CHAPTER 21
VINCE POV
"Dude? Ano bibisitahan ba natin si K? Balita ko nilagnat ang baliw na iyon." Sabi ni Jacob habang nakaupo sa sofa.
"Oo pupuntahan natin siya." Sabi naman ni Rex habang nakaupo din at binubuklat ang news paper.
"Liliban tayo sa klase?" Tanong naman ni Angelo at seryosong nakatitig sa laptop niya. Ganyan talaga siya lagi, kung hindi ang phone, laptop or ano klaseng gadget ang hawak niya.
"Ayos lang yan. Si tita na mismo nagsabi na bisitahin natin ang anak niya." Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Neil? Sino na naman ba ang pinupuntirya mo diyan ha?" Tanong ni Jacob. Ngumisi lang si Neil sa tanong ni Jacob.
"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Neil at isinarado na ang laptop niya habang ang ibang kasama ko ay busy sa kanilang ginawa. Mukhang wala ata silang planong bisitahin si Klein.
"Saan ka Vince?" Tanong ni Neil sa akin habang inaayos ko ang sarili ko.
"Kina Klein. Hindi pa kayo pupunta?" Tanong ko. Tanging si Rex lang ata ang sasama sa akin, siya lang kasi ang tumayo at inayos ayos ang kanyang itsura.
"Sige mauna na kayo. Hahabol lang kami." Sabi ni Neil at kinuha ang phone niya mukhang may tinatawagan. Chick boy talaga itong isang to. Siya ang pinakainosente sa amin kung tignan ngunit nasa loob ang kulo.
"Ikaw Angelo ayaw mo sumabay?" Tanong ko. Sumenyas lang siya sa akin na hahabol lang siya.
"Halika ka na bro alis na tayo." Saad sa akin ni Rex at dala-dala ang basket ng prutas na binili niya kahapon. Ang masasabi ko kay Rex siya ang matured mag-isip sa amin napakaresponsable kaya nagkakasundo kami.
Ngumisi naman ako sa gawi ng tatlo ng may naisip akong idea, tiyak mapapasama ko ang tatlong ito. Sumenyas namab ako kay Rex ng sandali, nagtataka naman siya dahil sa ngisi ko.
"Talaga lang na ayaw niyong sumama ha? Sige mauuna na kami. 1st come 1st serve tayo doon." Sabi ko. Hindi talaga ako pinansin ng tatlo tila may sariking mundo.
"No problema bro." Sabi naman ni Jacob na nakahiga sa couch.
"Sige alis na tayo Rex excited na ako makita si Klea doon." Sabi ko. Nagulat naman si Rex sa sinabi ko, hindi kasi nila alam na si Klea pala ang tinutukoy na instant nurse ni Klein. Mabuti na lang at nakikisabay din ito si Rex.
"Sige bro. Alis na tayo." Sabi ni Rex at binuksan ang pinto. Akmang lalabas na kami ng pinto ng biglang may biglang may kung nahulog kaya naplingon kami ni Rex.
"Teka sasama na ako." Sabi ni Neil na nahulog sa couch na hindi pa nakatayo.
"Kayo naman hindi kayo mabiro, hintayin niyo ako." Saad ni Neil at dali daling pumasok sa kwarto upang magbihis.
"Teka! I change my mind sasama na ako." Sabi ni Angelo at iniwan pang nakabukas ang laptop. Tumingin naman ako kay Rex saktong nagpipigil ng tawa din pala ang isang ito.
Napailing na lang ako, kapag si Klea ang pumasok sa usapan para silang natataranta na ewan. Lalo na si Angelo na mukhang gusto si Klea.
Naalala ko tuloy nung pagkatapos namin maggrocery kasama si Klea.
*Flashback*
"Hoy Angelo ibang iba ka kanina nung kasama mo si Klea. Ang daldal." Sabi ni Jacob sa kanya.
