CHAPTER 43
KLEIN POV
*beep*
1 message recieve
Napatingin ako sa phone ng bigla itong tumunog. Nakaupo ako ngayon sa kwarto ng condo ko habang iniisip ang mga gagawin ko mamaya bago ako aatake sa lungga kung saan dinala si Klea.
Gabi na din. Alam kong wala silang gagawin kay Klea, pero hindi pa din ako mapakali dahil hindi ko siya nahahawakan at nakikita. Ang saad sa akin ng mga lalaking dumukot kay Klea, bukas pumunta ako sa isang lugar, abandon building na malapit sa paaralan nila Klea.
Ano ba kailangan nila sa akin? Bakit kilala at dinamay pa nila ang babaeng mahal ko? Sa oras na malaman ko na may kagaguhan silang ginawa, ako mismo ang papatay sa kanila.
Hinakawan ko ang phone ko at buntong hiningang tinignan kung sino ang nagtext. Sabay kunot noo.
-Kaya mo ba? Kaya mo bang makita na ganito ang kalagayan ng girlfriend mo?- +6393840273943
Klinick ko ang video at
"Ang sexy niya bro."
"Gisingin natin."
"Ang kinis pa."
"Ano? Na bobored na ako. Maari ko bang tikman ang babaeng ito."
Sa narinig ko. Automatiko kong natapon ang phone ko at nandilim ang paningin ko. Mga tarantado, walang sinong maaaring gumalaw kay girlfriend. Gago.
Bukas? hindi ko na ito ipapaabot pa ng bukas. Matagal tagal na din bago ako makipag-away. Humanda sila sa akin.
ANGELO POV
Kanina ko pa tinatawagan si Klein pero hindi ko siya magawang tawagan. Laging out of coverage. Saan kaya pumunta ang gago?
Kakadating ko lang dito sa condo ko kung saan nandito din ang mga lapastangan at mga walang hiya kong mga kaibigan na mukhang ginawa na nilang sariling bahay ang condo ko dahil feel na feel nilang kumain at ubusin ang mga pagkain ko na meron ako sa ref.
"Hindi ko ma contact si Klein." Sabi ko at tinapon ang phone ko sa sala at tumalon sabay higa.
"Wala ka bang planong sabihin kay Klein na si Klea ang kakambal mo?" Tanong ni Jacob habang kumakain ng mansanas.
"I change my mind. Pinabayaan niya si Kk." Sabi ko at tumingin sa kisame.
Oo alam ko. Dahil sinabihan ako ni Rex pagdating ko sa condo. Salamat sa kanila dahil tinulungan nila akong mahanap ang kakambal ko. Kahit may iba pa kaming pinagkakaabalahan nagawa pa din nila isabay ang kakambal ko sa paghahanap.
"Bro hindi alam ni Klein na hoholdup in si Klea. Nasa school sila pareho, may responsibilidad din si Klein." Depensa ni Vince.
"Chill bro. Alam ko yun. Ang tanong sino ang dumukot kay Klea?" Tanonh ko. Kibit balikat lamang ang sagot sa akin ni Neil, Vince at Jacob habang si Rex naman ay seryoso akong tinignan na parang may malalim na iniisip.
"Hindi kaya ang mga taong nakapaligid lang kay Klein?" Saad ni Rex. Taas kilay ko siyang tinignan tila hinihintay ang sasabihin niya.
"Paano mo nasabi?" Tanong ni Neil.
"Basta." Saad ni Rex.
"Kailan daw ba pupuntahan ni Klein si Kk?" Tanong ko.
"Bukas daw ng gabi. Yun ang sabi kay Klein."
"Teka nga... alam ba ni Brandon na dinukot ang pinsan niya?" Tanong ko.
"Hindi niya alam. Kung makapinsan ka para namang mag pinsan si Klea at Brandon. Gago." Sabi ni Jacob.
"Ano na gagawin natin? Kating kati na ako." Saad ni Neil.
