bago pa kami pumasok may narinig kaming sigawan sa loob. Kaya mas doble ang pagtibok ng puso ko. Impossible, ka boses niya ang boses ng lalaki.

My Ghost Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon