CHAPTER 6
BRANDON POV
Nakatanggap ng invitation ang paaralan namin na iniimbitahan kami ng All Girls School. Masquerade party nila at sa next month na iyon, ininform kami ng vice president ng student council namin. Since wala si Klein at comatose siya dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Kaya for the mean time ang bestfriend niya ang naghahandle ng responsibilidad niya.
Nalaman ko din na mag-isa si Klea sa bahay, kasi wala si tita ngayon. Kaya nagpaalam ako sa parents ko na doon na muna ako kina Klea matulog para may kasaba ang babaeng iyon. 11 years old pa lamang si Klea na namatay ang kanyang magulang sa isang aksidente. Kaya kinukop siya ni Naynay o tita. Since malalaki na ang mga anak ni tita si Klea ang inaalagaan niya ngayon. Tita ko ang Naynay ni Klea, pero hindi kami real na magpinsan ni Klea since inampon siya ni Tita.
Nagdoorbell ako sa bahay nila ng matagal binuksan ang bahay kaya nagdoorbell ako muli. Nakabukas pa ang ilaw, ibig sabihin gising pa si Klea. Naagaw ng pansin ko ang isang lalaki na puti, teka? Anong ginagawa niya dito?
Oo, nakakakita din ako ng multo. Hindi ko nga alam eh, nung nalaman kong may third eye ako natakot ako kasi nga makakakita ako ng multo pero kalaunan ay nasanay na ako. Kaya ngayon nagtataka ako kung bakit nandito ang lalaking ito. Umakto akong hindi siya nakita at bigla naman siyang naglaho.
Alam kong nakakakita din si Klea dahil parehas kaming may third eye. Nakakapagtaka lang, bakit siya nandito? Magkabati ba sila dalawa ni Klea? Impossible parehas mainitin ang ulo ng dalawang iyon.
Nang pinagbuksan ako ni Klea ng gate ay agad akong pumasok, syempre pamilya na din ang turing ko kay Klea, especial na pinsan ang turing ko sa kanya. Kaya lagi akong nandito para sa kanya kahit pa minsan ay binabara ako.
Nasa tabi ni Klea ang lalaking iyon at hindi na ako nagtaka, mukha ngang magkasundo ang dalawa.
Nang pumanik si Klea sa kwarto sasamahan ko sana, ngunit kilala ko si Klea at saka hindi naman siguro siya pagsasamantalahan ng multo.
Humiga ako sa couch, at nag-isip. Anong ginagawa niya dito? Possible kayang humingi siya ng tulong kay Klea? Paano kapag nahulov si Klea sa kanya? Paano kung makakabalik na siya sa katawan niya? Ano makakalimutan niya ang pinsan ko? Naramdaman kong may tao na nakatayo sa bandang ulo ko. Kilala ko ito. Klein Villamor.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at umupo. Tinignan ko siya, mukhang nagtataka siya kung bakit ko siya nakikita. Umupo naman siya sa tabi ko, mukhang nakakalimutan niya ata kung sino ang kasama niya. Lagi kaming magkalaban ni Klein when it comes sa academic. Well sorry siya, sadyang matalino ako ng isang percent sa kanya kaya hanggang top 2 lang siya sa paaralan nila.
"Binabantayan si Klea. Ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako nakikita?" Sabi niya sa akin. Mukha ngang wala siyang maalala sa akin. Kasi sa paaralan everytime na magtagpo kami laging magkasalubong ang dalawang kilay niya, oo president siya ng paaralan namin but sorry hindi niya ako ma beat. Pinsan ata to ni Klea.
"Una pinsan ko si Klea. Pangalawa may third eye ako at kitang kita kita." Sabi ko at sumandal sa couch at tinignan siya. Nakakusap ko siya ng matino dahil wala siyang naaalala.
"Ah okay. K nga pala." Saad niya. Tumango naman ako.