"Alam mo lumaya----"
Napatigil ako sa pagsalita ng biglang tumunog ang phone ni Vince at kinuha niya naman na nasa table lang.
"S-si Klea." Sabi ni Vince at pinakita sa amin ang caller I.D
"Sagutin mo. Bilis." Sabi ni Rex at inagaw ang phone.
Bakit iba ang nararamdaman ko. Bakit nakaramdam ako ng takot. Sumabay din ang pagbilis ng pintig ng puso ko.
Sinagot ni Rex ang tawag ngunit tanging mabigat na hinga lang ang narinig namin sa kabilang linya.
"T-tulong. Tulungan niyo si Klein." Sabi ni Klea sa kabilang linya.
"Tulungan ninyo siya." Sabi niya at narinig namin na humikbi si Klea sa kabilang linya.
"Klea! Nasaan kayo?!" Sabi ni Vince.
"N-nandito kami sa abandon building. M-malapit sa paaralan ko. B-bilisan ninyo---" hindi natuloy ang sasabihin ni Klea ng bigla siyang sumigaw.
"Klein! Sa likod!"
*Bang*
Isang malakas na putok ng baril ang narinig namin sa kabilang linya at sabay sabay kaming apat lumabas sa condo ko at patakbong lumabas upang sundan ang lalaking iyon.
Kapag may mangyari kay Klea hindi ko sila mapapatawad. F*ck.
REX POV
Mabilis at matulin ang pagpapatakbo ni Angelo sa kanyang sasakyan. Kita ko din ang mahigpit na paghawak niya sa manibela. Hindi ko siya masisisi dahil kakambal niya ang nandoon.
Natatakot ako. Hindi ko alam. Kung bakit may putok ng baril. Ang sabi nila walang masasaktan.
Bakit naman kasi sumugudsugod si Klein na hindi kami sinabihan? Naiinis din ako sa kanya. Sana man lang ininform niya kami para aware kami na pinuntahan niya na si Klea. Akala kasi namin bukas pa.
"Angelo, kalma lang. Magiging maayos din ang lahat."
"I know pero hindi ko pinangarap na may ma hohospital na naman isa sa kanila. Lalo na si Klein. Ayaw ko din mabaliw si Mommy isipin na si Klea at kanyang nawawalang anak na ganon ang sitawasyon nila."
"Sino ba ang ulo ng gulong ito? Dinamay damay pa si Klea." Sabi ni Angelo.
Sakto naman ng bigla muling tumunog ang phone ni Vince sabay sabing
"Si Sheena." Saad niya bago sinagot ang tawag.
"Hello?"
"P-paano? Ang Daddy mo?"
"Ex boyfriend mo?"
"Ang gagong iyon hindi pa nadala."
"Sige sige Sheena."
"Salamat. Pupuntahan na namin sila."
"Huwag ka sa akin magsorry. Sa kanila ka magsorry. Sige." Sabi ni Vince at tinignan kami.
"Ano daw?" Tanong ko.
"Inutusan ng Daddy ni Sheena ang ex niya na dukutin si Klea. She's crying while telling me this. Hindi naman pala ginusto ni Sheena na sirain ang relasyon ni Klein at Klea. Ang Daddy niya lang."
"Hmmm... now that explain everything." Sabi ni Angelo at binilisan ang pagpapatakbo.
Pagkadating namin sa abandong gusali dali dali kaming bumaba sa sasakyan ni Angelo at nag inat ng katawan. Matagal tagal din bago ako muli makipaglaban. Ngayon mukhang makakapag ensayo na ako nito.
BINABASA MO ANG
My Ghost Boyfriend [COMPLETED]
Teen Fiction-----COMPLETED---- Si Klea ay isa sa mga ordinaryong babae kung saan isang kahig at isang tuka siya. Wala nang mga magulang dahil sa isang insidenteng nangyari noong bata pa siya. Kaya nakitira na lamang siya sa kanyang tiyahin na ubod ng bait at it...