"Shut up." Sabi ni Angelo at back to normal na siya na naman at hawak na naman ang phone.
"Klea is cute bro." Sabi naman ni Neil lumingon naman ako dahil sa sinabi ni Neil.
"Hoy Neil huwag kong isali si Klea sa kalokohan mo." Sabi ko sa kanya. Ngumisi naman si Jacob dahil sa sinabi ko. "Wala naman akong sinabi na isasali ko siya ha?" Saad ni Neil.
Napatigil naman si Jacob sa kanyang ginagawa at tumingin sa amin na nakakunot noo.
"Hey baby boy, ikaw ang bunso dito kaya huwag kang ganyan kunh tumingin." Sabi naman ni Jacob. Umiling naman si Angelo sa sinabi ni Jacob at pinagtuloy niya na muli ang kanyang ginagawa.
"Taken na ba iyon?" Tanong ni Rex. Lahat naman kami napalingon sa kanya as in nagulat kami sa tanong niya. Minsan lang kasi magtatanong si Rex mg ganyan sa isang babae.
"Oo taken na siya." Saad naman ni Jacob at seryoso ang kanyang mukha habang sinabi iyon, habang si Rex naman ay tumawa na lang.
"Dahil sa akin lang siya." Sabi naman ni Jacob.
"Gago." Sabay sabay naming sabi apat. Napakamot naman ng ulo si Jacob.
Natawa ako eto ang unang beses na pinag-usapan namin ang iisang babae. Yes, Klea is cute at ang gaan ng loob ko sa kanya, ang dali niya kasi mapikon. Parehas sila ni Klein.
*End of flashback*
Habang nasa byahe kami kinukulit nila akong tatlo kung paano ko nalaman na si Klea ang nurse ni Klein. Syempre kinwento ko ang nangyari sa school nung nagkita kami.
"Hindi ako papayag. Aawayin lang ni Klein si Klea." Sabi ni Angelo habang nakacross arm.
"May tintatago pala sa atin si Klein." Sabi naman ni Jacob.
"Oo nga pala. May lead na ba? Kung ano ang dahilan ng pagkaaksidente ni Klein?" Tanong naman ni Neil. Bigla naman kaming naging seryoso sa tanong ni Neil.
"Meron na." Tanging sagot ni Jacob. Si Jacob ay mahilig magbasagulero, kaya normal na lang sa amin kapag may bagong pasa siya sa katawan. Mahal niya daw kasi ang mukha niya kaya ang katawan niya lang ang pinapatama niya sa labanan.
Higit sa lahat dahil sa gulong sinali ni Jacob ay napasabak din kami. Pinag-iinitan nila ang grupo namin. Motto kasi naming magkakaibigan problema ng isa ay problema ng lahat. Kaya eto kami ngayon inaalam kung sino ang dahilan.
"Tinanong ko si Brandon kung may alam ba siya, pero hindi niya daw alam. Akala ko nga ang grupo nila ang may gawa noon pero mukhang mali ako." Paliwanang ni Jacob.
"Hindi iyon gagawin ni Brandon. Kahit lagi pa sila nagkakaaway ni Klein hindi ugali ni Brandon maglaro ng maduming laban." Sabi ko din. Kilala ko si Brandon and I just found out na magpinsan pala sila ni Klea.
"Basta, huwag niyo na muna yan alalahanin." Sabi naman ni Rex.
"Angelo, kamusta nga pala si Klein? Ano sabi ng Dad mo?" Tanong ko. Kilala ang Zapanta bilang magagaling na doctor kaya nung naaksidente si Klein Dad agad ni Angelo ang nagasikaso sa kanya.
"Okay naman ang vitals ni Klein. Kailangan niya lang talaga magpahinga upang hindi mabinat. Kakagising niya lang kaya may mga bagay bagay siyang nakakalimutan." Sabi naman niya. Tumango naman ako at muling kanya kanyang gawi na naman ang tatlo.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
أدب المراهقين-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...