CHAPTER 15
KLEA POV
After naming kumain ay napagpasyahan na namin ni Sheena na umuwi. Hapon na din kasi naaliw kami dahil sa limang lalaki. Habang naglalakad kami ni Sheena ang saya niya, kitang kita sa mukha niya ang saya na meron siya ngayon.
"I can't believe it Klea mga gwapo pala ang mga kaibigan ni Klein. Ang babait nila." Sabi niya at tila nananaginip.
"Oo nga eh. Umuwi na tayo upang makapagpahinga na ako." Sabi ko at nauna ng lumakad. Bakit parang may problema sa akin? Ay basta.
Pumasok ako sa service namin ni Sheena. Nasaan si K? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin? Noon naman kahit saan ako sumuslupot lang siya bigla.
"Manong alis na po tayo. Ihatid po muna natin si Klea." Sabi ni Sheena habang nakaupo siya sa tabi ko. Tahimik ko lamang tinignan ang mga gusali na dinadaanan namin.
*Kkkrrriiinnnggg*kkkkkrrrriiinnnggg*
"Hello dad?" Sagot ni Sheena. Papa niya pala ang tumawag. Mabuti pa siya at nakakasama niya ang kanyang magulang. Siguro maganda sa feeling na may magulang ka na susuportahan ka sa lahat ng desisyon mo.
"I'm going home."
"Okay dad. 8:00 pm" Sabi ni Sheena at binaba niya na ang phone niya. Napatingin naman siya sa akin at todo ngiti. Napataas naman ang kilay ko sa ngiti niya.
"At last makikita ko na siya. Bibisitahin namin si Klein mamaya. Gusto mo sumama?" Tanong sa akin ni Sheena. Kaya naman pala kung makangiti ito ng wagas. Fiance niya pala ang dahilan.
"Hindi na Sheena may mga dapat pa akong asikasuhin." Sabi ko na langsa kanya. Oo may aasikasuhin pa ako hindi pa kasi nagpaparamdam sa akin si K kanina pa. Nakakamiss.
"Hindi bale Klea next time ipapakilala ko siya sa 'yo." Sabi niya sa akin at ngumiti. Ngumiti na lamang ako ng matamlay sa kanya at tumango.
"Ayos ka lang ba Klea? Masama ba pakiramdam mo? Okay ka pa naman kanina ah?" Madaming tanong niya sa akin. Natawa na lang ako sa reaction niya o.a talaga.
"Okay lang Sheena. Pagod lang ata ako." Sabi ko sa kanya. Tumango tango naman siya sa akin kaya tahimik na lang ako buong byahe habang siya ay busy sa kanyang cellphone.
Hindi ko nakita si Brandon kanina sa school, hindi ba siya aware na nasa school kami kanina? Ang daya talaga noon mukhang nagtatago sa akin.
Pagkadating ko sa labas ng bahay nagpaalam na ako sa kanila at tinignan na lamang ang paglayo nila. Tumalikod naman ako at hinarap ang munti naming bahay.
"Boyfriend nasaan ka na?" Sambit ko na lamang sa sarili ko. Buong araw siya hindi nagpapakita sa akin, nakakatampo siya akala ko ba Girlfriend niya ako tapos hindi man lang siya nagparamdam sa akin.
Pagpasok ko sa bahay bumungad si Naynay sa harapan ko habang hawak niya ang telepono ng bahay habang nakatingin sa akin.
"Nandito na po ako Nay." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Matamlay akong lumakad patungong kwarto ko ng biglang
"Klea tumawag si Madam. Gising na ang anak niya. Bukas ka na magsisimula." Sabi sa akin ni Naynay kaya napatigil ako at lumingon sa kanya. Bukas?
"Ah sige po." Sabi ko at tumalikod na lang. Baka nasa kwarto lang si K at inaantay niya ako doon kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti nagbabakasakali na nasa loob siya ngpagbukas ko, bigla na lang nawala ang ngiti sa aking labi ng walang K na bumungad sa akin na nakahiga sa kama o nakaupo. Bagsak balikat ko pinasok ang kwarto ko at itinapon ang sarili sa kama.
Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Habang nakatingin ako sa kisame hindi ko mapigilan na hindi mag-isip.
Gising na si Klein Villamor. Si Klein ay fiance ni Sheena. Gising na din ang babantayan ko. Si K hindi nagpaparamdam sa akin.
Napatigil ako sa pag-isip at parang biglang sumikip ang dibdib ko sa ideang pumasok sa isip ko. Hindi kaya? Hindi kaya si K ay si Klein? K? Klein? Magkatunog. Sabi ni K, K lang ang naaalala niyang pangalan niya. Si K na boyfriend kong multo ay fiance ni Sheena?
Bigla akong napatawa ng mapait? Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Baka nagkataon lang. Pero what if, what if ay iisa lang si K at Klein?
Mahal ko si K, pero fiance siya ng kaibigan ko? Ipaglalaban ko ba si K?
Napaupo naman ako at napasabunot sa buhok ko dahil sumakit ang ulo ko sa inisip ko.
Ayaw ko masaktan si Sheena pero mahal ko si K. Boyfriend ko siya, hindi ba trabaho ng Girlfriend na ipaglaban ang Boyfriend niya sa ibang babae?
Uurrgghhh! K nasaan ka na ba? Kailangan kita. Madami pa akong sasabihin sa 'yo. Kailangan ko ng kausap ngayon? Bakit wala ka?
Napatingin na lang ako sa pwesto kung saan laging umupo si K.
"Namiss na kita. Paramdam ka naman Boyfriend. Hindi naman siguro kayo nag-iisa ni Klein Villamor hindi ba?" Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. As if may K sa tabi ko.
Naramdaman ko na lamang ang mainit na likido sa aking pisngi. Eto ang unang beses na umiyak ako sa isang lalaki.
Masakit lang kasing isipin, what if kung iisang tao lang si K at Klein? Ano ang gavawin ko? Kami ni Sheena? Paano kami? Mahal ko si Klein.
Ghad... I can't decide. Hoping sana hindi sila pareho. Mahal ko na si K, siguro hindi ko lang maamin this past few days dahil naiinis ako sa kanya, pero sure na ako sa nararamdaman ko. Pangako babawi ako sa oras na babalik na sa katawan si K. Ako na naman ang mangungulit sa kanya. Sana nga lang, ibang tao si K at Klein.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...