"K? K lang?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya sabay sabing
"Oo, basta alam ko K nagsisimula ang pangalan ko kaya K ang sinabi ko kay Klea." Sabi niya.
"Ah okay." Saad ko na lang at humiga sa couch. Siya naman ay umalis na. Plano niya ngang humingi ng tulong kay Klea. Paano?
"Ikaw kilala mo ba ako?" Saad niya. Napatingin naman ako sa kanya sabay sabing
"Oo kilalang kilala kita, at kilalang kilala mo ako. Nakakapag taka ngang nakalimutan mo kung sino ka K." Sabi ko na lang sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.
"Maaalala ko din ang lahat, at dahil yun kay Klea dahil sa kanyang pagtulong." Saad niya. Napangisi na lang ako sa kanya. Talaga lang?
"Okay sige sabi mo. I will not tell who you really are, malalaman mo din naman kung sino ka." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Chismoso ba ang isang ito? Baka sasabibin niya kay Klea, nah hindi sa kanya maniniwala si Klea dahil hindi alam Klea na nakakakita ako ng multo.
"Sige salamat." Saad niya at nagsimula ng umalis at paakyat ng hagdan ng may naalala ako.
"Huwag mong hayaang mahulog si Klea saiyo, dahil hindi mo siya kayang saluin kunv mahulog man siya." Saad ko. Napatigil siya sandali at umalis na. Tama naman siguro na pagsabihan siya di ba?Mukha ba akong mayabang? Sorry ganito lang talaga ako, at pinsan ko ang pinag-uusapan namin at kasali dito.
KLEA POV
Nagising ako ng maaga at nag stretch ng katawan ko. Grabe sarap ng tulog ko. Papasok na sana ako ng banyo ng may K na nakaupo sa upuan at nakacross arm na nakatingin sa akin, seryoso niya akong tinitignan kaya naman
*lubdub*lubdub*
Anong problema ng puso ko? Simula ng lagi kong nakakasama si K nagiging abnormal na ang heartbeat ko. May sakit na ba ako?
Kaya para maalis ang ilang ko nilapitan ko siya at tinitigan, akala niya siya lang ang marunong. Nang tinitigan ko siya umiwas naman ng tingin, kaya naman ngumiti ako ng asar sa kanya.
"Maligo ka na nga Klea. May laway ka pa." Sabi niya habang hindi pa din na katingin sa akin. Four days na ngayon, at four days ko na din siyang kasama. Counting ba? Ewan ko lang sa sarili ko.
"Like duh K? Maganda pa din ako kahit tulog. Baka nga tinititigan mo ako hanggang sa pagtulog." Sabi ko at tumawa nakita ko namang asar na asar siya at tumayo sa kinaupuan niya. Papalapit siya sa akin kaya naman ako paatras naman.
Ano problema nito? Hindi ibig sabihin na nahahawakan niya ako ay itatake advantage niya ako.
Palapit pa din siya sa akin kaya umatras pa din ako ng bigla akong nakaramdam na matigas sa likod ko pagtingin ko
*gulp*
dead end. Ngumisi naman siya at lumapit sa akin, naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko at lapit na lapit siya sa akin. Napapikit na lang ako, juice colored yung heartbeat ko ang bilis.
Naramdaman ko ang noo niya sa noo ko kaya naman doble ang kabog ng dibdib kong nang bigla siyang nagsalita
"Huwag kang assumera. Maligo ka na nga." Sabi niya kaya pagbukas ko ng mata ko nasa kama ko na siya nakahiga at tumatawa kaya tinignan ko siya ng masama.
Lokong multong ito, manyak masyadong manyak.
Napatingin naman siya sa akin savay sabing
"Ano? Nabitin ka?" Nainis ako sa sinabi niya kaya padabog akong pumasok sa cr at naligo. Mula rito rinig na rinig ko pa din ang tawa niya. Ghadd... kainins tong multong ito.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...