CHAPTER 44
NEIL POV
Pagkadating namin sa abandunadong gusali sakto din na may ilang sasakyan ang nagsiratingan. Napatigil naman kaming lima upang tignan kung sino ang nagsidatingan.
"Sila Brandon." Saad ni Angelo. Mga kaibigan nila Brandon ay nandito ibig bang sabihin alam din nila ang nangyari kina Klein at Klea?
Unang bumaba si Brandon habang sumunod naman ang kasama niya na may hawak hawak na telepono, mukhang may kausap.
"Tinawagan ako ni Klea kanina." Sabi ni Brandon at dinaanan kaming apat. Napatigil naman siya sa gawi ni Angelo at tumango lang.
Anim kami at apat sila Brandon okay na itong pwersa namin. Hindi naman siguro ganoon kadami ang kampon ng ex ni Sheena. Ex? Speaking of siya ang dahilan kung bakit na aksidente si Klein noon, at hindi ko siya hahayaang hindi makalabas na hindi sira sira ang mukha.
"Ryle, susunod ba sila?" Tanong ni Brandon sa lalaking may hawak kanina na telepono.
"Chill bro. Papunta na ang mga police dito. Tinawagan ko na si Dad." Saad ng kaibigan niya at tinaas ang kanang kamay tila bang sinasabi niya na nagsasabi siya ng totoo.
"Bilisan na natin." Sabi ni Vince at nauna na sa amin. Sumunod naman kami at aaminin kong mukhang may nangyari na hindi maganda.
BRANDON POV
Ang lokong iyon. Hindi pa nadala sa ginawa ko sa kanya, hindi pa natuto. Pagbabayaran niya ang ginawa niya ka Klea hindi dapat madamay si Klea sa gulo nila.
Dali dali naman pinuntahan kung nasaan sina Klea mga 20 ka tao ang nakikita ko. Napatingin naman sila sa gawi namin at nagkanya kanyang kuha ng mga pamalo.
"Oh? Nandito na pala kasama ninyo eh?" Saad ni Gerald.
"Hindi ka pa ba napala?" Seryosong sabi ko sa kanya habang narinig ko naman na inakbayan ako ni Kenneth at tumawa ng mapang-asar kay Gerald.
"Kulang pa daw bro eh." Sabi ni Kenneth ng may mapang-asar na kinaiinisan ni Gerald.
"Tumahimik kayo. Mga g*g*." Sabi niya at tinuro kami. Napailing na lang ako. Ayaw ko naman talaga ng gulo, humingi lang naman ng tulong sina Rex sa akin upang tulungan si Klein. Kung sino ang dahilan kung bakit na aksidente ang isang iyon. Oo, madami kaming hindi pinagkakaunawaan ni Klein dahil mataas ang pride niya, syempre bilang lalaki hindi madaling makipag-usap sa lalaking ayaw mo naman makausap. Ngunit nagbago iyon ng nalaman kong may pagtingin siya kay Klea na pinsan ko.
"Nasaan sila?!" Sigaw ni Angelo.
"Oh? Nandito pala ang kakambal. Sorry mukhang hindi niyo na sila maaabutan. Isa sa kanila siguro ay mauubusan na ng dugo. Tatanga tanga ang kasama niyo, sumugod mag-isa." Sabi niya at tumawa lang.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Angelo. Alam kong galit siya, bilang kapatid alam kong gusto niyang patayin si Gerald.
"Pagsisihan mo ang ginawa mo." Saad ni Angelo. Nagsitanguan naman kaming siyam dahil nauna na si Angelo sumugod.
Unang galaw ko pa lang saktong may lalaking tumakbo sa gawi ko habang hawak ang isang maliit na kutsilyo. Mabuti na lang at mabilis ang bawat paggalaw ko at nagawa kong ilagan ang pag-atake niya sa akin.
Akmang aatake na naman siya sa akin ng nahawakan ko ang kanyang kanang braso na may hawak ng kutsilyo at pinihit iyon patalikod upang mabitawan niya. Napasigaw naman siya sa sakit, ramdam kong may taong nakatayo sa likod ko. Bago pa niya ako matamaan, umikot ako at saktong tinamaan niya ang kasamahan niya sa ulo at nawalan ng malay.
Napailing naman siya, kita ko ang pagnginig ng kamay niya dahil kitang kita ko sa tubo na hindi siya mapakali sa paghawak.
"Wrong move. Hindi ninyo kilala ang kinakalaban ninyo." Saad ko at sinipa ko siya sa dibdib at agad naman siya nakabawi. Akmang susugurin niya na ako ng may pumalo sa binti niya kaya napahiga siya sa sakit at napabitaw sa hawak niyang tubo.
"Brandon, sundan mo si Angelo. Nasa likod sila." Saad ni Rex habang nakikipag laban.
Takbo sangga ang ginawa ko. Nang nakita ko si Gerald na sira ang mukha at naliligo sa sariling dugo, nandilim ang mukha ko at nilapitan siya. Sabay hawak sa mangas ng polo niya.
"Yan ang napala mo." Sabi ko. At sinuntok siya sa mukha. Wala siyang ginawa kundi umubo lang ng dugo. Ano kaya ginawa ni Angelo at mukhang hindi na makagalaw ang lokong iyon.
Pagdating ko sa likod tila nanghina ako. Nakikipaglaban si Angelo kaya tinulungan ko siya. Nakita ko na mukhang natamaan na si Angelo ngunit hindi niya iyon pinansin.
Pagkatapos namin maubos ang tatlong ka lalaki dali dali namin nilapitan si Klein at Klea.
"K-kk?" Garagal na sabi ni Angelo. Rinig ko ang pagkabasag ng boses niya. Ngunit hindi tumugon si Klea kay Angelo. Isang Klea na halos magkulay puti na ang balat at maputlang labi ang nakikita namin. Habang nakahiga siya sa hita ni Klein.
"A-anong nangyari Klein?! Bakit hindi mo prinoktehan si Klea?! Ha?! Loko ka?!" Galit na saad ni Angelo habang ako pinipigilan siyang huwag suntukan si Klein.
Tila hindi narinig ni Klein ang sinabi ni Angelo dahil nakatungo lang ito at kita ko ang butil ng luha niya na nahulog sa mukha ni Klea.
"K-kasalanan ko. K-kung nakita k-ko lang s-sana hindi siya matatamaan ng bala ng b-baril." Sabi ni Klein.
Sakto naman nagsidatingan sina Rex mukhang natapos na sila.
"Di ba sabi ko sa iyo? Aalagaan mo si Klea?! Hindi ka karapat dapat sa kakambal ko?! Mamatay ang kakambal ko sa iyo!" Sigaw na sabi ni Angelo habang umiiyak. Dahan dahang umangat ang mukha ni Klein at kita namin ang mga tama sa kanya ng suntok sa mukha. Hindi ba siya lumaban?
Gulat na gulat si Klein sa narinig niya kay Angelo. Hindi niya ba alam na kakambal ni Angelo si Klea?
"Si Klea? Siya ang kamambal mo?" Tanong ni Klein.
"Bro tama na yan. Pag-uusapan natin yan mamaya. May ambulansya sa labas at mga police." Saad ni Vince. Sakto naman at may pumasok na mga tao habang may dalang stretcher.
Dinalunan nila si Klein at Klea. Nagsitinginan naman kaming siyam habang dahan dahan kong binitawan si Angelo sa pagkahawak sa kanya.
"Bro hindi alam ni Klein na ganit ang mangyayari. Nakita mo naman di ba? Sumugod siya ng hindi sa atin nagpaalam. Ganyan niya kamahal ang kakambal mo." Sabi ni Jacob.
"At saka bro ipakalma mo muna sarili mo." Dagdag pa niya.
Hindi man lang tumingin sa kanya si Angelo.
"Alam kong natakot ka. Takot kang mawala ang kakambal mo. Pero ayos na kailangan niya lang maoperahan." Sabi ni Liam.
"Pag-usapan ninyo mamaya ni Klein kapag maayos na ang kalagayan niya. Huwag ka magpadala sa galit." Sabi ni Neil habang hinilot ang kanyang bunganga.
"F*ck bro. Ang pangit ko na nito." Saad niya. Napailing naman si Rhyle.
"Alis na tayo." Sabi ni Rex. "Salamat nga pala sa tulong ninyo." Sabi niya sa amin. Tumango na lang ako.
"Magkita na lang tayo sa Zapanta's Hospital." Sabi ni Angelo at nauna ng umalis.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...